DEPED RXII-Amas National High School

DEPED RXII-Amas National High School Amas National High School is located at Amas, Kidapawan City under Department of Education

A school offering K-12 courses like TVL- Agricultural Crop Production, Cookery, Animation, HUMMS, and STEM.

24/09/2026

Deped DEPED RXII-Amas National High School warmly welcomes  Jacques Villasor Espadera as our new Administrative Officer ...
24/09/2026

Deped DEPED RXII-Amas National High School warmly welcomes Jacques Villasor Espadera as our new Administrative Officer II.

24/09/2026


DEPED RXII-Amas National High School  welcomes  Ma'am Rizzajane Sa-avidra as our newly appointed School Counselor Associ...
23/09/2026

DEPED RXII-Amas National High School welcomes Ma'am Rizzajane Sa-avidra as our newly appointed School Counselor Associate.

22/09/2026

📚📗✍️

Welcome to Amas NHS School Library📚🗞

゚

Isang pagpupugay Team AmasZing!
22/09/2026

Isang pagpupugay Team AmasZing!

22/09/2026



18/09/2026

Building a Child-Friendly School: Safe, Gender-Sensitive, and Inclusive.

Upholding our commitment to provide a safe, motivating, and gender-sensitive learning environment, we have upgraded our school Comfort Room — transforming the former 2-cubicle facility into 8 cubicles (4 Female | 4 Male).

This adheres to the standards of the Child-Friendly School System, ensuring equal access, privacy, and dignity for all learners and stakeholders.



15/09/2026

LATHALAIN✍️ SULYAP SA NINGNING NG TALA

Madalang na lilisan ang pangarap sa mga taong hindi ito hinahayaang kumawala. Sapagkat ang pangarap ay hindi napupundi kung patuloy itong nilalaban para sa kinabukasan.

Bagaman sa mundo na tila mahirap abutin ang ating mga mithiin dahil sa kawalan ng mga oportunidad, hindi ito naging hadlang sa isang tala na marating ang taas ng kalangitan.

Si Dr. Marissa T. Bernaldez o mas kilala sa tawag na Ma’am Mariz, isang tala na minsan din lamang nangarap, talang minsa'y nagsusumikap na ipakita ang kanyang liwanag. Ngayo'y nasa rurok na ng kawanangan. Ngayon nasa tuktok na ng kaniyang mga pinaghirapan. Kasalukuyan siyang nakaupo bilang Chief of School Governance and Operations Division (SGOD) ng Schools Division of Kidapawan. Patuloy na nagbibigay liwanag sa pamamagitan ng kanyang paglilingkod.

Tunay na mahal ang mangarap sapagkat nangangailangan ito ng maraming sakripisiyo, katatagan, at pagtitiis upang matustusan ito. Subalit hindi niya ito inalintana upang makamit ang kaniyang mga pangarap.

Ikaapat sa walong magkakapatid si Ma’a m Mariz. Ang kanilang nanay ay isang simpleng maybahay habang ang kanilang tatay ay isang magsasaka. Dahil dito, maagang namulat siya sa hirap ng buhay. Bunga ng kaniyang maagang pagkamulat, maaga rin niyang nailimbag ang kaniyang pangarap na umahon sa kahirapan at umakyat tungo sa tuktok ng tagumpay sa buhay.

Gustong-gusto niya makapag-aral. Kaya noong siya ay anim na taon pa lamang, sumasama siya sa kaniyang nakatatandang kapatid sa silid na tila salimpusa imbes na dumalo sa kindergarten kung saan siya naaayon. Kalaunan naging bahagi siya ng klase kaya maaga siyang nakapagtapos ng elementarya bilang salutatorian.

Sa high school naman, estudyante siya sa isang pribadong paaralan sa tulong ng isang academic scholarship. Mahirap itong panatiliin, nakapagtapos siya ng high school bilang valedictorian. Bitbit ang kaniyang naipong katatagan, muling ibinuhos Chief-SGOD ang kaniyang tibay sa kolehiyo kung kaya't natapos niya ito sa edad na 19 bilang cm laude.

