DepEd Pinayag National High School

Call Directions Contact the school

DepEd Pinayag National High School A School that is Anchor to a Brighter Future. "Pinayag, namamayagpag."

LATHALAIN NGAYON: HIGIT SA ISANG MEDALYAni: Crisha Mae Albis Sa likod ng isang medalya ay may mga pagsisikap na hindi na...
15/10/2026

LATHALAIN NGAYON: HIGIT SA ISANG MEDALYA
ni: Crisha Mae Albis

Sa likod ng isang medalya ay may mga pagsisikap na hindi nakikita, mga hamong kailangang harapin, at mga aral na hindi nasusukat sa kulay ng isang parangal.

Madaling makita ang tagumpay ng isang tao. Minsan, pangalan lamang sa listahan ng mga nagwagi. Minsan, isang medalya na maipagmamalaki. Ngunit bago makarating sa puntong iyon, may mga bagay na hindi natin nakikita, mga oras na inilaan sa paghahanda, mga problemang kailangang unawain, at mga responsibilidad na kailangang pagsabayin.

Sa Pinayag National High School (PNHS), isa sa mga mag-aaral na may ganitong kuwentong maibabahagi ay si Shairalyn Abiadew Julian, na nagkamit ng bronze award sa 7th Philippine National Vedic Mathematics Olympiad noong Setyembre 12, 2026.

Hindi niya inaasahang mapabilang sa mga mananalo. Ngunit bago niya nalaman ang resulta, may paghahanda muna siyang kinailangang paglaanan ng oras at pagsisikap.

Isa sa pinakamahirap na bahagi ng paghahanda para kay Shairalyn ang pagharap sa mga problemang hindi niya madalas makita sa regular na klase. Dahil limitado ang oras sa kompetisyon, kinailangan niyang matutuhan ang mga paraang makatutulong sa mas mabilis na pagkukuwenta at paglutas ng mga tanong.

Nag-review siya ng mga formula at nagsanay sa iba't ibang problema. Pinag-aralan din niya ang Math Sutras at mga shortcut technique. Nanood siya ng mga video sa internet tungkol sa mga paraan ng paglutas ng problema, pag-convert ng decimal, at iba pang teknik sa matematika. Higit sa pagsasaulo, sinikap niyang maunawaan kung paano nakukuha ang mga sagot.

Ngunit hindi lamang mga problemang matematikal ang kailangan niyang harapin. Kasabay ng paghahanda niya ang mga gawaing pampaaralan na kung minsan ay nagsasabay-sabay. May mga pagkakataong kailangan niyang magpuyat upang makapag-review.

Hindi madaling pagsabayin ang mga responsibilidad sa paaralan at ang paghahanda para sa isang kompetisyon. Gayunman, patuloy siyang nagsanay at sinikap na matutuhan ang mga paraang kailangan niya sa pagsagot.

Karaniwang ang resulta ang unang napapansin kapag may nananalo. Nakikita ang pangalan, ang award, at ang paaralang kinakatawan. Ngunit hindi laging nakikita ang mga oras ng paghahanda at ang mga hamong kinailangang lampasan bago makarating doon.

Sa huli, nakamit ni Shairalyn ang bronze award sa kompetisyong inorganisa ng MATH-Inic Philippines. Masaya siya at proud sa kaniyang sarili, lalo na't hindi niya inaasahang mapabilang sa mga mananalo.

“Hindi man po ito ang pinakamataas na award, malaking achievement na po ito para sa akin dahil alam kong nag-effort ako at may natutuhan ako sa experience na ito,” sabi niya.

Sa kaniyang pahayag, makikita kung bakit mahalaga sa kaniya ang pagkilalang natanggap niya. Hindi lamang ito tungkol sa pagkakaroon ng medalya, kundi pati sa pagsisikap na ginawa niya at sa mga natutuhan niya sa buong karanasan.

Madalas nating tingnan ang tagumpay batay sa resulta. Sino ang nagwagi? Sino ang nakakuha ng pinakamataas na marka? Sino ang nakatanggap ng parangal? Natural lamang na ipagdiwang ang mga pagkilalang ito. Ngunit kapag resulta lamang ang tinitingnan natin, madaling makaligtaan ang mga pagsisikap na nauna rito.

Hindi rin lahat ng pagsisikap ay nagtatapos sa medalya. May mga pagkakataong hindi natin nakukuha ang resultang inaasahan natin, kahit pinaghandaan natin ang isang bagay. Gayunman, may mga aral na maaari pa ring maiuwi mula sa karanasan.

