ALGO-Alimit Glints Overt

Directions

ALGO-Alimit Glints Overt school paper publication

Ang Ilaw na Hindi NapapagodAng pagiging g**o ay tunay na sakripisyo. Sakripisyo ng oras, pagod at sariling pangangailang...
18/09/2026

Ang Ilaw na Hindi Napapagod

Ang pagiging g**o ay tunay na sakripisyo. Sakripisyo ng oras, pagod at sariling pangangailangan. Maraming g**o ang nagpupuyat sa paggawa ng aralin, gumagastos mula sa sariling bulsa para sa kagamitan at patuloy na ngumingiti sa klase kahit may sariling problemang pasan.

Higit sa pagtuturo ng asignatura, ang g**o ay pangalawang magulang. Siya ang gumigising sa pangarap ng batang nawawalan na ng pag-asa. Siya ang nakikinig kapag walang ibang makausap ang mag aaral. Siya ang nagtuturo hindi lang kung paano bumasa at sumulat, kundi kung paano gumalang, magpatawad at tumayo matapos madapa. Ang disiplina na ibinibigay niya ay hindi galit, kundi pagmamahal na nais itama ang mali.

Ngunit hindi sapat ang sakripisyo ng g**o lamang. Kailangan ang kooperasyon ng mag aaral. Kapag ang g**o ay nagbubuhos ng kaalaman at pagmamahal ng isang magulang, at ang mag aaral ay tumutugon ng pakikinig, respeto at pagsisikap, doon nabubuo ang tunay na pagkatuto.

Sa kanilang pagtutulungan, nakakamit ang magandang ayunin. Hindi lamang mataas na marka o medalya, kundi isang kabataang hinubog na may talino, may puso at may takot sa Diyos.

Sa Likod ng Bawat Salita, Isang PaglalakbayIsinulat ni Mariko Jane AlbanoSa Aritao, Nueva Vizcaya, isang makabuluhang ka...
17/09/2026

Sa Likod ng Bawat Salita, Isang Paglalakbay
Isinulat ni Mariko Jane Albano

Sa Aritao, Nueva Vizcaya, isang makabuluhang karanasan ang nabuo.

Madilim man ang paligid at ramdam ko pa ang matindig lamig mula sa simoy ng hangin, ako ay napilitang bumangon upang maihanda ang puso’t isipan maging ang buong katawan dala ng pag-asang nagtutulak sa akin tungo sa aking pangarap.

Ako ay isang pangkaraniwang bata at isang mag-aaral na mamamahayag na naglalayong magbahagi ng sari-saring kaisipan hinggil sa mga kaganapan sa realidad.

Sa aking paghahanda para sa kompetisyong DSPC, ay aking isinaalang-alang ang mga aralin na naituro sa akin. Sa aking mga kamay ay mahigpit kong hawak ang aking panulat bilang aking sandata sa nalalapit na tagisang pagpapahayag. Ang DSPC ay hindi lamang patungkol sa kung sino ang magwawagi kundi ito rin ay para ito sa mga kabataang marunong magmasid, makinig, magsaliksik at umunawa. Layunin ng programang ito na bigyang lakas ang mga kabataang mag-aaral na gamitin ang tinig nang tama at sa makabuluhang usapin. Sa likod ng bawat salita, isang kwento ang naipapahayag.

Gayun na lamang ang kabang aking nadarama nang kami ay papalapit na sa lugar ng kompetisyon. Sa aking isipan, maging ang matalinong mamamahayag ay posibleng makaranas ng ganitong pangyayari subalit nananaig pa rin ang tibay ng kanyang kalooban gayundin ang pagpapakumbaba.

Sa paglalakabay patungong Aritao ay kasama ko ang iba pang mamamahayag mula sa aming paaralan dala ang kani-kaniyang mga pangarap. Sa loob ng sasakyan ay nagkaroon ng kasiyahan at kwentuhan kung saan bawat isa ay malayang naibabahagi ang kani-kaniyang karanasan bilang isang batang mag-aaral.

