15/04/2026
"Lubos po ang aking papasalamat sa Millennial's Choice Training Institute and Assessment Center, Inc., sa opisina ni Congw. Lani M. Revilla at higit sa lahat sa TESDA, sa pagbibigay sa akin ng scholarship at dekalidad na pagsasanay na naging daan upang magkaroon ako ng trabaho.
Dahil sa programang ito, natutunan ko ang mga praktikal at makabagong kasanayan na direktang nagamit ko sa aking trabaho ngayon. Malaki po ang naitulong nito upang mapalawak ang aking kaalaman, mapaunlad ang aking kakayahan, at magkaroon ng mas magandang oportunidad para sa aking kinabukasan.
Hindi lamang po ako nabigyan ng edukasyon, kundi pati ng pag-asa at kumpiyansa sa sarili na kaya kong makipagsabayan sa mundo ng trabaho. Ang inyong suporta ay tunay na nagbago ng aking buhay at nagbigay daan upang masuportahan ko ang aking pamilya.
Maraming salamat po sa inyong malasakit at dedikasyon sa pagtulong sa mga tulad ko. Nawaβy patuloy pa po kayong makapagbigay ng oportunidad sa mas marami pang Cavireno
Muli, maraming salamat po"
KRISTINE JOY DARA TAGALOGUIN
Ground Equipment Operator
Philippine Airport Ground Support Solutions, Inc.
2026 Search for Outstanding Women in Non-Traditional Trades
Cavite Provincial Representative
Heavy Equipment Operation (Fokklift) NC II
Driving (Passenger Bus/Straight Truck) NC III