26/08/2025
Isang matagumpay na pagtatanghal ng District Level sa Radio at TV Broadcasting! ποΈπΊβ¨
Lubos ang aming pasasalamat sa St. Maryβs College of Labason sa pagbibigay ng maayos at maaliwalas na lugar para sa mahalagang gawaing ito.
Isang mataas na pagpupugay kay Gng. Ma. Gracelyn L. Folgo, School Principal ng New Salvacion Elementary School at District Filipino Coordinator at punong-abala ng buong programa, sa kanyang walang kapantay na dedikasyon, masusing paghahanda, at buong pusong paglilingkod upang maisakatuparan ang kaganapang ito. Hindi rin matatawaran ang kanyang inisyatiba sa pagbibigay ng mga munting token ng pasasalamat para sa ating coaches, judges, at TWG, isang patunay ng kanyang pagpapahalaga sa bawat isa.
Maraming salamat din sa mga kalahok mula sa ibaβt ibang paaralan na buong husay na nagpakitang-gilas at sa aming mahal na PSDS, Dr. Arnold Dinglasa, sa kanyang inspirasyonal na presensya at suporta.
Tunay na ang tagumpay ay bunga ng pagtutulungan at pusong naglilingkod. πΉπ»π
Mabuhay ang kabataang mamamahayag!