DepEd Wakas Elementary School - Cavite

DepEd Wakas Elementary School - Cavite Willing to Learn
Eager to Excel
Striving for Success

PAGPAPATULOY NG TECHNICAL ASSISTANCE IN ACTION: MENTORING AND COACHING OBSERVATION SA ILALIM NG PROJECT STARNagpatuloy a...
22/09/2026

PAGPAPATULOY NG TECHNICAL ASSISTANCE IN ACTION: MENTORING AND COACHING OBSERVATION SA ILALIM NG PROJECT STAR

Nagpatuloy ang mas pinaigting na suporta para sa mga g**o ng Paaralang Elementarya ng Wakas sa pamamagitan ng isinagawang Mentoring and Coaching Observation sa ilalim ng Project STAR.

Muling pinangunahan ang gawain nina Punongg**o II Dr. Danilyne Joyce R. De Guzman at Dalubg**o II Maria Salome Q. Bernal, na patuloy na nagbibigay ng gabay tungo sa mas epektibo at dekalidad na pagtuturo.

Sa pagkakataong ito, ang g**o sa Unang Baitang na si Gng. Joan Mae L. Dioneda ang naobserbahan. Ipinamalas niya ang kanyang kahusayan sa pagtuturo at ang kanyang dedikasyon sa pagbibigay ng makabuluhang pagkatuto para sa mga Batang Wakas.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng layunin ng Project STAR na palakasin ang kakayahan ng bawat g**o sa pamamagitan ng coaching, mentoring, at pagbabahagi ng best practices sa pagtuturo.

Sa Wakas ES, patuloy ang pagtutulungan ng pamunuan at mga g**o para sa isang paaralang laging nangunguna sa kalidad at malasakit.

UORN: R4A-CVP-343398





PSDS: Dr. Joel Peregrino
School Head: Dr. Danilyne Ramos De Guzman

BAGONG FLAGPOLE NG WAKAS ES, MATAGUMPAY NA NAITAYOIsang simbolo ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan ang muling naitayo ...
21/09/2026

BAGONG FLAGPOLE NG WAKAS ES, MATAGUMPAY NA NAITAYO

Isang simbolo ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan ang muling naitayo sa Paaralang Elementarya ng Wakas matapos matagumpay na maipatayo ang bagong Flagpole ng paaralan.

Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa buong pusong suporta at pagtutulungan nina Brgy. Captain Gary Anthony Solania at SPTA President Maribel Aganinta, katuwang ang pamunuan ng paaralan sa pangunguna ni Punongg**o II Dr. Danilyne Joyce R. De Guzman.

Ang bagong flagpole ay magsisilbing paalala sa bawat Batang Wakas ng kahalagahan ng paggalang sa watawat at pagmamahal sa bansang Pilipinas tuwing isinasagawa ang Flag Ceremony.

Taos-puso ang pasasalamat ng buong pamilya ng Wakas Elementary School kina Kap. Garry Anthony Solania at sa SPTA sa pamumuno ni Pangulong Maribel Aganinta sa kanilang walang sawang suporta at malasakit sa paaralan. Patunay ito na kapag nagkaisa ang paaralan, barangay, at mga magulang — mas marami pang magagandang proyekto ang maisasakatuparan.

UORN: R4A-CVP-343398





PSDS: Dr. Joel Peregrino
School Head: Dr. Danilyne Ramos De Guzman

TECHNICAL ASSISTANCE IN ACTION: INSTRUCTIONAL WALKTHROUGH SA ILALIM NG PROJECT STAR, ISINAGAWA SA WAKAS ESBilang bahagi ...
21/09/2026

TECHNICAL ASSISTANCE IN ACTION: INSTRUCTIONAL WALKTHROUGH SA ILALIM NG PROJECT STAR, ISINAGAWA SA WAKAS ES

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng dekalidad na pagtuturo, matagumpay na isinagawa ang Instructional Walkthrough sa ilalim ng Project STAR sa Paaralang Elementarya ng Wakas.

Pinangunahan ang nasabing gawain nina Punongg**o II Dr. Danilyne Joyce R. De Guzman at Dalubg**o II Maria Salome Q. Bernal, na buong pusong nagbigay ng teknikal na tulong at gabay sa mga g**o.

Dalawang g**o sa Unang Baitang ang naobserbahan para sa walkthrough, sina Gng. Arlene G. Amor at Gng. Jocelyn L. Villa. Ipinamalas nila ang kanilang husay at epektibong estratehiya sa pagtuturo na tumutugon sa pangangailangan ng bawat batang mag-aaral.

Layunin ng Project STAR na mas mapalakas ang kakayahan ng mga g**o sa larangan ng pedagohiya, pamamahala sa klase, at paggamit ng angkop na kagamitang panturo tungo sa mas epektibong pagkatuto.

