11/09/2026
Isang makabuluhang pagdiriwang ng wika, kultura, talento, at pagkakaisa ang isinagawa ng Maimbung National High SchoolโMain sa pangwakas na pagdiriwang ng ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ noong Setyembre 10, 2026.
Bagamaโt karaniwang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika tuwing Agosto, naging pagkakataon ang pangwakas na programa upang tipunin ang buong pamayanan ng paaralan sa isang masigla at makabuluhang pagdiriwang ng wikang Filipino at kulturang Pilipino.
Tampok sa programa ang mga pagtatanghal ng mga mag-aaral sa ๐๐๐๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ข๐ ๐ค๐๐ฌ, ๐๐ฌ๐๐ก๐๐ง๐ ๐๐ฐ๐ข๐ญ, at ๐๐๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ฐ, na nagbigay-buhay sa kanilang talento, pagkamalikhain, at pagpapahalaga sa kultura. Sa pamamagitan ng kanilang mga pagtatanghal, naipamalas ang kahalagahan ng wika bilang tagapagdala ng kasaysayan, pagkakakilanlan, at pagkakaisa.
Isa rin sa mga tampok na bahagi ng programa ang paglilipat ng mga korona sa bagong Mutya ng MNHS na si ๐
๐๐๐ณ๐ซ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ข๐ at Ginoo ng MNHS na si ๐๐ฎ๐ฅ-๐๐ค๐๐๐ซ ๐๐ก๐๐ฃ๐๐ง. Ang kanilang pagkakapili ay sumisimbolo hindi lamang sa kagandahan at tindig, kundi maging sa tiwala sa sarili, mabuting asal, at pagmamalaki sa kultura at pagkakakilanlan.
Kasabay ng pangwakas na pagdiriwang ang opisyal na pag-aanunsyo ng kabuuang ranggo ng limang pangkat sa Palaro 2026:
๐ KAMPEON โ Thunder Strikes ๐
๐ฅ 1st Runner-Up โ Solar Flares โค๏ธ
๐ฅ 2nd Runner-Up โ Ocean Tsunamis ๐
๐ฅ 3rd Runner-Up โ Sky Vortex ๐
๐
4th Runner-Up โ Blaze Cyclones ๐งก
Sa pagtatapos ng Palaro 2026, kinilala hindi lamang ang mga nangibabaw sa kompetisyon kundi pati ang pagsisikap, disiplina, pagtutulungan, at sportsmanship na ipinakita ng bawat pangkat at kalahok.
Mula sa makukulay na pagtatanghal ng Buwan ng Wika hanggang sa matitinding laban sa Palaro, naging bahagi ang mga gawaing ito ng isang makabuluhang karanasan para sa mga mag-aaral ng Maimbung National High SchoolโMainโisang karanasang nagtaguyod ng wika, kultura, talento, pagkakaisa, at pagmamalaki sa paaralan.
Taos-pusong pasasalamat, unang-una, sa aming Punong G**o na si Sir ๐๐ฌ๐ง๐๐ฃ๐ข ๐. ๐๐ข๐ซ๐๐ฃ๐ข, ๐๐.๐., sa kanyang patuloy na pamumuno, suporta, at paggabay na naging mahalagang bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng mga gawaing ito.
Lubos din ang aming pasasalamat kay ๐๐จ๐ง. ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐ฃ๐. ๐๐ก๐ข๐ก๐ฅ๐ ๐. ๐๐๐ง-๐๐๐ฒ๐ฎ๐๐ข๐ง๐ข sa kanyang patuloy at taos-pusong suporta sa Maimbung National High SchoolโMain. Salamat Mayora sa inyong malasakit sa kapakanan at pangangailangan ng ating mga mag-aaral. Sa bawat pagkakataong nangangailangan ng suporta ang ating mga learners, hindi mo ipinagkakait ang iyong panahon, tulong, at pag-unawa. Ang iyong patuloy na pagkalinga at pagtugon sa pangangailangan ng mga kabataan ay malaking ambag sa paglikha ng mas maayos, mas inklusibo, at mas makabuluhang karanasan sa paaralan lalong-lalo na sa malayong lugar tulad ng Kulasi. Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at malasakit sa ating mga mag-aaral at sa buong pamayanan ng paaralan.
Gayundin, kinikilala ang mahalagang ambag ng mga g**o, tagapag-ugnay, tagapagsanay, hurado, opisyal, mag-aaral, magulang, at iba pang katuwang ng paaralan na naglaan ng oras, pagsisikap, at suporta upang maging makabuluhan at matagumpay ang pagdiriwang.
Ang tagumpay ng mga gawaing ito ay bunga ng sama-samang pagkilos ng buong pamayanan ng paaralanโpatunay na sa pagkakaisa at pagtutulungan, mas nagiging makabuluhan ang bawat pagdiriwang at bawat tagumpay.