05/07/2026
NUTRITION MONTH 2026
CABOOAN ELEMENTARY SCHOOL
Ang Cabooan Elementary School ay buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month 2026 na may temang:
“Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!”
Bilang suporta sa pagsusulong ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa ating kalikasan, magsasagawa ang ating paaralan ng iba’t ibang makabuluhang gawain sa buong buwan ng Hulyo tulad ng:
•Nutri-Zumba
•Poster Making, Slogan Making at Coloring Activities
•Healthy Baon Challenge
•Pinggan mo, Flex mo!
•Video Presentation
•Nutrition and Environmental Awareness Campaigns
•Nutrition-Themed Activities
Layunin ng mga gawaing ito na palawakin ang kaalaman ng ating mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng wastong pagkain, aktibong pamumuhay, at pangangalaga sa kalikasan bilang bahagi ng pagbuo ng isang malusog at responsableng komunidad.
Inaanyayahan natin ang buong komunidad ng Cabooan Elementary School—mga mag-aaral, g**o, magulang, at mga katuwang—na makiisa at suportahan ang ating mga programa para sa isang mas malusog na kinabukasan.
Ang pagdiriwang ng Nutrition Month 2026 ay pangungunahan ni Dr. Minda M. Mañibo, School Head, katuwang ang lahat ng mga g**o ng Cabooan Elementary School, upang matiyak ang matagumpay at makabuluhang pagsasagawa ng iba’t ibang programa at gawain na naglalayong itaguyod ang wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan.
Sama-sama nating isabuhay ang wastong nutrisyon at pangalagaan ang ating kalikasan! ❤️🌍