Para kay Shairalyn, itinuro sa kaniya ng kompetisyon na hindi lamang talino ang kailangan upang magtagumpay. Mahalaga rin ang tiyaga, pasensiya, at determinasyon. Natutuhan din niyang bahagi ng pagkatuto ang pagkakamali at hindi ito dapat maging dahilan upang sumuko.

May mensahe siya para sa kaniyang mga kapwa mag-aaral: huwag matakot sumubok kahit pakiramdam ay hindi pa sapat ang sariling kakayahan. Maging handang matuto, magsikap, at maniwala sa sarili kahit mahirap ang mga bagay.

Hindi lamang ito para sa mga gustong sumali sa isang kompetisyon. Para rin ito sa mga taong may gustong subukan ngunit nag-aalangan, sa mga nangangarap ngunit natatakot magkamali, at sa mga nagsisikap kahit hindi pa nila nakikita ang bunga ng kanilang ginagawa.

Sapagkat hindi lahat ng hamon ay may agarang sagot, at hindi lahat ng pagsisikap ay agad nakikilala. May mga pagkakataong kailangan muna nating matuto bago tayo maging mahusay. May mga pagkakataon ding hindi pa malinaw kung saan tayo dadalhin ng ating mga hakbang, ngunit maaari pa rin tayong magpatuloy at matuto sa bawat karanasan.

Para kay Shairalyn, ang bronze award ay pagkilalang maipagmamalaki. Ngunit higit sa medalya, dala niya ang mga aral mula sa paghahanda at pakikilahok sa kompetisyon,mga aral na maaari niyang gamitin sa pagharap sa mga susunod pang hamon.

Sa pagtingin natin sa tagumpay ng iba, madaling mapansin kung ano ang kanilang nakamit. Ngunit sa likod ng bawat pagkilala ay may kuwentong hindi natin lubos na nalalaman. Kaya bago natin ihambing ang sarili sa narating ng iba, marahil ay makabu

Isa na namang kwento ng katapatan at malasakit!Sa loob ng isang araw, dalawang tao ang nawalan ngunit parehong naibalik ...
15/10/2026

Isa na namang kwento ng katapatan at malasakit!

Sa loob ng isang araw, dalawang tao ang nawalan ngunit parehong naibalik sa kanila ang bagay na nawala.

Sapagkat ang kabataang PINAYAGan ay patuloy na nagiging huwaran ng kanilang kapwa.

Maraming salamat sa kabutihan at katapatan ninyo, Glee An Dumolpan, nagsauli ng napulot na Cellphone, at Levy Gayle Ngadanan, nagsauli ng 300 na perang kanyang napulot din.

Ang cellphone ay pag-aari ni Daryl Kate Liwaliw at ang pera naman ay pag-aari ni Crizen May Cosep .

Sana ay pamarisan kayo ng iba pang kabataan hindi lamang sa loob ng paaralan kundi sa buong mundo.

Attention PINAYAGans!Lost and found by Glee Ann Dumolpan.Kung sino man ang nakahulog o naka-misplaced ng cellphone na it...
15/10/2026

Attention PINAYAGans!

Lost and found by Glee Ann Dumolpan.

Kung sino man ang nakahulog o naka-misplaced ng cellphone na ito, mangyaring magtungo sa Faculty Office at lapitan lamang si Teacher Glory Smith.

PNHS Launches National School Safety Week, Unites Community for Safer Learning EnvironmentPinayag National High School (...
13/10/2026

PNHS Launches National School Safety Week, Unites Community for Safer Learning Environment

Pinayag National High School (PNHS), in partnership with barangay leaders and key stakeholders, successfully conducted the observance of the National School Safety Week today at the Pinayag Multipurpose Hall, highlighting the collective commitment of the school and community to ensuring a safe, inclusive, and learner-friendly environment.

The activity was held in response to the Department of Education's Memorandum on the observance of the National School Safety Week, which aims to strengthen awareness of school safety protocols and promote active stakeholder participation in creating secure learning spaces.

Leading the event were Punong Barangay Hon. Romeo M. Hinggangan, Barangay Councilor Hon. Nora Bia-an, who also serves as the School Governance Council (SGC) Chairperson and Committee on Education Chair, and PTA President Aquino Fianza. Their presence underscored the strong partnership between the school and the local community in safeguarding the welfare of learners.

The initiative was collaboratively organized by Guidance Counselor Designate Melina Caslangan and the Supreme Secondary Learner Government (SSLG) officers headed by SSLG President Crisha Mae Albis, together with their adviser, Adonis M. Velasco.

One of the highlights of the program was the signing of the School Safety Commitment Wall and the recitation of the Panata para sa Ligtas, Inklusibo, at Mapagmalasakit na Paaralan, symbolizing the community's united stand in promoting a culture of safety, inclusivity, and mutual responsibility.

Participants who affixed their signatures to the commitment wall included School Principal Dr. Mark Anthony I. Gano, all PNHS teaching personnel, barangay officials, SGC officers, PTA officers, and class presidents. Through their pledge, stakeholders expressed their dedication to maintaining a school environment where learners can thrive without fear and where everyone shares responsibility for protecting the rights and well-being of students. #

Pinayag NHS faculty and staff proudly joined the Municipal Teachers’ Day Celebration at Kayapa Central School Open Gym l...
27/09/2026

Pinayag NHS faculty and staff proudly joined the Municipal Teachers’ Day Celebration at Kayapa Central School Open Gym last September 25.

We extend our heartfelt thanks to the MLGU of Kayapa for initiating this meaningful event that honors the dedication and service of teachers across the municipality. Truly, your support makes the celebration more memorable and inspiring.

Haballi'n hanlingaya. 🙏

27/09/2026

Announcement:
Waday Brigada Eskwela Plus ni Martes,
September 29, 2026

Mika kakdawa ni ikayo li kangrunaan ida hutta zero i listaan tod Brigada.

Nu agmakaali, mabalin ni kayo kamamuldiya uno mandonar panghida dan man-ubla.

Pangaasi yu tan halamat. 🙏

Happy Teachers' Day, PNHS Moms and Dads!On this great day, let us remember and appreciate those people who dedicate and ...
26/09/2026

Happy Teachers' Day, PNHS Moms and Dads!

On this great day, let us remember and appreciate those people who dedicate and sacrifice their lives for the nation by educating the youth of our country. Through what they have taught us, the values that they have influenced in us, they have made us not just educated people but well-rounded individuals such as a Makatao, Maka-Diyos, Makakalikasan, at Makabayan; people who have the characteristics of being kind to others, pious to God, respectful to nature, and loving to our country.

Teachers are the unsung heroes of our society. They sacrifice their time to cater to our needs in the classroom. Their impact on our society is immeasurable and can sometimes be seen through the students that they teach. On this day, let's appreciate them for what they are and what they do for the country.

Bendihyon tan kaahin Diyoh i mawada kuma di biag yon nayon!

Happy Teacher's Day, PNHS Moms and Dads!On this great day, let us remember and appreciate those people who dedicate and ...
26/09/2026

Happy Teacher's Day, PNHS Moms and Dads!

On this great day, let us remember and appreciate those people who dedicate and sacrifice their lives for the nation by educating the youth of our country. Through what they have taught us, the values that they have influenced in us, they have made us not just educated people but well-rounded individuals such as a Makatao, Maka-Diyos, Makakalikasan, at Makabayan; people who have the characteristics of being kind to others, pious to God, respectful to nature, and loving to our country.

Teachers are the unsung heroes of our society. They sacrifice their time to cater to our needs in the classroom. Their impact on our society is immeasurable and can sometimes be seen through the students that they teach. On this day, let's appreciate them for what they are and what they do for the country.

Bendihyon tan kaahin Diyoh i mawada kuma di biag yon nayon.

Buong pusong nakikisaya at nakikipagbunyi ang pamilya ng Pinayag National High School sa lahat ng parangal na iyong naka...
25/09/2026

Buong pusong nakikisaya at nakikipagbunyi ang pamilya ng Pinayag National High School sa lahat ng parangal na iyong nakakamit na siyang nagiging karangalan ng ating buong komunidad!

Isa kang patunay na walang imposible sa taong may pagpupursige.

Beyond Borders, We Rise!From leading with heart to soaring with vision, our very own Dr. Mark Anthony I. Gano takes flig...
24/09/2026

Beyond Borders, We Rise!

From leading with heart to soaring with vision, our very own Dr. Mark Anthony I. Gano takes flight as Head Teacher III going up to Principal I.

Your journey reminds us that perseverance, faith, and excellence know no boundaries.

Congratulations, Sir! The entire Pinayag National High School family celebrates this milestone with pride and gratitude.

Not AI edited, because this deserves more than effort! It deserves a genuine heart! 💚

Address

Macdu, Pinayag, Nueva Vizcaya
Kayapa
3708

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm
Friday 6am - 6pm

Telephone

+639605521156

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Pinayag National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Pinayag National High School:

Shortcuts

Share