Sa gitna ng madilim na kalsada ay nagkaroon ng katihimikan na wari ko’y sa iniisip ng bawat isa na siyang sumisiksik sa bawat isipan ay kung paano mapagtatagumpayan ang nalalapit na hamon sa nabibilang na mga oras.

Maliwanag nang kami ay makarating sa lugar ng paligsahan. Ako ay nanibago ngunit natuwa sa bagong kapaligiran. Sa silay ng aking mga balintataw ay namasid ko ang ganda ng paligid gayundin ang mga nagsisitaasang mga bundok. Ang panibagong tanawin ay nakapagbigay ng panibagong kulay sa aming paglalakbay.

Sa kabila ng bawat ngiti ay hindi ko magawang maikubli ang kaba sa aking kalooban. Gayundin sa dami ng mga nangangarap na mamamahayag sa lugar ng paligsahan, unti-unti kong naramdaman ang panliliit sa aking sarili.
Paano kung hindi sapat ang impormasyong isusulat ko? Paano kung mauubusan ako ng ideya? Subalit, sa kabila ng ng mga tanong na ito ay pinili kong huminga ng napakalalim at iniangat ang aking sarili sabay nagtiwala sa mga kakayahang aking natutunan.

Ano pa nga ang aking gagawin at siyang nandirito na rin ako? Sa bawat araw na aking inilaang pag-eensayo ay sinusubukan kong maging matapang. Sa mabilis na oras na iyon, ako ay nagkaroon ng panibagong lakas.

Sumapit ang oras ng patimpalak at ako ay pumasok kasama ang mga katunggali mula sa iba’t-ibang paaralan mula sa loob ng probinsya. Ilan sa kanila ay nakitaan ko ng kaba ngunit nakangiti samatalang ang ilan ay nababanaag ko ang kanilang tiwala sa sarili mula sa kanilang paglakad papasok sa silid, ako’y isa sa kanila.

Nang humarap ako sa blangkong papel, tila naglaho ang ingay sa paligid. Nanaig ang pag-asa sa aking katauhan. Nang maibigay ang aming paksa ay taimtim ko itong binasa at inunawa. Pagkaraan ng isang minuto ay naisa-isa kong binalangkas ang mga kaisipang tumambad sa aking isipan, at tiwalang isinulat sa papel ang kwentong nais kong iparating.

Sa loob ng silid ay nagkaroon ng mahabang katahimikan subalit ang mga isipan ng bawat isa ay napakaabala sa pagbuo ng makabuluhang pagsasalaysay mula sa mga kaisipang nag-uunahan. Sa aking sariling pagwawari’y naunawaan kong tumatalas ang diwa sa tuwing ito ay sinusubok. Sa oras na iyon ay naibulong ko sa aking sarili na tama ang aking naging pasya na pumarito upang sumubok. Sa pag-unawang iyon, ako’y nakaramdam ng tuwa at kapanatagan sa aking kalooban. Dala ng tuwa, ako ay nagpatuloy hanggang sa matapos ko ang ikalawang hamon.

Magtatanghali nang matapos ang oras na inilaan ng tagamasid. Masaya kong naiabot ang aking pinagsikapang gawain. Tuluyan mang natapos ang patimpalak sa araw na iyon, ako’y patuloy na nabubuhayan na ituloy ang aking hilig sa pagsusulat upang patuloy na mahubog at mapalalim ang aking kaalaman.

Hindi ko man batid kung ano ang magiging kahihinatnan ng resulta subalit alam ko sa aking sarili na mayroong isang bagay akong bibitbitin pauwi sa aming lugar, ito ang masaya’t mapanghamong karanasan na kaialanma’y hindi mabubura.

Ang aming naging paglalakbay kasama ang aking mga g**o’t kamag-aral ay nakapaghatid ng aral, na sa bawat hamon na kinahaharap ay katatagan ng kalooban ang kailangan upang hindi magapi ng hamon kundi ituturing ko lamang na isang palatandaan na ako’y may angking tibay.
Sa aking pag-uwi, isang bagong pahina ang nabuo’t naisulat. Maaaring natapos na ang isang patimplak ngunit ang kwento ng isang tulad kong mamamahayag ay patuloy pa ring isinusulat.

