DepEd Wakas Elementary School - Cavite

DepEd Wakas Elementary School - Cavite

Share

Willing to Learn
Eager to Excel
Striving for Success

Photos from DepEd Wakas Elementary School - Cavite's post 24/06/2026

WAKAS ES, NAGSAGAWA NG RAPID MATHEMATICS ASSESSMENT PARA SA MGA MAG-AARAL

Isinagawa ng Wakas Elementary School ang Rapid Mathematics Assessment (RMA) noong ika-10 hanggang ika-11 ng Hunyo, 2026 bilang bahagi ng mga gawain sa ilalim ng Opening Block ng Kagawaran ng Edukasyon.

Dinaluhan ito ng lahat ng mag-aaral mula Baitang 1 hanggang Baitang 6. Layunin ng RMA na matukoy ang kasalukuyang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pangunahing konsepto ng Matematika at makita kung may mga kakulangang kailangang bigyan ng pansin.

Ayon sa pamunuan ng paaralan, ang resulta ng pagtataya ay magsisilbing gabay ng mga g**o sa pagbuo ng mga estratehiya at aralin na akma sa pangangailangan ng bawat bata. Sa pamamagitan nito, nais bigyan ng angkop na tulong at pagtuturo ang bawat mag-aaral.

Binigyang-diin ng Wakas Elementary School na ang pagsasagawa ng RMA ay patunay ng kanilang pagpapahalaga sa kalidad ng pagkatuto. Layunin nitong mapatibay ang pundasyon ng mga mag-aaral sa Matematika para sa mas mahusay na pagkatuto sa taong ito.

Patuloy na magtutulungan ang mga g**o, magulang, at mag-aaral upang masig**o ang tagumpay ng bawat isa.





PSDS: Dr. Joel Peregrino
School Head: Dr. Danilyne Ramos De Guzman

Photos from DepEd Wakas Elementary School - Cavite's post 24/06/2026

WAKAS ES, NAGSAGAWA NG CRLA AT PHIL-IRI BILANG PAGTATAYA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL

Isinagawa ng Wakas Elementary School ang Comprehensive Rapid Literacy Assessment (CRLA) at Philippine Informal Reading Inventory (Phil-IRI) mula Hunyo 9-11, 2026 bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral.

Ginamit ang CRLA para sa mga mag-aaral sa Primary - Baitang 1 hanggang 3 upang matukoy ang kanilang pundasyong kasanayan sa pagbasa. Samantala, sumailalim naman sa Phil-IRI ang mga mag-aaral sa Intermediate - Baitang 4 hanggang 6 upang masukat ang kanilang antas ng pagbasa at pag-unawa sa teksto.

Ayon sa pamunuan ng paaralan, naglalayong matukoy ng pagtatasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagkilala ng salita, wastong pagbasa, pag-unawa sa binasa, at iba pang mahahalagang kasanayan sa literasi.

Sa masusing paggabay ng mga g**o, isa-isang sinuri ang kakayahan ng bawat bata upang malaman ang kanilang pangangailangan. Ang mga resulta ang magsisilbing gabay sa pagbuo ng mga angkop na interbensyon at programang tutulong sa kanilang pag-unlad sa pagbasa.

Binigyang-diin ng Wakas Elementary School na sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa pagbabasa, ipinapakita ng mga g**o ang kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon. Layunin nito na matulungan ang bawat mag-aaral na maging mahusay at mabilis sa pagbasa.





PSDS: Dr. Joel Peregrino
School Head: Dr. Danilyne Ramos De Guzman

Photos from DepEd Wakas Elementary School - Cavite's post 24/06/2026

WAKAS ELEMENTARY SCHOOL, NAGTALA NG WIKANG GINAGAMIT NG MGA MAG-AARAL SA PAMAMAGITAN NG LANGUAGE MAPPING

Isinagawa ng Wakas Elementary School ang Language Mapping mula ika-22 hanggang ika-24 ng Hunyo, 2026 bilang bahagi ng paghahanda para sa mas inklusibo at epektibong edukasyon.

Lumahok sa tatlong araw na aktibidad ang lahat ng mag-aaral mula Kindergarten hanggang Baitang 3. Layunin nitong matukoy ang mga wikang ginagamit, nauunawaan, at sinasalita ng mga bata sa kanilang tahanan at komunidad.

