25/09/2026
๐๐๐ ๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐ , ๐ ๐ฎ๐ซ๐จ, ๐ข๐๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ญ๐๐ค๐๐ก๐จ๐ฅ๐๐๐ซ, ๐ง๐๐ ๐ฌ๐๐ง๐ข๐-๐ฉ๐ฎ๐ฐ๐๐ซ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฌ๐๐ ๐ฎ๐ซ๐ข๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐
Bilang tugon sa mga usaping pangkaligtasan sa loob ng paaralan, nagsanib-puwersa ang mga magulang, g**o, at stakeholder ng Sto. Niรฑo Elementary School (SNES) upang maglagay ng bakod sa paligid ng paaralan.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap, gumamit ang mga boluntaryo ng mga kawayan at mga luma ngunit matitibay na yero upang makabuo ng pansamantalang bakod na magsisilbing dagdag na proteksiyon sa mga bata, g**o, at kawani ng SNES.
Bukod sa pagiging praktikal, ipinakita rin nito ang pagiging mapamaraan ng komunidad sa pagtugon sa mga pangangailangang seguridad paaralan.
Ayon sa punong-g**o ng SNES na si Gng. Dolores L. Carreon, ang matagumpay na pagsasakatuparan ng proyekto ay bunga ng liderato ng mga g**o at ng bukas na pagtugon ng mga magulang sa panawagan ng paaralan.
Aniya, walang hamon na hindi malalampasan kung may pagkakaisa, aktibong pakikilahok, at malasakit ang bawat isa.
โMadamo gid nga salamat fellow teachers. It is indeed your leadership that urged our parents to come over and help. Wala gid imposible kung gabinuligay kag ara ang presensya. Thank you.โ
Sa bawat hampas ng martilyo at pagkakabaon ng pako, naitayo hindi lamang ang isang bakod kundi isang mas matibay na samahan.
Sapagkat ang tunay na seguridad ng paaralan ay hindi lamang nasusukat sa taas ng bakod kundi sa lalim ng pagkakaisa ng mga taong handang magtulungan para sa kapakanan ng mga bata.