07/05/2026
📢 PAUNAWA SA MGA MAGULANG AT MAG-AARAL 📢
Ang Daguit National High School ay inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral, magulang, at tagapag-alaga para sa Enrolment para sa School Year 2026–2027 para sa Grades 7 hanggang 12, kabilang ang mga Transferee at Balik-Aral.
📅 Petsa ng Enrolment:
• Mayo 25, 26, 28, at 29, 2026
• Hunyo 1 hanggang 5, 2026
📌 Bukas ang paaralan para sa lahat ng nais magpatala. Mangyaring dalhin ang mga kinakailangang dokumento tulad ng report card at birth certificate (kung kinakailangan) at sagutan ang enrollment form na makukuha sa Administrative Office.
📣 OPLAN BALIK-ESKWELA AT BRIGADA ESKWELA 2026 📣
Kasabay ng enrolment ay ang pagsasagawa ng Oplan Balik-Eskwela at Brigada Eskwela mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 5, 2026.
Layunin nito ang paghahanda ng paaralan upang masig**o ang ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran para sa pagbubukas ng klase. Inaanyayahan ang lahat ng magulang, mag-aaral, at iba pang stakeholders na makiisa sa mga gawaing pangpaaralan tulad ng paglilinis, pagkukumpuni, at iba pang preparasyon.