28/01/2026
๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
|| Arjay J. Efondo
Makulay, maingay at punong-puno ng selebrasyon โ ito ang repleksyon ng naging opisyal na pagbubukas ng 28th Pabirik Festival sa bayan ng Paracale, Camarines Norte sa ngalan ng Patron ng Bayan na si Nuestra Seรฑora De Candelaria at pangunahing yaman ng Bayan, ang ginto.
Nitong ika-25 ng Enero, 2026 araw ng Linggo ay opisyal na pinasinayaan ang pagbubukas ng kapistahang Pabirik sa Paracale. Tampok sa pagbubukas ng gawain ang Grand Opening Parade at Opening Salvo, Civic Military Parade, Drum and Lyre Core (DLC) Competition at Citizens Advancement Training (CAT) Silent Drill Competition.
Umaga pa lamang nitong araw ng Linggo ay gising na gising at buhay na buhay na ang buong bayan ng Paracale, sa tunog ng mga instrumento, kulay ng mga uniporme't kasuotan hanggang sa pagsilay ng mga ngiti at tawa sa labi ng mga kalahok sa parada at mga kompetisyon na lahat ay pawang larawan ng kasiyahan at pagdiriwang.
Matapos ang mga kahanga-hangang pagtatanghal, kinilala at ginawaran ang mga umangat sa CAT at DLC Competition. Sa walong (8) kalahok sa CAT Silent Drill Competition ay umangat at kinilalang Overall Champion ang kinatawan ng Tulay Na Lupa National High School (TNLNHS) mula sa bayan ng Labo. Samantala, sa paligsahan naman ng DLC kung saan labindalawang (12) mga paaralan ang kalahok ay kinilalang Big Winner ang Vinzons Pilot High School (VPHS) mula sa Vinzons, Camarines Norte.
Ang pagbubukas ng Pabirik Festival ay pag-uumpisa ng Week-long celebration nito ay pinangungunahan ng Pamahalaang Bayan ng Paracale sa pamumuno ni Mayor Romeo Moreno at Vice Mayor Zaldy Moya kasama pa ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Paracale. Kasama ring nanguna sa gawain ang Municipal Tourism Office (MTO) ng Paracale na pinamumunuan ni Ms. Cielo Ley Javier.
Sa Grand Opening Parade ay naging makahulugan din ang pakikibahagi ng mga kawani ng Local Government Unit (LGU) - Paracale, pati na ang dalawangpu't pitong (27) mga barangay na pinangungunahan ng mga Kapitan, Kagawad at mga opisyal ng lokal na pamahalaan, kasama ring nagpakita ng suporta ang mga lokal na organisasyon at samahan sa bayan partikular ang mga miyembro mula sa sektor ng pagmimina at pangisdaan.
Ngayong buong linggo ay siksik, liglig at umaapaw ang mga aktibidad na inihanda kaugnay ng Pabirik Festival 2026, kasama na rito ang Miss Teen Paracale 2026, Little Miss Paracale 2026, Miss Paracale 2026, Regional Dance Battle, Baile sa Cayle, Variety Show at marami pang iba.
Ang Pamahalaang Bayan ng Paracale sa pamumuno ni Mayor Moreno ay ipinapangako ang kasiyahan ng gawain at ang patuloy na pagpapabuti ng selebrasyon sa mga susunod na taon para sa mga mamamayang Paracaleรฑos at mga bisita mula sa iba't ibang lugar sa lalawigan at bansa.
๐๐๐๐ง๐ญ๐๐ฒ๐จ๐
๐๐๐ง๐ฎ๐๐ซ๐ฒ ๐๐, ๐๐๐๐ | ๐๐ฌ๐ฌ๐ฎ๐ ๐๐จ. ๐๐๐๐
๐จ | Symon Ibarra B. Avila
๐ธ | Chester Agris, Piolo Abrera & Bejay Acunin