20/09/2026
๐๐๐๐๐๐ | ๐๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ป ๐ต๐ถ๐ป๐ด๐ด๐ถ๐น ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด-๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น, ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ป๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐๐ฎ ๐๐ผ๐ป๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป, ๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ ๐๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ก๐๐ ๐จ-๐๐๐๐ ๐ฆ๐๐ฆ
Kaalinsabay sa pagdaraos ng unang convocation at card day ngayong ika-19 ng Setyembre, ibinahagi ni Gng. Leann Jester D. Rosali, MSc, punongguro ng NDMU-IBED Senior High School, sa kaniyang talumpati ang limang usaping hinggil sa gampanin ng mga magulang at komunidad bilang ahensiyang tagapaghubog sa holistikong kaunlaran ng mga mag-aaral.
Kabilang sa mga binigyang-pansin ang partnership ng paaralan at mga magulang, pagbabago sa school calendar, kaligtasan at seguridad ng mag-aaral, pakikilahok sa SHS Parents, Teachers, and Administrators Association (PTAA), at pagkilala sa mga mag-aaral na lumahok sa co-curricular activities at kumatawan sa paaralan.
Sa usapin ng partnership, naghatid ng paalala ang punong-guro sa gampanin ng mga magulang at ng paaralan sa paglago ng mga mag-aaral.
"Education is not something that the school can accomplish alone. The school teaches, but the home forms. The school guides, but the home sustains." saad ng punong-guro.
Samantala, inilarawan naman ang pagbabago sa school calendar, partikular ang pag-urong ng graduation day ng Grade 12 mula Abril 10 patungong Abril 12, 2027, bunga ng kabuuang konsiderasyon at mga adjustment ng institusyon.
Dagdag pa, gaganapin naman ang Recognition at Card Day ng Grade 11 sa Abril 14, 2027.
Bukod pa roon, binigyang-diin naman ng punong-guro ang seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral, kung saan hinikayat nya ang mga magulang na maging mapagmatyag lalo na't sila ang higit na nakakaalam sa tunay na ugali, pakikitungo, at gawi ng kanilang anak.
"We cannot watch our children every minute of the day, but we can build relationships strong enough that they will know where to run when something is wrong." ipinunto pa niya.
Dagdag niya, kaakibat ng pagbibigay ng independence sa kabataan ang patuloy na presensya ng mga magulang, hindi ang kawalan nito.
Kaugnay naman sa PTAA, hinikayat ng punongguro ang mga magulang na makilahok at ihayag ang kanilang kahandaang maglingkod, kasabay ng kanilang kakayahang makinig, magrepresenta, at makipag-ugnayan para sa mga estudyante ng paaralan.
At panghuli, kinilala at binigyang-pugay ang mga mag-aaral na lumahok sa iba't ibang co-curricular activities nitong term 1, kung saan kinatawan nila ang paaralan.
Isinulat ni: sesame
Iwinasto ni: G. Ralph G. Bansawan, Maed