Ang ganitong uri ng technical assistance ay patunay ng dedikasyon ng pamunuan ng Wakas ES sa ilalim ni Dr. De Guzman na masig**o na ang bawat g**o ay nabibigyan ng sapat na suporta at patnubay para sa patuloy na propesyonal na pag-unlad.

UORN: R4A-CVP-343398





PSDS: Dr. Joel Peregrino
School Head: Dr. Danilyne Ramos De Guzman

WAKAS ES, MASIGLANG SUMALUBONG SA UNANG LUNES NG SECOND TERMMasigla at puno ng pag-asa ang pagsalubong ng Paaralang Elem...
21/09/2026

WAKAS ES, MASIGLANG SUMALUBONG SA UNANG LUNES NG SECOND TERM

Masigla at puno ng pag-asa ang pagsalubong ng Paaralang Elementarya ng Wakas sa unang Lunes ng isinagawang Flag Ceremony sa 2nd Term Block ng paaralan.

Pinangunahan ni Punongg**o II Danilyne Joyce R. De Guzman ang programa na tampok ang mahahalagang anunsyo at pagkilala sa mga karangalan ng paaralan.

Sa kanyang mensahe, pormal na ipinakilala ni Gng. De Guzman ang bagong katuwang ng paaralan sa paggabay sa mga mag-aaral, si Guidance Associate I, Ms. Julie Rose Del Rosario. Mainit siyang tinanggap ng buong pamilya ng Wakas ES na magiging kaagapay sa paghubog ng kagalingan at kabutihang-asal ng bawat Batang Wakas.

Kasabay nito, binigyang-pugay at binati rin ang mga coaches at mag-aaral na nagpamalas ng husay at galing sa larangan ng Sports at Journalism. Ang kanilang tagumpay ay patunay ng tatak Wakas.

Samantala, isang espesyal na pagkilala rin ang iginawad kay Sir Jesser L. Tuyor sa kanyang promosyon mula Teacher I tungong Teacher IV sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP). Ang pag-angat na ito ay bunga ng kanyang dedikasyon at walang sawang paglilingkod sa paaralan.

Nagtapos ang programa nang may panibagong sigla at inspirasyon para sa lahat ng g**o at mag-aaral upang ipagpatuloy ang layunin ng dekalidad na edukasyon.

UORN: R4A-CVP-343398





PSDS: Dr. Joel Peregrino
School Head: Dr. Danilyne Ramos De Guzman

CONGRATULATIONS, SIR JESSER L. TUYOR!From Teacher I to Teacher IV under the Expanded Career Progression (ECP)Ang buong p...
17/09/2026

CONGRATULATIONS, SIR JESSER L. TUYOR!

From Teacher I to Teacher IV under the Expanded Career Progression (ECP)

Ang buong pamilya ng Wakas Elementary School ay buong pusong bumabati sa iyong well-deserved promotion!

Your dedication, hard work, and unwavering commitment to quality education truly make a difference. Ang tagumpay na ito ay patunay ng iyong sipag at pagmamahal sa pagtuturo.

We are so proud of you! Padayon, Sir Jesser!

UORN: R4A-CVP-343398





PSDS: Dr. Joel Peregrino
School Head: Dr. Danilyne Ramos De Guzman

WELCOME TO WAKAS ES FAMILY, MA'AM JULIE ROSE!Isang mainit na pagbati at pagtanggap sa ating bagong School Guidance Couns...
16/09/2026

WELCOME TO WAKAS ES FAMILY, MA'AM JULIE ROSE!

Isang mainit na pagbati at pagtanggap sa ating bagong School Guidance Counselor, Ms.
Julie Rose Del Rosario!

We are delighted to have you as part of the Wakas Elementary School family! Ang inyong malasakit at gabay ay magiging malaking tulong sa paghubog ng aming mga mag-aaral upang matuto, lumago, at magtagumpay nang magkakasama.

UORN: R4A-CVP-343398





PSDS: Dr. Joel Peregrino
School Head: Dr. Danilyne Ramos De Guzman

ISANG TAOS-PUSONG PAGBATI AT PASASALAMAT! Ipinamalas ng ating mga mag-aaral ang tunay na husay at galing ng Kawiteñyo bi...
11/09/2026

ISANG TAOS-PUSONG PAGBATI AT PASASALAMAT!

Ipinamalas ng ating mga mag-aaral ang tunay na husay at galing ng Kawiteñyo bilang representative ng Kawit sa Division Cultural Dance Competition - Opening Salvo!

Sa ating mga DANCERS at PROPSMEN – Saludo sa inyong sipag, disiplina, at dedikasyon sa bawat galaw at kumpas. Ipinagmalaki ninyo ang ating paaralan! 👏

Sa ating mga magulang – Maraming salamat sa walang sawang suporta, pag-aasikaso, at paggabay sa ating mga bata.

