DepEd Tayo Kaingen Poblacion ES - Cavite Province

DepEd Tayo Kaingen Poblacion ES - Cavite Province

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo Kaingen Poblacion ES - Cavite Province, Elementary School, Tanggulan Street, Kawit.

Photos from DepEd Tayo Kaingen Poblacion ES - Cavite Province's post 09/06/2026

Balik eskwela Monitoring
06/09/2026
DepEd Tayo Kawit District
Dr. O. Peregrino
DepEd Tayo Kaingen Poblacion ES - Cavite Province
SH Minette Nazaire Lee

08/06/2026

Balik Eskwela na!

TINGNAN:
Matagumpay na naidaos ang unang araw ng pasukan sa ating paaralan DepEd Tayo Kaingen Poblacion ES - Cavite Province na puno ng kasiyahan, kaayusan, at sigla.

SH Minette Nazaire Lee
PSDS Joel O. Peregrino

06/06/2026

Happy Birthday Teacher Lerma Magadia
Wishing you peace, beauty, and joy in every step you take.

Photos from DepEd Tayo Kaingen Poblacion ES - Cavite Province's post 03/06/2026

Sama-Samang Tagumpay: Pagtatapos ng ARAL Summer Program

Ngayong araw, Hunyo 2, 2026, mula ika-10:00 ng umaga hanggang ika-11:00 ng umaga, matagumpay na isinagawa ang Pagtatapos ng ARAL Summer Program bilang pagkilala sa mga batang lumahok at matagumpay na nakatapos ng programa. Naging makabuluhan at masaya ang programa sa tulong ng mga g**o, magulang, volunteer teachers, at mga stakeholder na nagkaisa upang suportahan ang pagkatuto ng mga bata.
Pinangunahan ni Gng. Gelyn M. Pampilon-G**o I ang programa bilang tagapagpadaloy. Sinimulan ang programa sa isang taimtim na panalangin na pinangunahan ni Gng. Lerma M. Magadia-G**o III, na humiling ng gabay at pagpapala para sa lahat ng dumalo.
Nagbigay naman ng Pambungad na Pananalita si Dalubg**o I, Gng. Fredanila S. Angosta, kung saan kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng ARAL Program sa pagpapaunlad ng kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral. Pinuri rin niya ang mga batang nagpakita ng sipag, tiyaga, at determinasyon sa buong panahon ng programa.
Isa sa mga pinakatampok na bahagi ng programa ang Awarding of Certificates para sa mga batang matagumpay na nakatapos ng ARAL Summer Program. Ang mga sertipiko ay iginawad bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap at dedikasyon sa pag-aaral. Kasabay nito, binigyan din ng pagkilala at parangal ang mga Volunteer Teachers bilang pasasalamat sa kanilang walang sawang paglilingkod at pagtuturo. Pinarangalan din ang mga stakeholder at tagasuporta ng programa na nagkaloob ng tulong at mga donasyon upang makatulong sa mga batang kalahok. Kabilang sa mga kinilala ang CFC Kids for Christ Kawit, G. Misael Rosaroso, Bb. Kimberly Cagampan, at Gng. Sonia Aguilar. Ang kanilang kabutihang-loob at patuloy na suporta ay naging mahalagang bahagi ng tagumpay ng ARAL Summer Program.
Bilang huling bahagi ng programa, nagpahayag si Gng. Ernalyn B. Ramos-G**o III ng taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na ARAL Summer Program. Pinasalamatan niya ang mga bata sa kanilang aktibong pakikilahok, ang mga magulang sa kanilang walang sawang suporta, ang mga volunteer teachers sa kanilang dedikasyon at malasakit, at ang mga stakeholder sa kanilang mahalagang kontribusyon sa tagumpay ng programa.
Bilang pagtatapos, taos-pusong nagpapasalamat ang paaralan sa lahat ng nakibahagi at tumulong upang maging matagumpay ang ARAL Summer Program. Maraming salamat sa mga batang nagtiyaga at nagsikap na matuto, sa mga magulang na naging katuwang sa paggabay sa kanilang mga anak, sa mga volunteer teachers na nagbahagi ng kanilang oras at kaalaman, at sa mga stakeholder na nagbigay ng tulong at suporta.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, naging matagumpay ang programang ito. Nawa'y patuloy nating suportahan ang edukasyon ng ating mga kabataan para sa mas maliwanag na kinabukasan. Maraming salamat at mabuhay ang lahat ng naging bahagi ng ARAL Summer Program!

PSDS Dr. Joel O. Peregrino
SH Minette Nazaire Lee

Photos from DepEd Tayo Kaingen Poblacion ES - Cavite Province's post 02/06/2026

“Sama-Samang Kilos, Sama-Samang Tagumpay: Brigada Eskwela 2026, Isinagawa sa Diwa ng Pagkakaisa!”