"Hindi naman hadlang ang kahirapan upang makapagtapos," pahayag ng niya habang nagbabalik-tanaw sa kaniyang mga danas bago niya naabot ang kaniyang mga pangarap. Sapagkat sa gitna ng kaniyang sitwasiyon sa kahirapan, nanatili siyang matatag at patuloy na lumalaban.

Tila isang tala na nagsisimulang magningning si Bernaldez nang makuha niya ang kaniyang dimploma, subalit ito ay simula pa lamang ng kaniyang pagtaas. Matapos niyang maipasa ang board exam upang maging isang g**o, bumukas ang maraming oportunidad para sa kanya na siyang isa-isa niyang sinungkit upang unti-unti niyang maramdaman ang kaniyang pag-ahon at pag-angat.

Nagsimula siya bilang isang substitute teacher hanggang sa naging isang ganap na g**o, naging master teacher, assistant principal, at school principal.

"Nadaanan ko talaga lahat ng posisyon, " aniya.

Sa ilang taon matapos siyang makapagtapos, muli pa siyang sumubok upang makamit ang mas mataas na gampanin. Kumuha siya ng dalawang masters degree ang Master in Management at Master in English Language Teaching na tumulong na masungkit ang posisyon bilang Chief ng SGOD.

Sa tuwing binabalikan niya ang mga nakalipas, naaalala niya ang kaniyang mga pinagdaanan sa kaniyang paglalakbay upang marating ang kaniyang kasalukuyan tunglulin.

Aniya pa, "mahirap ang maging mahirap," sapagkat walang naging madali sa kaniyang byahe. Sa bawat oportunidad na bumubukas kinakailangan niya patunayan na karapat-dapat ito sa kaniya.

Ngayon na tila may ginhawa na ang buhay niya bilang Chief-SGOD, hindi niya nalilimutan ang kaniyang pinanggalingan. Dahil kung hindi dahil sa kaniyang tibay ng loob, hindi mararating ng tala ang kaniyang lugar sa malawak na kalangitan. Sapagkat naniniwala siya: "Kung iisipin ko na mahirap ngayon, wala akong hihintayin sa aking kinabukasan."

Isang munting tala na ginamit ang pangarap bilang puhunan at edukasiyon bilang sandata sa bawat hamon sa kaniyang buhay. Dahil sa katotohanan, kinakailangan din na ikaw mismo ang maghanap ng paraan upang mabuksan ka ng mga pintuan ng oportunidad. Sapagkat sa totoong buhay, tunay na mahal ang pagsustento ng pangarap dahil walang mga pagkukunan. Bawat hakbang ang kaniyang pinagdaanan, buong proseso, at lahat ng paghihirap ang kaniyang naranasan.

Datapuwa't para sa isang munting talang nangangarap na hindi kailanman dumaan sa madali at makiling proseso, hindi niya hinayaan na may hahadlang sa kaniyang kintab at naging matatag hanggang nakaakyat tungo sa itaas. Ang kaniyang tanglaw ay lumiliyab sapagkat kaniya itong nilaban para sa nais niyang kinabukasan sa kabila ng paghihirap. Dahil para sa katulad niya na noong naghihirap, mahal nga ang mangarap—subalit mas mahal niya ang kaniyang pangarap.

Ang minsa'y munting talang nangarap sa dilim, ngayon ay ganap nang numiningning sa sarili nitong liwanag—patunay na ang sinumang matatag na lumalaban para sa pangarap ay hindi kailanman mapapawing kumislap sa tuktok ng kalangitang kaniyang pinaghirapan.

✍️ Jeralie Berberio
đź’» Xian Li

Address

Amas, Kidapawan City
Kidapawan
9400

Telephone

+639107500423

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DEPED RXII-Amas National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DEPED RXII-Amas National High School:

Shortcuts

Share

Category