PAGKAPILIPINO, IPINAMALAS NG MGA KALAHOK NG LAKAN AT LAKAMBINI NG WIKA AIS 2026 Matagumpay na naisagawa noong Setyembre ...
10/09/2026

PAGKAPILIPINO, IPINAMALAS NG MGA KALAHOK NG LAKAN AT LAKAMBINI NG WIKA AIS 2026

Matagumpay na naisagawa noong Setyembre 9, 2026 ang patimpalak na Lakan at Lakambini ng Wika 2026 ng Alimit Integrated School.

Nakiisa sa patimpalak ang mga mag-aaral ng sekundarya mula sa iba't ibang baitang. Ang tema ngayong taon ay "Wikang Filipino at Al: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon".

Layunin ng programa na ipakita ang kahalagahan ng Wikang Filipino sa panahon ng teknolohiya. Ang patimpalak na ito ay nagsilbing daan upang mahubog ang kumpiyansa, kasanayan sa pagsasalita, at pagiging lider ng mga kalahok bilang mga tagapagtaguyod ng wika.

Kasabay din nito ang iba pang gawaing wika at sining upang higit pang mapalalim ang pagmamahal ng mga mag-aaral sa sariling wika.

Sa pagtatapos, nanawagan ang paaralan na gamitin ang AI upang palakasin ang Wikang Filipino tungo sa mas maraming kaalaman at oportunidad.

RESULTA

Lakan ng Wika AIS 2026- JAYVANCE PUMIHIC
Lakambini ng Wika AIS 2026- CRYSTAL SHINE GONZALES

Ginoo ng Tagalog AIS 2026- JENFER PUMIHIC
Binibini ng Tagalog AIS 2026- MISSY NICOLE PUMIHIC

Ginoo ng Cebuano- MENDELL PRINCE WINANDAGAN
Binibini ng Cebuano- MARIKO ALBANO

Ginoo ng Iloko- RODEL BUTIC
Binibini ng Iloko- DIXIE BUTIC

Ginoo ng Tuwali- JAYVAN KHURT SABINAY
Binibini ng Tuwali- NIXIE BUTIC

Ginoo ng Ayangan- AIZON BRYLE PUHA
Binibini ng Ayangan- SHELLA HUMIWAT

Tagisan sa Simbolismo at Kulay, Masiglang Nilahukan ng mga Mag-aaralMasiglang nilahukan ng mga mag-aaral mula Key Stage ...
03/09/2026

Tagisan sa Simbolismo at Kulay, Masiglang Nilahukan ng mga Mag-aaral

Masiglang nilahukan ng mga mag-aaral mula Key Stage 2 at 3 ang patimpalak sa paggawa ng poster na itinampok ang malikhaing paggamit ng kulay at simbolismo.

Isinagawa ang nasabing gawain noong ika-26 ng Agosto 2026, ganap na ika-4:00 hanggang ika-5:00 ng hapon, sa Alimit Integrated School.

Layunin ng patimpalak na linangin ang pagkamalikhain ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng sining, kasabay ng pagpapahalaga sa wikang Filipino at sa makabagong teknolohiya.

Ayon sa tagapangulo ng programa, “Dapat ay mabigyan ng pagkakataon ang bawat mag-aaral na nagnanais lumahok.” Dahil dito, nagsagawa muna ng paunang eliminasyon ang bawat tagapayo sa kani-kanilang silid-aralan upang makapili ng dalawang kinatawan sa bawat baitang at pangkat.

