13/08/2026
WALANG PASOK, AUGUST 14, 2026 ⚠️📢
Inaasahang patuloy pa rin ang pag-ulan bukas, dulot ng Habagat, ayon sa PAGASA kaya naman kanselado pa rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa ating Kawit. Nagtitiwala tayo sa desisyon ng ating mga paaralan para sa pagpapatupad ng alternative learning mode para sa kanilang mga mag-aaral.
Ito ay para na rin maingatan ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga mag-aaral, at mga g**o, at mabigyan din ang mga paaralan na nagsilbing evacuation centers na makapaglinis, makapag-ayos at makapaghanda.
Patuloy na mag-ingat ang lahat at maging alerto sa lagay ng panahon. Kasama niyo kami sa pagbabantay sa ating Kawit.
Stay safe, Kawiteño!