05/02/2026
Haaataw Matingao ! 🥁
Isang pagpupugay mula sa Matingao Integrated School, Kiamba 2 District para sa dalawang atleta na lumahok sa larangan ng Athletics-SPAA 2026 ✨ Ang inyong tagumpay at pagpupursigi sa inyong mga pangarap ay isang simbolo ng karangalan ng mga batang IP na nag-aaral sa bundok, mga magulang na nagmamahal at sumusuporta, mga gurong gumagabay at naniniwala sa inyong galing at kakayahan at sa Diyos na di kayo iniwan kahit sa anong laban. Ito'y pagpapatunay na kaya ninyo at ang galing ninyo🔥❤️
Ulit, isang taos-pusong pagbati sa inyu, Bryan at Angela ✨
🥇Bryan Mendol - SRAA Player
(Athletics- 110m Hurdle Category- Secondary Boys)
✨ Angela Talondata- SPAA 2026 Participation