13/01/2026
MAS MARAMING FEEDING PROGRAM PARA SA MGA BATA SA 2026 ๐ฝ๏ธ๐ง๐
Nagpapasalamat po tayo kay President Bongbong Marcos sa napakagandang resulta ng General Appropriations Act para sa 2026.
Sa kauna-unahang pagkakataon, pumasok na ang Pilipinas sa UNESCO global standard na nagsasabing 4โ6% ng GDP ang dapat ilaan sa edukasyon, patunay na tunay na prayoridad ang sektor na ito sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
Makikita ito sa makasaysayang pagtaas ng pondo para sa mga programang may direktang epekto sa ating mga mag-aaral. Mula โฑ3 bilyon noong 2022, ang school-based feeding program ay aabot na sa humigit-kumulang โฑ25 bilyon pagsapit ng 2026, isang malaking hakbang upang matiyak na mas malusog, mas busog, at mas handang matuto ang ating mga bata.
Ngayong 2026, layon nating matulungan ang:
โข 1.52 milyong Kindergarten learners sa loob ng 200 araw
โข 1.79 milyong Grade 1 learners sa loob ng 200 araw
โข 1.84 milyong Grade 2โ6 learners na wasted at severely wasted sa loob ng 200 araw
โข 7,000 buntis na mag-aaral sa loob ng 180 araw
โข 132,000 marginalized at vulnerable learners lampas Grade 6 sa loob ng 180 araw
Ito ang klase ng pamumuhunan na may malinaw na balik sa kinabukasan ng bayan. Sa Bagong Pilipinas, inuuna natin ang kapakanan ng bawat mag-aaral dahil kapag inalagaan ang bata, mas nagiging matibay ang edukasyon.