Ang gawain ay bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika na ginaganap tuwing buwan ng Agosto. Ngayong taon, nakasentro ito sa temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”

Hiwaga ng Kulay at LetraAng kulay na nagdadala ng hiwaga ay kasing-tulad ng emosyong nais ipahiwatig ng tao. Tulad din n...
26/08/2026

Hiwaga ng Kulay at Letra

Ang kulay na nagdadala ng hiwaga ay kasing-tulad ng emosyong nais ipahiwatig ng tao. Tulad din ng letra, layunin nitong bumuo ng makabuluhan at makahulugang mensahe na nais ipaabot sa bawat pusong nangangailangan ng gabay at sa isipang nagnanais ng kaliwanagan.

Alinsunod sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, masiglang isinagawa ng Alimit Integrated School (AIS) ang isa sa mga patimpalak nito. Nitong ika-25 ng Agosto, aktibong lumahok ang mga mag-aaral mula sa ika-apat hanggang ika-anim na baitang sa Patimpalak na Paggawa ng Slogan.

Sa pamamagitan ng kulay at salita, layunin ng mga mag-aaral na magpaabot ng mensahe at damdamin. Bilang pagsuporta sa Wikang Filipino, buong puso silang nakiisa upang hikayatin ang kapwa mag-aaral na gamitin, mahalin, at ipagmalaki ang wikang nagbubuklod sa bawat Pilipino.
Sa kasalukuyang panahon, mahalagang higit pa nating paunlarin ang ating pambansang wika sapagkat ito ang mabisang instrumento sa pakikipagtalastasan at tulay sa ating pagkakaunawaan.

Ang kaunlaran ay bunga ng pagkakaisa. Sa henerasyong ito, nararapat lamang na tayo ay magkapit-bisig tungo sa pagpapalawak at pagtatanggol sa inang wika ng mga Pilipino upang patuloy itong tumayo sa gitna ng modernisasyon at globalisasyon, at manatiling buhay sa mga susunod pang henerasyon.

Damdamin ng Puso, Sigaw ng UtakAng pagpapabatid ng mensahe gamit ang karunungan ay sumisimbulo sa tunay na Pilipinong ma...
26/08/2026

Damdamin ng Puso, Sigaw ng Utak

Ang pagpapabatid ng mensahe gamit ang karunungan ay sumisimbulo sa tunay na Pilipinong may puso. Ang damdamin ay simbolo ng buhay; tayo ay nakararamdam sapagkat tayo ay humihinga, nabubuhay, at nagkakaroon ng saysay sa mundo. Tulad ng tubig na dumadaloy sa baso, ang damdamin ay umaapaw kapag wala na itong mapaglagyan. Tulad din ng apoy, ito ay umaalab sa tuwing nagsasama-sama ang mga baga, at doon naipahahayag ang tunay na nilalaman ng puso kapag ito ay nag-aalab na.

Ang puso ang sentro ng buhay, sapagkat siya ang nagdadala ng bawat nararamdamang saya, kalungkutan, sakit, at hinaing. Ang utak naman ang siyang daluyan na nagpapatuloy sa lahat ng naririnig ng tainga, naaamoy ng ilong, at nakikita ng mata. Ang lahat ng ito ay naihahatid sa kaharian ng puso na pinamumugaran ng haring damdamin. Doon nagtatagpo ang isip at damdamin, at doon nabubuo ang tinig na nais ipabatid sa kapwa.

Tulad ng tao, ang wika ay mayroong pandama. Kaya rin nitong maramdaman ang lagay ng kanyang sariling kalusugan. Ang wika ay singtulad ng espiritung nananahan sa katauhan ng tao. Dahil dito, nagagawa niyang makakita, makaamoy, at makarinig hindi sa pamamagitan ng mata at ilong, kundi sa pamamagitan ng mga taong gumagamit sa kanya. Subalit ang kalagayan ng wika ay nakikita batay sa layunin at hangarin ng mga taong binubuklod niya. Kung ito ay pinagyayaman, siya ay lumalakas; kung ito ay pinababayaan, siya ay nanghihina.

