17/06/2026
WALANG PASOK | Ipinababatid sa lahat na kanselado ang mga klase bukas, ika-18 ng Hunyo, dahil sa nakatakdang power interruption sa bayan ng Lal-lo.
Saklaw ng kanselasyon ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong bayan.
Sa kanyang Facebook Live, inanunsyo ni Mayor Florence Oliver B. Pascual ang pagsuspinde ng mga klase bunsod ng nakatakdang power interruption.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas at maghanda sa pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente. Patuloy na maghintay ng mga karagdagang abiso mula sa mga kinauukulang tanggapan.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.