Ayon sa pamunuan ng paaralan, magsisilbing gabay ang resulta ng pagtatala sa mga g**o sa pagpili ng angkop na midyum ng pagtuturo. Sa ganitong paraan, masisig**o na madaling mauunawaan ng mga bata ang mga aralin, mapalalim ang interes sa pag-aaral, at maitatatag ang matibay na pundasyon bago lumipat sa mas mataas na antas.

Pinangunahan ng mga g**o at kawani ang maayos at organisadong pagsasagawa ng pagtatala. Sa pamamagitan ng pakikipag-usap at maingat na pagmamasid, nakalap ang tiyak na impormasyong gagamitin sa pagbuo ng mga estratehiyang akma sa pangangailangang pangwika ng bawat mag-aaral.

Binigyang-diin ng Wakas Elementary School na ang aktibidad ay patunay ng kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon, kung saan ang pagkilala at paggalang sa wika ng bawat bata ang nagsisilbing matibay na tulay tungo sa matagumpay na pagkatuto.





PSDS: Dr. Joel Peregrino
School Head: Dr. Danilyne Ramos De Guzman

24/06/2026

WAKAS ELEMENTARY SCHOOL, NAGSAGAWA NG ORYENTASYON SA LANGUAGE MAPPING KASAMA ANG MGA MAGULANG

Nagsagawa ang Wakas Elementary School ng oryentasyon tungkol sa Language Mapping na dinaluhan ng mga magulang at tagapag-alaga ng mga mag-aaral.

Layunin ng gawain na ipaliwanag ang kahalagahan ng pangangalap ng datos kaugnay sa mga wikang ginagamit ng mga mag-aaral sa kanilang tahanan at komunidad.

Sa nasabing programa, tinalakay ng mga g**o ang proseso ng language mapping, ang gamit ng mga impormasyong makakalap, at ang papel ng mga g**o sa pagbibigay ng tumpak na datos. Binigyang-diin din na ang mga impormasyong ito ay makatutulong sa pagbuo ng mga programang pang-edukasyon na mas angkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral.

Nagkaroon din ng open forum kung saan nagtanong at nagbahagi ng pananaw ang mga magulang tungkol sa paggamit ng wika sa tahanan at sa paaralan. Ipinakita nila ang suporta sa programa at binigyang-halaga ang pagpapanatili ng mga lokal na wika.

Ayon sa pamunuan, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng paaralan at mga magulang, inaasahang magiging matagumpay ang Language Mapping at higit pang mapauunlad ang kalidad ng edukasyon para sa lahat ng mag-aaral.





PSDS: Dr. Joel Peregrino
School Head: Dr. Danilyne Ramos De Guzman

Photos from DepEd Wakas Elementary School - Cavite's post 24/06/2026

WAKAS ELEMENTARY SCHOOL, NAGSAGAWA NG ORYENTASYON SA “PAGMAMAPA NG WIKA” PARA SA MAS INKLUSIBONG EDUKASYON

Matagumpay na isinagawa ng Wakas Elementary School ang oryentasyon ukol sa Proseso ng Pagmamapa ng Wika noong Hunyo 18, 2026, bilang hakbang tungo sa mas inklusibo at epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral sa Key Stage 1.

Pinangunahan ng mga piling g**o mula Kindergarten hanggang Baitang 3 ang aktibidad na naglalayong ihanda sila sa pagsasagawa ng Language Mapping at pangangasiwa ng Language Identification Tool (LIT).

Ayon sa pamunuan ng paaralan, tinalakay sa sesyon ang kahalagahan ng pagkilala sa iba’t ibang wikang kinagisnan ng mga mag-aaral sa tahanan at komunidad. Binigyang-diin din ang tamang pamamaraan sa pangangalap ng datos, beripikasyon, at dokumentasyon gamit ang LIT, gayundin ang epektibong pakikipag-ugnayan sa mga magulang at tagapag-alaga para sa tumpak na impormasyon.