Noong Hunyo 1, 2026, matagumpay na isinagawa ng Kaingen-Poblacion Elementary School ang pagbubukas ng Brigada Eskwela 2026 na may temang “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.” Layunin ng gawaing ito na mapagtibay ang pagtutulungan ng paaralan, mga magulang, pamayanan, at iba pang mga katuwang upang maihanda ang paaralan para sa nalalapit na pasukan.
Bilang panimula ng gawain, nagsagawa ng pag-iikot ang mga g**o ng Kaingen-Poblacion Elementary School kasama ang mga opisyal ng GPTA, stakeholders, Barangay Kaingen at Barangay Poblacion. Namahagi sila ng mga flyers na naglalaman ng impormasyon tungkol sa Brigada Eskwela at Oplan Balik Eskwela 2026 upang hikayatin ang mas maraming mamamayan na makiisa at makibahagi sa mga gawaing pampaaralan.
Matapos ang motorcade at pamamahagi ng flyers, isinagawa ang isang maikling programa bilang opisyal na pagbubukas ng Brigada Eskwela. Binuksan ito sa pamamagitan ng pambungad na pananalita ni Gng. Minette N. Lee, Ulong G**o II, kung saan kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa at kooperasyon para sa pagpapanatili ng isang ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran sa pag-aaral. Nagbigay rin ng mensahe ng pasasalamat ang pamunuan ng paaralan sa lahat ng mga dumalo at sumuporta sa programa. Sinundan ito ng Statement of Purpose ng Brigada Eskwela na pinangunahan ni Gng. Fredanila S. Angosta, Dalubg**o I, kung saan ipinaliwanag niya ang mga layunin at kahalagahan ng taunang gawaing ito sa paghahanda ng paaralan para sa pagbubukas ng klase.
Isa rin sa mga tampok ng programa ang presentasyon at pagkilala sa mga boluntaryo at stakeholders na dumalo at naglaan ng kanilang oras, lakas, at suporta para sa paaralan, kabilang si Barangay Captain Leonardo A. Corpuz ng Barangay Poblacion, ang mga miyembro ng Church of God International (MCGI), at ang mga benepisyaryo ng 4Ps. Ang kanilang pakikiisa ay patunay ng matibay na samahan ng paaralan at komunidad sa pagtataguyod ng de-kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral..
Bilang bahagi ng programa, nagsagawa rin ng pamamahagi ng mga kagamitan sa paglilinis na gagamitin sa iba't ibang gawain sa loob ng paaralan. Ang mga kagamitang ito ay malaking tulong upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang kapaligiran ng paaralan para sa mga mag-aaral at mga g**o sa darating na pasukan.
Matapos ang programa, agad na nagsimula ang iba't ibang gawaing boluntaryo tulad ng paglilinis ng mga silid-aralan, pagkukumpuni ng ilang pasilidad, pag-aayos ng mga kagamitan, at paglilinis ng paligid ng paaralan. Masiglang nakibahagi ang mga g**o, magulang, mag-aaral, at iba pang stakeholders bilang pagpapakita ng tunay na diwa ng bayanihan.
Lubos ang pasasalamat ng Kaingen-Poblacion Elementary School sa lahat ng mga indibidwal at organisasyong nakiisa at nagbigay ng kanilang suporta para sa matagumpay na pagbubukas ng Brigada Eskwela 2026. Ang kanilang malasakit at pagtutulungan ay nagsisilbing inspirasyon upang higit pang mapabuti ang kalidad ng edukasyon at kapaligiran ng paaralan.
Sa sama-samang pagkilos at pagkakaisa ng buong komunidad, tunay na naipamalas ang diwa ng temang “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.”

PSDS Dr. Joel O. Peregrino
SH Minette Nazaire Lee

Photos from DepEd Tayo Kaingen Poblacion ES - Cavite Province's post 26/05/2026

IKA-APAT NA LINGGO | ARAL Summer Program

Sa pamamagitan ng makabuluhang aralin, at walang sawang paggabay ng ating mga g**o ,
lalo pang nahuhubog ang kakayahan ng ating mga mag-aaral sa pagbasa, pagsulat, at pagbilang.


DepEd Tayo Kawit District
PSDS Dr. O. Peregrinio
DepEd Tayo Kaingen Poblacion ES - Cavite Province
SH Minette Nazaire Lee

23/05/2026

Happy Birthday Ma'am Jeni Malvar Liwanag!
Wishing you peace, beauty, and joy in every step you take.

From your DepEd Tayo Kaingen Poblacion ES - Cavite Province Family.

21/05/2026

NSBI Validation

Photos from DepEd Tayo Kaingen Poblacion ES - Cavite Province's post 21/05/2026

OBSERVANCE AND CONDUCT OF SIMULTANEOUS ACTIVITIES FOR THE 2026 INTERNATIONAL AIDS CANDLELIGHT MEMORAIL (IACM)

Theme:
“Light the legacy: remember, advance, act, keeping the light alive”

Photos from DepEd Philippines's post 19/05/2026
Want your school to be the top-listed School/college in Kawit?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Tanggulan Street
Kawit
4104

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm