02/08/2025
Cooking Contest by the Parents of every Grade Levels
Elementary School
02/08/2025
Cooking Contest by the Parents of every Grade Levels
01/08/2025
Welcome to Lanao Kuran Elementary School NUTRITION MONTH CULMINATION!
25/07/2025
To God be all the glory! 🙌
The realization of our Monthly Devotional Program is a testament of His divine orchestration-imbibing the core value of Maka-Diyos in our learners and teachers.
With grateful hearts, we welcome Pastor Rolando Cagoco of Christ the Rock Baptist Church as he extends his sincere intention to conduct values formation every Wednesday after class.
Truly, when God moves, doors open for transformation.
🙏📖
24/07/2025
Matagumpay na Naidaos ang Unang General PTA Assembly sa Lanao Kuran Elementary School!
Noong Hulyo 22, 2025, ginanap ang kauna-unahang General PTA Assembly ng Lanao Kuran Elementary School. Tampok sa programa ang panunumpa ng bagong hanay ng mga opisyal, oryentasyon sa mga patakaran ng paaralan—kabilang na ang wastong dress code at iskedyul ng klase—na pinangunahan ng ating masigasig na Punongg**o G. Jasper Silva Ellana . Sinundan ito ng pagbabahagi ng mga PTA agenda mula kay Gng. Conchita Hernane , ang bagong halal na PTA President.
Nagbigay sigla rin sa pagtitipon ang isinagawang raffle draw ng mga trolley bags na buong pusong ibinigay ng SARCE Family ( Joevie Sarce ) bilang suporta sa ating mga magulang at mag-aaral.
Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas matibay na ugnayan ng paaralan at komunidad para sa tagumpay ng bawat bata!
14/07/2025
📶✨ Ipinagmamalaki ng Lanao Kuran Elementary School ang matagumpay na pagpapatupad ng bagong proyekto—
may INTERNET na ang BAWAT SILID-ARALAN! 💻📱
Sa kabila ng kalayuan at pagiging liblib ng lugar, matagumpay nating naresolba ang matagal nang suliranin sa signal at koneksyon. Isang malaking hakbang ito tungo sa mas mabisang pagtuturo at pagkatuto, at sa mas mabilis na pagsusumite ng mga ulat ng ating mga g**o.
Patunay ito na basta’t may pagkakaisa, may paraan! 👏🏼📚
16/06/2025
Unang araw ng pasukan,isinagawa ang masusing monitoring ng enrollment upang matiyak ang maayos at sistematikong pagtanggap ng mga mag-aaral. Mahigpit na tinutukan ng administrasyon ang bilang ng mga nag-e-enroll araw-araw upang matukoy agad ang mga pangangailangan sa pasilidad, g**o, at kagamitan.
Bilang pagkilala at pasasalamat ng punongg**o sa sipag at tiyaga ng mga g**o sa pagtulong sa enrollment process, naghandog siya ng simple ngunit makabuluhang bulaklak para sa bawat isa. Ang kilos na ito ay sumisimbolo ng pagtanaw ng utang na loob at pagpapahalaga sa kontribusyon ng bawat g**o sa tagumpay ng mga unang hakbang ng pagbubukas ng klase.
Ang munting seremonyang ito ay hindi lamang nagpapakita ng pagpapasalamat kundi nagpatibay rin ng samahan sa pagitan ng pamunuan at ng mga g**o. Isang paalala na ang pagtutulungan at pagkakaisa ay susi sa isang matagumpay na taong pampaaralan.
11/06/2025
06-11-25
Ikatlong araw ng Brigada Eskwela 2025
Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng aming paaralan sa lahat ng magulang at mga boluntaryong naglaan ng kanilang oras, lakas, at suporta upang tumulong sa matagumpay na pagpapatupad ng Brigada Eskwela.
10/06/2025
IKALAWANG ARAW NG BRIGADA ESKWELA 2025
Maraming salamat po sa inyong panahon, pagsisikap, at walang sawang pagtulong. Nawa'y maging inspirasyon ito sa patuloy na pagkakaisa at bayanihan para sa kabutihan ng ating paaralan at komunidad.
09/06/2025
Isang taus-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng paaralang elementarya ng LANAO KURAN sa lahat ng dumalo, nakiisa sa Brigada Eskwela Kick Off at tumulong sa matagumpay na pagsisimula ng Brigada Eskwela 2025.
Lubos naming pinahahalagahan ang presensya at suporta ng ating mga Barangay Officials, men in uniform, mga g**o, mga boluntaryo.Ito rin ang kauna-unahang Brigada ng mga magulang sa paaralan.
Maraming salamat po sa inyong panahon, pagsisikap, at walang sawang pagtulong. Nawa'y maging inspirasyon ito sa patuloy na pagkakaisa at bayanihan para sa kabutihan ng ating paaralan at komunidad.
Muli, maraming salamat at mabuhay po kayong lahat!
Sa paglapit ng panibagong taong panuruan 2025, muling isasagawa ng ating paaralan ang BRIGADA ESKWELA.
Kaugnay nito, kami po ay taos pusong humihiling ng inyong suporta sa pamamagitan ng mga donasyon. Maaaring magbigay ng alinman sa mga sumusunod:
🧹 Mga Gamit Panglinis
(walis, mop, timba, basahan, sabon, disinfectant)
🪑 Mga Kagamitang Pampaaralan
(papel, lapis, krayola, chalk, whiteboard marker)
🛠️ Pang-ayus ng Pasilidad
(pintura, pako, kahoy, semento, pintura, light bulbs)
🥤 Meryenda o Inuming Tubig para sa mga boluntaryo
💰 Pinansyal na Donasyon
Maaaring ipadala sa:
School Head
Gcash number: 09382804333
Name: Jasper E.
Anumang maliit na tulong ay may malaking ambag sa ating layunin. Ang inyong malasakit at pakikiisa ay nagbibigay pag-asa at lakas sa ating buong pamayanan. Sama-sama po nating itaguyod ang edukasyon ng kabataan!
Lubos na nagpapasalamat,
LANAO KURAN ELEMENTARY SCHOOL
06/06/2025
Tema: "Sama-sama para sa Bayang Bumabasa"
🗣 BRIGADA ESKWELA 2025
( Lanao Kuran Elementary School)
Minamahal naming mga magulang at tagapag-alaga:
Sa nalalapit na pagbubukas ng panuruang taon 2025, kami ay muling humihiling ng inyong suporta sa isasagawang Brigada Eskwela. Ang inyong presensya at pakikiisa ay malaking tulong upang masig**ong magiging ligtas at kaaya-aya ang ating paaralan para sa ating mga anak. Sama-sama po tayong magtaguyod ng isang mas maliwanag na kinabukasan para sa kanila.
Inaanyayahan namin ang bawat miyembro ng komunidad na makibahagi sa Brigada Eskwela 2025 mula Hunyo 2 hanggang 13.
📌 BRIGADA KICK-OFF PROGRAM
✨ Hunyo 9, 2025
📌 Tandaan :
✨ Enrollment: Hunyo 2–20, 2025
✨ Brigada Eskwela: Hunyo 2–13, 2025
✨ Kick-Off Program: Hunyo 9, 2025
✨Magsisimula ang Klase: Hunyo 16, 2025
S.Y. 2025–2026
# DepEd Memo No. 45, s. 2025
Maraming salamat at mabuhay ang ating bayanihan!
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
| Saturday | 8am - 5pm |