Sa ating mga Coaches na sina Teacher Karen Joy T. Torrente & Teacher Liezl T. Ibayan, sa ating mga g**o, sa mahusay na Choreographer Superstars Medina at Assistant Jaffy Ignacio – Maraming salamat sa tiyaga at paghubog ng talento ng mga bata!

Sa ating SPTA Officers sa pangunguna ni President Maribel R. Aganinta, sa ating butihing School Head Dr. Danilyne Joyce R. De Guzman, at sa ating Public Schools District Supervisor Dr. Joel O. Peregrino – Maraming salamat po sa tiwala, gabay at buong pusong suporta.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa ating mga katuwang sa komunidad:

Brgy. Wakas I – Brgy. Captain Rene Ramos & Driver Alexander Vidal
Brgy. Wakas II – Brgy. Captain Gary Anthony Solania & Driver Christopher “Kuya Tote” Morados
Brgy. Poblacion – Brgy. Captain Leonardo Corpuz & Driver Chrislam Walter Cacha

Maraming salamat po sa pagpapahiram ng sasakyan at sa ligtas na paghatid at sundo sa ating mga mag-aaral, magulang, at g**o.

Mabuhay ang Kawit!
Mabuhay ang Batang Wakas!👏

UORN: R4A-CVP-343398





PSDS: Dr. Joel Peregrino
School Head: Dr. Danilyne Ramos De Guzman

11/09/2026

✨ DIVISION CULTURAL DANCE OPENING SALVO COMPETITION 2026 ✨

DANCERS

1. Akheisha Solania
2. Athena Robinne Diaz
3. Alethiea Brielle Aganinta
4. Cailey Erinn Martinez
5. Ashley Muhira Abubo
6. Jameilah Keisha Menendez
7. Euvin Marro Gadaingan
8. Algexriel Lauzon
9. Calvin Jhay Torrente
10. Ace Drew Sumulong
11. John Apollo Pariola
12. Joseph Turla

PROPSMEN
1. Claire Amber Yulo
2. Queency Lorraine Funcion
3. Amber Agdan
4. Adriane Adamos
5. James Cyruz Lachica
6. Dia Majillo
7. Jaira Kim Delos Santos

COACHES
• Karen Joy T. Torrente
• Liezl T. Ibayan

TRAINER
• Superstar Medina
• Jaffy

UORN: R4A-CVP-343398





PSDS: Dr. Joel Peregrino
School Head: Dr. Danilyne Ramos De Guzman

CONGRATULATIONS, BASKETBALL TEAM! 🏀  3RD PLACE - SMALL BUT TERRIBLE!  Hindi sa height nasusukat ang tapang! Pinatunayan ...
07/09/2026

CONGRATULATIONS, BASKETBALL TEAM! 🏀

3RD PLACE - SMALL BUT TERRIBLE!

Hindi sa height nasusukat ang tapang! Pinatunayan niyo yan sa court!

Team:
Kent Denver Margate
Darius Lee R. Pagtakhan
Calvin Jhay Torrente
Viosh Serevilla
Kurt Ervin L. Tampico
Jhon Apollo Pariola
Israel Reyes
Aian Dacutan
John Prince Brioso
King Akil Puensalida
Aike Reyes
Kent Randolf Prudente

Coach: Joan N. Lutero
Asst. Coach: Marielle C. Bonayon
Trainor: Kim Cedric Dela Cruz

Puso, diskarte, at team work! Padayon Team!❤️

UORN: R4A-CVP-343398





PSDS: Dr. Joel Peregrino
School Head: Dr. Danilyne Ramos De Guzman

CONGRATULATIONS, GIRLS VOLLEYBALL TEAM! 🏐  Sa unang sali pa lang, ipinakita niyo na ang galing, tibay, at team spirit!  ...
07/09/2026

CONGRATULATIONS, GIRLS VOLLEYBALL TEAM! 🏐

Sa unang sali pa lang, ipinakita niyo na ang galing, tibay, at team spirit!

Volleyball Girls - 4th PLACE 🎖️

Team:
Loraine Antonette Galindez
Rheana Jane Padilla
Circe Anne Galindez
Misha Kaori L. Colico
Princess Nhicole Estanol
Princess Apple Maine Sotto
Delaine Tiffany Porlaje
Ellaise Ladipe
Maine Joy Laguyan
Jasmine Frozemei Menendez
Josefa Roasa
Shia Mei Madrelejos
Sarhy Leigh Acodile

Coach: Princess Anne R. Ampoloquio
Asst. Coach: Bernadette D. Hamos
Trainor: Evalyn Madrelejos

Hindi man nakuha ang podium, nanalo kayo sa puso namin. This is just the beginning! Padayon! 💪

UORN: R4A-CVP-343398





PSDS: Dr. Joel Peregrino
School Head: Dr. Danilyne Ramos De Guzman

Address

Tanggulan Street Wakas II
Kawit
4104

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Telephone

+639184073066

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Wakas Elementary School - Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Wakas Elementary School - Cavite:

Shortcuts

Share

Category