Sa pamamagitan ng pagmamapa ng wika, mas mauunawaan ng mga g**o ang lingguwistikong pinagmulan ng bawat bata. Layunin nitong makapagbigay ng angkop na suportang pang-edukasyon ayon sa pangangailangan ng mga mag-aaral.

Muling pinagtibay ng Wakas Elementary School sa inisyatibong ito ang kanilang pangako sa pagtataguyod ng de-kalidad, inklusibo, at kulturang tumutugong edukasyon. Naging pagkakataon din ang oryentasyon para sa mga g**o na magbahagi ng pananaw at linawin ang mga katanungan upang higit na mapalakas ang kanilang kahandaan.

Inaasahang makatutulong ang resulta ng language mapping sa paglikha ng mas suportado at makabuluhang kapaligiran sa pagkatuto para sa lahat ng Batang Wakas.





PSDS: Dr. Joel Peregrino
School Head: Dr. Danilyne Ramos De Guzman

23/06/2026

PAUNAWA SA MGA MAGULANG AT MAG-AARAL

SCHOOL SAFETY PROTOCOL: RANDOM BAG INSPECTION

Bilang bahagi ng pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa paaralan, magsasagawa ang Wakas Elementary School ng Random Bag Inspection at Metal Detector Screening sa mga pumapasok sa paaralan. Isasagawa ito ng mga itinalagang kawani ng paaralan.

LAYUNIN:
📍Maiwasan ang pagpasok ng mapanganib at ipinagbabawal na gamit
📍Mapanatili ang ligtas at maayos na kapaligiran sa paaralan
📍Maprotektahan ang mga mag-aaral, g**o, at kawani

MGA BAGAY NA MAAARING MAKUMPISKA:
📍Matutulis/Matalim na bagay - cutter, kutsilyo, blade, gunting na hindi kailangan sa klase
📍Maaaring pagmulan ng sunog - posporo, lighter, paputok
📍Pekeng armas - laruan o bagay na kahawig ng armas
📍Ipinagbabawal na substance - sigarilyo, v**e, alak, at ilegal na droga
📍Hindi angkop na materyales - babasahin o gamit na hindi akma sa eskwela
📍Iba pa - anumang gamit na maaaring makapinsala o makagulo sa paaralan

PAALALA:
Ang inspeksyon ay isasagawa nang may paggalang at para lamang sa kaligtasan ng lahat. Hinihiling po ang pakikiisa ng mga magulang at tagapag-alaga.

Alinsunod sa DepEd Order No. 40, s. 2012 - DepEd Child Protection Policy at DepEd Order No. 006, s. 2026 - Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment.

Paalalahanan po natin ang mga bata na huwag magdala ng ipinagbabawal na gamit sa paaralan. Maraming salamat po sa inyong kooperasyon!





PSDS: Dr. Joel Peregrino
School Head: Dr. Danilyne Ramos De Guzman

22/06/2026

RENAMING OF THE OFFICIAL SCHOOL
FACEBOOK PAGE

In compliance with the newly issued DepEd Order No. 7, s. 2026, titled "Media Management Guidelines, which mandates a standardized naming convention for all official Department of Education social media platforms, the school office announces the official change of its page name. (Division Memorandum No. 75, s. 2026)

Old Page Name:
DepEd Tayo Wakas Elementary School - Cavite Province

New Prescribed Page Name: DepEd Wakas Elementary School - Cavite

PSDS: Dr. Joel Peregrino
School Head: Dr. Danilyne Ramos De Guzman

Photos from DepEd Wakas Elementary School - Cavite's post 18/06/2026

Nationwide Simultaneous 2nd Quarter Earthquake Drill 2026

Nakilahok ang Paaralang Elementarya ng Wakas sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill o NSED ngayong ika-18 ng Hunyo 2026, ganap na ika-9:00 ng umaga.

Pinangunahan ni Punongg**o I Dr. Danilyne Joyce R. De Guzman kasama ang mga g**o at kawani ang isinagawang drill bilang pakikiisa sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Naipaalam nang maaga ang gawain upang paalalahanan ang mga g**o, mag-aaral, at magulang tungkol sa tamang gagawin kapag may lindol. Itinuro sa mga bata ang apat na mahalagang hakbang: “Duck, Cover, Hold and Evacuate” nang maayos sa ligtas na lugar kapag tumigil na ang pagyanig.

