17/08/2022
MOCK CLASSES, ISINAGAWA SA CITY HIGH BILANG PAGHAHANDA SA PAGBUBUKAS NG KLASE
KIDAPAWAN CITY - Sa layuning maging maayos ang daloy ng klase sa unang araw nito sa Agosto 22 at masig**ong nasusunod ang safety and health protocols ukol sa Covid-19, nagsagawa ng Mock Classes ang Kidapawan City National High School kanina, Agosto 17.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ng mock classes ang City High sapagkat ginagawa na ito ng paaralan linggo bago magsisimula ang klase kahit noong hindi pa nagkapandemya.
Ayon sa punongg**o ng paaralan na si Dr. Rosalinda T. Lonzaga, sa mock classes ang mga g**o ay hindi muna talaga nagtuturo subalit nagbigay muna ng orientation kaugnay sa safety and health protocols, ni-review ang tuntunin ng paaralan, at nagbigay ng classroom rules and regulations sa mga mag-aaral.
"Isinasagawa ng paaralan ang mock classes para maging organisado na ang mga mag-aaral at batid na nila kung saang klasrum sila papasok at para matiyak na rin na Day 1 Lesson 1 agad ang gagawin ng mga g**o sa unang araw ng klase sa Agosto 22, " dagdag pa ni Lonzaga.
Sinabi rin ni Lonzaga na ginagawa rin ito ng City High para mabigyan o mahanapan agad ng solusyon ang mga nakikitang problema kung mayroon man.
Sinaksihan naman nina Assistant Schools Division Superintendent Dr. Meilrose B. Peralta, CID Chief Dr. Ronela S. Molina, at SGOD Chief Marizza T. Bernaldez ang nabanggit na mock classes kanina.