Gaya ng tao, ang wika ay mayroong hinaing. Ang pagsasantabi, ang hindi pagpapahalaga, at ang paglimot sa sariling atin ay itinuturing ng wika na kanyang malalim na sugat at hinaing. Ang wika ay nabuo upang maging instrumento at tulay sa bawat tinig, upang pagdugtungin ang hindi magkakakilala, at upang bigyang-boses ang mga damdaming hindi kayang sabihin nang mag-isa.

Nitong buwang Agosto, masiglang hinihikayat ng paaralang Alimit Integrated School (AIS) ang mga mag-aaral na makilahok sa programang Buwan ng Wika upang makiisa sa pagtataguyod ng wikang Filipino. Sa ika-20 ng Agosto 2026, naging boses ang mga kabataang mag-aaral sa pamamagitan ng pakikilahok sa paligsahang pagsulat ng sanaysay. Sa kanilang pagsulat ay kanilang naibahagi ang tunay na layunin ng wikang Filipino, maging ang kalagayan at hinaing nito mula sa mga taong pinagbuklod niya. Ang mga mag-aaral ng AIS ay ginawang instrumento ng wika upang makapagbahagi siya ng damdamin sa pamamagitan ng pagpapabatid sa puso at isipan ng bawat kalahok. Tulad ng wikang may pandama, ang sariling damdamin ng mga mag-aaral ay nakipagtugma upang maihayag sa kapwa ang mensaheng sumisigaw sa kanilang isipan na siyang umaapaw sa kanilang puso.

Higit na mahihirapang mabuhay ang tao kung walang wika, subalit hindi rin kailanman magagawang mabuhay ng wika kung walang taong gumagamit at nagpapahalaga sa kanya. Patunay lamang na mahalaga sila sa bawat isa at kinakailangang magsama upang mabuhay, tulad ng puso at utak na kailangang magkaisa upang makamit ang hangaring nilalayon. Ang wika at tao, maging ang utak at puso, ay sumisimbulo sa tubig at apoy. Tunay na ang tubig at apoy ay sadyang magkaiba sapagkat magkaiba ang kanilang kakayahan at kalikasan, subalit nagagawa nilang magtagumpay kung matututo silang magkaisa at magbigayan.

Kung minsan, itinatanggi ng tao ang isang wika, maging ang sariling wika. Dahil dito, nagdudulot ito ng balakid at puwang sa kanilang pagitan. Maaaring magkalayo o tuluyang magkahiwalay ang tao at ang wika, at maaaring may pumagitna sa kanila na pumipigil sa kanilang pag-uunawaan. Singgaya rin ng puso at utak, kung minsan ay hindi sila nagtutugma dulot ng magkasalungat na kagustuhan at hangarin ng bawat isa. Tulad din ng apoy na kayang pakuluin at ubusin ang tubig kung siya ay nagmamataas, at ng tubig na kayang palamigin at patayin ang liyab ng apoy kung mas marami at mas malakas ito.

Sa ilang pagkakataon, nasisira ang samahan kung hindi nagtutugma ang layunin. Subalit gaya ng tao at wika, puso at utak, maging tubig at apoy, kayang kamtin ang tagumpay kung sila ay matutong magkaisa sa kabila ng kanilang kaibahan. Ang pagkakaiba ay hindi dapat maging dahilan ng paghihiwalay, kundi maging dahilan ng pagiging buo.

Tulad din ng g**o at mag-aaral, makakamit nila ang isang layunin maging ang pansariling hangarin kung sila ay patuloy na magkakaisa. Sa pagtataguyod ng wikang Filipino, ang mga g**o ang siyang tagabigay ng impormasyon at tagahubog ng kakayahan, samantalang ang mga mag-aaral ang tagatanggap at tagapagpanday ng karunungan. Ganito man ang sitwasyon, nagagawang matuto ng dalawang panig sa bawat isa, sapagkat ang mga g**o ang nagtuturo kung paano ipahayag nang tama, wasto, at may dignidad ang damdamin ng puso at ang sigaw ng utak.

Address

Alimit
Kasibu
3703

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ALGO-Alimit Glints Overt posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category