03/06/2025
📣 BRIGADA ESKWELA 2025
📚 Sama-sama para sa Bayang Bumabasa!
📍 Bayabas Elementary School
🗓️ June 9–13, 2025
Panahon na naman ng bayanihan para sa edukasyon! Inaanyayahan po namin ang mga g**o,magulang,mga mag-aaral, alumni, LGU, NGOs, mga katuwang ng paaralan, at ang mas malawak na komunidad at mga kaibigan ng paaralan na makiisa sa Brigada Eskwela 2025.
Sa temang “Sama-sama para sa Bayang Bumabasa,” layunin nating ihanda hindi lamang ang pisikal na kapaligiran ng paaralan, kundi pati ang mga espasyo para sa pagbabasa at pagkatuto ng bawat bata ng Bayabas Elementary School.
🛠️ Mga Gawain sa Brigada Eskwela:
1. School ground cleaning
2. Repainting of desks and armchairs
3. Trimming of trees and shrubs
4. Repainting of stairs
5. Cleaning and repainting of flowerboxes
6. Classroom cleaning
7. Repairing of gutters and doors
8. Repainting of walls,and ceilings
9. Rehabilitation of the school garden
10. Repainting of doors
11. Repainting of blackboards
12. Cleaning of school stage, feeding center and makeshift rooms
13. Enhancing of the school reading center/classroom reading corner
📦 Mga Kailangan ng Paaralan:
• Reading materials {e.g., storybooks, educational magazines, children's books}
• School supplies {e.g., papers, pencils, notebooks,crayons.etc.}
• Cleaning materials {e.g., brooms,dust pans,garbage bins}
• Painting materials {e.g., chocolate brown enamel, paint latex white,tinting color latex-(raw sienna,thalo blue,thalo greem,hansa yellow),paint brush and paint roller}
• Volunteer services
🙌 Paano Ka Makakatulong?
✔ Mag-donate ng mga gamit na kailangan ng paaralan
✔ Maki-volunteer sa mga araw ng Brigada
✔ I-share ang post na ito upang mas marami ang mahikayat tumulong
“Ang malinis, makulay, at maayos na paaralan ay tahanan ng mga batang masigasig magbasa at matuto.”
📞 Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan po sa aming paaralan o mag-message dito sa aming official FB page.
💙 Tara na't mag-Brigada Eskwela! Sama-sama para sa Bayang Bumabasa!