09/09/2026
๐ฃ๐ฎ๐ป๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด-๐๐ฎ๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ฟ๐๐ฎ๐ป
๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป,๐ถ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ป๐-๐ง๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต๐ฒ๐ฟ ๐๐ผ๐ป๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐๐ฒ๐บ๐ฎ
๐๏ธAlthea Chloe D. Intencia
๐ท Russelmay A. Pupa
Isinulong ng Dugayan National High School ang pinaka-unang Parent-Teacher Conference, sa pangunguna ni pangulong-g**o Marites L. Ponce, sa opisyal na pagpupulong ng mga magulang at g**o upang talakayin ang proseso ng paaralan, nitong alas 8 ng umaga, Septembre 9, 2026.
Layunin ng pagtitipon ay mapag-usapan ang ang akademikong pag unlad at ugaliโt asal sa klase ng mga estudyante na ginanap sa multipurpose gymnasium ng paaralan.
โMaayong buntag sa tanan,mao diay ni atong pinaka una nga meeting no og pag ilhanay, ako diay si Marites Lorono Ponce ang new school head ninyu diri, gikan diay ko nagtudlo sa Salvacion National High School and na amazes gyud ko sa mga tao diria kay grabi ang ka-power, โ pahayag ni Ponce.
Ipinaabot din niya kung gaano siya pinagpala ng Panginoon na umabot sa lugar ng Dugayan at kung gaano rin siya humahanga sa mga taong nagsusumikap upang makapag-aral ang kanilang mga anak.
โKasagaran sa atong eskwelahan no, kay away ra ang problema sa mga estudyante og maistra kay kong naa may cutting classes kay pipila rapod,pero unta tabangan mi ninyung mga maistra nga ma develop ang panghuna-huna og mawala ang mga mahitabo nga dautan diri saatong schoolโ bahagi pa niya.
Bukod dito, binigyang-diin ni Ponce ang ilang hindi kaaya-ayang insidenteng naganap sa labas ng paaralan at ang mga asal na hindi nararapat sa pakikitungo sa kapwa.
Binigyang-pansin ito bilang paalala sa kahalagahan ng pagpapanatili ng ligtas at maayos na kapaligiran para sa mga mag-aaral.
Tinalakay naman ni Michael Capisnon, faculty member, ang isyu ng pangbubully sa mga mag-aaral. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga g**o at magulang upang maiwasan at matugunan ang bullying.
Tinalakay rin niya ang Anti-Bullying Act, na patuloy na pinapalakas ng Department of Education (DepEd), upang higit na maprotektahan ang mga mag-aaral laban sa pang-aapi at iba pang kaugnay na insidente.
Samantala, bago natapos ang Parent-Teacher Conference ay nag bigay naman ng mensahe ni Faculty President Macario Ayala sa mga kawani ng pagtuturo.