30/06/2026
๐ง๐ถ๐ป๐ด๐ป๐ฎ๐ป | PEACE RALLY: ISANG HAKBANG TUNGO SA PAGKAKAISA AT KAPAYAPAAN
Isang Peace Rally ang isinagawa ng La Castellana National High School โ Senior High School nitong ika-30 ng Hunyo, ang gawaing ito ay bahagi ng pagpapatupad ng PEACE Campaign, na naglalayong itaguyod ang ligtas, maayos, at mapayapang kapaligiran sa pagkatuto at ipahayag ang matibay na pagtutol sa anumang uri ng karahasan sa pangunguna ni Kriz Marie P. Salcedo at buong opisyales ng SSLG sa gabay ng kanilang tagapayo, Sir Rogel Q. Perez.
Ang PEACE Campaign ay nangangahulugang โPowering Empathy, Acceptance, and Connection Everydayโ o sa wikang Filipino ay Pagpapatibay ng Pagmamalasakit, Pagtanggap, at Pagkakaisa sa Araw-araw. Alinsunod ito sa mandato ng Kagawaran ng Edukasyon na gawing sentro ng kapayapaan ang bawat paaralan.
Ang mga pangunahing layunin nito ay:
- Palaguin ang paggalang at pag-unawa sa pagitan ng bawat mag-aaral at g**o;
- Maiwasan ang mga alitan, pananakot, at karahasan sa loob at labas ng paaralan;
- Isabuhay ang mga pagpapahalagang Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan, at Makabansa;
- Maging gabay sa paghubog ng mga kabataang may malasakit at responsibilidad sa kapwa.
Dumalo at nakibahagi sa aktibidad ang mga mag-aaral mula sa ibaโt ibang seksyon. Dala nila ang mga makukulay na placard at sabay-sabay na umawit ng mga chant na nagpapakita ng kanilang paninindigan at pagsuporta sa layunin ng programa.
Bilang bahagi ng gawain, nagbigay ng mahahalagang paalala at mensahe sina Ma'am Irish Mae Q. Casugod at ang Punongg**o na si Ma'am Joy O. Estacion. Sa kanyang pahayag, kanyang binigyang-diin Ang pahayag na โRespect begets respect but respect should start within yourself. We are all fair and we ought to be respected.โ Ayon sa kanya, ang tunay na kapayapaan ay nagsisimula sa paggalang sa sarili bago maibigay at matanggap ito mula sa iba.
Ang nasabing pagtitipon ay naging mabisang daan upang marinig ang boses ng mga kabataan. Nagsilbi rin itong paalala at pagmumulat sa kanilang kamalayan upang mapanatili ang maayos na ugnayan, maiwasan ang alitan, at patibayin ang samahan ng buong paaralan.
Sa kabuuan, ang Peace Rally ay hindi lamang isang simpleng gawain kundi isang mahalagang hakbang upang hubugin ang isang ligtas, payapa, at magkakaugnayang pamayanan ng pagkatuto.