27/05/2026
BRIGADA ESKWELA 2026 – Tara Na!
“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”
📅 Hunyo 1–5, 2026
🕢 7:30 AM – 5:00 PM
Inaanyayahan po ang lahat ng magulang, alumni, katuwang sa komunidad, at mga boluntaryo ng Moises Abante Memorial Elementary School na makiisa sa ating taunang Brigada Eskwela 2026!
Magbayanihan tayo upang maihanda ang ating paaralan—tiyakin nating ito ay malinis, ligtas, at maayos, handa para sa mas makabuluhang pagkatuto ng ating mga mag-aaral.
Huwag nang mag-atubili! Dalhin ang inyong mga walis, pintura, paint brush, at higit sa lahat, ang pusong handang maglingkod at tumulong.
Sama-sama nating isulong ang diwa ng pagkakaisa para sa edukasyon!
Kita-kits sa Brigada Eskwela!