27/09/2026
tama nga sig**o...
noong sinabi niyang,
"ikaw ang gumagawa ng iyong grado...
taga-compute lang ako."
dahil ang ibig pala niyang sabihin ay,
"ikaw ang gumagawa ng iyong tagumpay…
ako lamang ang iyong gabay."
tama nga si g**o
tama nga si G**o
---Josefino Servé
Maligayang Buwan ng mga G**o!
Tungkol sa may-akda: Si Joseph “Josefino Servé” Labayan ay naging fellow sa kauna-unahang pambansang palihan sa pagsulat ng tula ng Mga Tala at Tula (MTAT). Nakalimbag ng isang aklat noong siya ay disisyete anyos, isang koleksyon ng mga prosa na pinamagatang Lagpas Hatinggabi at Kung Sakaling Hindi Umabot ng Atrenta (KSHUA), bilang isang chapbook na koleksyon ng mga tula.
PABATID: Ang chapbook na Kung Sakaling Hindi Umabot ng Atrenta (KSHUA) ay maaaring basahin at mahiram sa ating School Library.
Bumisita sa ating School Library upang magkaroon ng pagkakataon na makapagbasa ng iba't ibang koleksyon ng prosa, tula, maikling kuwento, nobela at iba pa.