Ayon sa pamunuan ng paaralan, layunin ng pagsasanay na mahasa ang kaalaman at kahandaan ng bawat isa upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral para sa kanilang sarili at sa kapwa.

Patuloy na isinusulong ng paaralan ang mga programang naglalayong mapanatili ang kahandaan at kaligtasan ng lahat sa oras ng sakuna.





PSDS: Dr. Joel Peregrino
School Head: Dr. Danilyne Ramos De Guzman

Photos from DepEd Wakas Elementary School - Cavite's post 16/06/2026

SCHOOL SUPPLIES HANDOG PARA SA MGA G**O NG WAKAS ES MULA SA MOOE

Masayang tumanggap ng school supplies na bondpaper, tape, at ink ang lahat mga g**o sa Wakas Elementary School mula sa pondo ng School MOOE.

Pinangunahan nina Punongg**o I Dr. Danilyne Joyce R. De Guzman at Administrative Officer II Sir Michael Relato ang pamamahagi ng school supplies bilang pagkilala sa dedikasyon ng teaching force.

Layunin ng inisyatiba na matugunan ang pangangailangan ng mga g**o sa pagtuturo at gawing mas magaan ang paghahanda ng mga aralin.

Kaya naman taos-puso ang pasasalamat ng mga g**o at sinisigurado ang patuloy na pagbibigay ng dekalidad na edukasyon para sa Batang Wakas.





PSDS: Dr. Joel Peregrino
School Head: Dr. Danilyne Ramos De Guzman

Photos from DepEd Wakas Elementary School - Cavite's post 12/06/2026

MGA G**O AT KAWANI NG WAKAS ES NAKIISA SA IKA-128 NA PAGDIRIWANG NG ARAW NG KALAYAAN NG PILIPINAS

Nakiisa ang mga g**o, punong-g**o, barangay officials, kawani ng gobyerno, at iba pang sektor sa ika-128 na Pagdiriwang ng Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 2026 sa makasaysayang bayan ng Kawit, Cavite.

Bilang lugar kung saan unang winagayway ang watawat ng Pilipinas, pinangunahan ng Kawit ang paggunita sa makasaysayang araw sa pamamagitan ng serye ng seremonya at aktibidad na nagbigay-diin sa mayamang kasaysayan at kulturang Pilipino.

Nagsimula ang pagdiriwang sa tradisyonal na Independence Day Parade sa kahabaan ng Panamitan-Batong Dalig Bypass Road sa Brgy. Panamitan. Maagang nagtipon ang mga kalahok upang makiisa sa parada at iba pang commemorative activities na inorganisa ng pamahalaang bayan.

Nakasuot ng tradisyonal na kasuotang Pilipino ang mga espesyal na panauhing dumalo kasama sina Tagamasid Pampurok Dr. Joel O. Peregrino at Punongg**o I Dr. Danilyne Joyce R. De Guzman na nagdagdag ng kulay at diwa ng pagkamakabayan sa okasyon.

Samantala, sa mensahe na ibinahagi ni Mayor Cynthia G. Aguinaldo hinikayat niya ang lahat ng sektor ng komunidad na makilahok sa pagdiriwang at itaguyod ang kamalayan sa kahalagahan ng Araw ng Kalayaan. Binigyang-diin din niya ang kabayanihan at sakripisyo ng mga bayaning Pilipino na lumaban para sa kalayaan ng bansa.

Ayon sa mga g**o ng Wakas Elementary School, ang taunang paggunita ay hindi lamang pagpapaalala sa kasaysayan, kundi inspirasyon din para sa mga mamamayan lalo na sa kabataan na isabuhay ang mga pagpapahalaga sa kalayaan, nasyonalismo, at pagkamamayan.

Sa kanilang pakikilahok, ipinamalas ng mga g**o at kawani ng WES ang pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at paggalang sa kasaysayan ng Pilipinas.





PSDS: Dr. Joel Peregrino
School Head: Dr. Danilyne Ramos De Guzman

Want your school to be the top-listed School/college in Kawit?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Tanggulan Street Wakas II
Kawit
4104

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm