02/06/2021
Another Great milestone for CASS. Congrats to our very own AB English major Karmi de Guzman for being elected as the AY 2021-2022, USG President
๐ฅ๐ฒ๐๐๐น๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ญ, ๐ผ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐; ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ผ๐๐ฎ๐ป๐๐ฒ, ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐บ๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ถ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ผ๐ฝ๐๐น๐ฎ๐๐๐ผ๐ป
USM, KabacanโInanunsyo ng University Student Government โ Commission on Elections (USG-COMELEC) ang maayos na pagtatapos ng Halalan 2021 para sa bagong miyembro ng USG at Local Student Government (LSG) sa taong panuruan 2021-2022 nito lamang Sabado, Mayo 29.
Sa inilabas na resulta ng USG-COMELEC, inihalal bilang bagong USG President si Karen Michele De Guzman na umani ng 2,107 na boto, na sinundan naman Ian Daniel Geslaga at Mary Ann Tambagan na may 422 at 248 na boto. Nagkaroon naman ng kabuuang 1,391 na bilang ng boto si Aga Vicente Angub dahilan ng kanyang pagkapanalo laban kay Vepoy Ventura Jr. at Dan Kenneth Adaser na may botong 838 at 482.
Nagwagi naman sa pagka-senador ang tatlong kandidato na umani ng may pinakamataas na boto โ ito ay sina Kier Domingo, Melody Damaso, at Ace-M Tizon.
Sa kabilang banda, itinanghal na gobernador at bise-gobernador sina Novelito Ybaรฑez at Daryl Juaneza ng College of Agriculture(CA); Jancy Via Maestrado bilang bise-gobernador ng College of Education (CED); Rhojaine Mae Usman bilang gobernador ng College of Information and Technology (CEIT); Jehad Nasser bilang gobernador, Nassem Vidal bilang bise-gobernador, Geraldyn Cantomayor, Frances Veen Edwards, Jameel-Hasheem Pipikan, at Mohazer Cana bilang board members ng College of Health Sciences (CHS); Ronnel John Morido bilang gobernador, Cherish Baylon bilang bise-gobernador, at Lizel Jaquias bilang board member ng College of Science and Mathematics (CSM).
Kabilang sina Kirby Signar bilang gobernador at Kenneth Brian Ray Cabaya bilang bise-gobernador ng College of Veterinary Medicine (CVM); Raymundo Palaez bilang gobernador, Jay Prex Tampus bilang bise-gobernador, Kathleen Pascua, Rose Ann Aquino, Jay Jerusa Labandero, Rhealan Camariรฑas, Alben Krystopher, at Chester Barsebal bilang board members ng Institute of Sports, Physical Education, and Recreation (ISPEAR).
Kaugnay sa resultang inilabas, naghain ng pahayag ang USG-COMELEC ukol dito, โSome candidates were not declared winners because of the provision that we have regarding unopposed candidates. The candidates did not receive sufficient number of votes to be declared winners of their respective positions.โ
Itinatayang humigit kumulang 13,600 ang populasyon ng mga mag-aaral kabilang na ang mga estudyante sa external campuses subalit nasa 3,100 lamang ang mga bumoto.
Pahayag ni Jennifer Duque, chairperson ng USG-COMELEC, โHindi po namin nire-require lahat ng students na mag-vote. Pero sa tingin po namin kung bakit konti pa rin ang naka-vote, yung iba po kahit alam nilang may election pero nahihirapan sila sa kanilang internet connectivity, hindi po sila maka-cast ng votes. โYung iba din po honestly, hindi po informed na time na pala ng elections. Yung iba naman po, they chose not to vote, since may right naman din silang hindi mag-vote.โ
Dagdag pa niya, ang bilang ng mga botante ay hindi naging problema. Sa halip, napansin niyang dahan-dahang umaangat ang bilang ng mga mag-aaral na may pagkabahala sa student government.
Gayunpaman, inaasahan ng mga estudyante ang mabuting pamamahala at kapaki-pakinabang na proyekto ng mga bagong upong miyembro ng USG at LSG para susunod na taong panuruan sa kabila man pandemyang kinakaharap.
Text: Angelo Calibayan | MT Senior News Writer
Layout: Keith Ancheta | MT Senior Layout Artist
28/04/2019
20/04/2019
13/01/2019
15/12/2018
27/11/2018
27/07/2018
27/07/2018
26/07/2018