IHMA Kamafil

Directions

IHMA Kamafil School Organization

03/09/2026
03/09/2026
01/09/2026
30/08/2026

Ang Immaculate Heart of Mary Academy - Kitcharao, Inc., ay nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tula sa Yaman ng Impormasyon.” Sa pamamagitan nito, binibigyang-halaga natin ang ating wikang Filipino at ang mahalagang papel nito sa pagkatuto, pananaliksik, at makabagong teknolohiya.

Sa patuloy na pag-unlad ng Artificial Intelligence (AI), mahalagang gamitin natin ito nang tama at responsable. Bilang mga IHMAnian, patuloy nating ipagmalaki, gamitin, at pagyamanin ang wikang Filipino habang sinasabayan ang mga pagbabagong hatid ng teknolohiya.


Malugod nating binabati ang Bb. Habi 2026, NOVIE AMOLO ng Baitang 12 at Ginoong Habi 2026, JHESTINE RIE SENAJA ng Baitan...
29/08/2026

Malugod nating binabati ang Bb. Habi 2026, NOVIE AMOLO ng Baitang 12 at Ginoong Habi 2026, JHESTINE RIE SENAJA ng Baitang 10!

Hinabi sa Kultura. Ipinagmamalaki ang Pagka-Pilipino.

Narito na ang mga naggagandahan at naggagwapuhang kandidato at kandidata ng Bb. at Ginoong Habi 2026!‎‎Ngayong araw, Ago...
28/08/2026

Narito na ang mga naggagandahan at naggagwapuhang kandidato at kandidata ng Bb. at Ginoong Habi 2026!
‎
‎Ngayong araw, Agosto 28, 2026, alas-3:00 ng hapon, tunghayan natin ang kanilang marilag na pagrampa at pagpapamalas ng kasuotan sa Paaralang Liwasan ng IHMA!
‎
‎Sino kaya ang magpapakitang-gilas? Sino ang tatanghaling Bb. at Ginoong Habi 2026?
‎
‎Halina at tunghayan ang kanilang tikas, gilas, kumpiyansa, at kagandahan sa natatanging kasuotang Malong!
‎
‎Sino ang inyong hula? Sino ang makokoronahan?
‎
‎Abangan at saksihan ang kapana-panabik na pagrampa ng ating mga kandidato at kandidata!
‎
‎
‎

NAHABI NA ANG SIMULA. NGAYON, SINO ANG MAGLILIWANAG? ‎‎Unti-unti nang nahahabi ang kuwento ng mga natatanging Kandidato ...
27/08/2026

NAHABI NA ANG SIMULA. NGAYON, SINO ANG MAGLILIWANAG?
‎
‎Unti-unti nang nahahabi ang kuwento ng mga natatanging Kandidato at Kandidata ng Bb. at Ginoong Habi 2026 ng Immaculate Heart of Mary Academy–Kitcharao, Inc.
‎
‎Sa bawat hakbang, bawat tiklop ng malong, at bawat tindig, dala nila ang kultura, pagkakakilanlan, at kagandahang Pilipino.
‎
‎Ngayon, panahon na upang ang inyong puso ang magsalita.
‎
‎SINO ANG KAKAMPI NG IYONG PUSO?
‎
‎Sino ang kandidatong may pinakamalakas na karisma, tindig, at dating na karapat-dapat kilalanin bilang Facebook Ambassador 2026?
‎
‎Ipakita ang inyong suporta sa pamamagitan ng paglalagay ng ❤️ HEART REACTION sa opisyal na larawan ng inyong napupusuang Kandidato o Kandidata.
‎
‎⚠️ PAALALA SA LAHAT:
‎
‎🚫 Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng auto-heart.
‎🚫 Ipinagbabawal ang paggamit ng bots o anumang awtomatikong sistema ng pag-react.
‎🚫 Anumang uri ng pekeng, artipisyal, o mapanlinlang na reaksyon ay maaaring humantong sa AWTOMATIKONG DISKWALIPIKASYON ng Kandidato o Kandidata.
‎
‎Tunay na puso. Tunay na suporta. Tunay na Habi.
‎
‎Ngayon, hayaang ang inyong mga puso ang magsabi kung sino ang karapat-dapat na tanghaling Facebook Ambassador at Facebook Ambassadress 2026!
‎
‎

Address

P-2 Songkoy, Kitcharao Agusan Del Norte
Kitcharao
8609

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IHMA Kamafil posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category