09/09/2020
" Ang pandemyang mahirap wakasan."
Ang paggamit ng ating sariling wika ay ang pinaka matalinong paraan upang maipahayag ang ating mga sa loobin o opinyon sa pandemyang kasalukuyang kinakatakutan natin ngayung panahon.Ito ang mag sisilbing daan upang maimulat natin ang mga kapwa pilipino patuloy na nag susumikap at lumalaban sa hamon ng buhay , kahit pag masdan ang mga nakasanayan,hindi ba't hindi na natin na gagawa sa kasalukuyan?Mga kabuhayan ng mga tao hindi na mailarawan,may mga tanong na kung papaano na ito nawawakasan sapagkat walang bakuna na siyang magiging lunas .Ang pandemyang ito hindi natin masabi o magawang itaboy sa ating sarili regulasyon at paalala na dapat sundin mula sa mga doktor na nagsisilbing bayani sa atin. Kayat makakatulong ang wika sa pamamagitan ng pag kikipag-ugnayan at pamamahagi ng kaalaman sa mga pangyayari sa ating paligid. Gamit ang wika maibabahagi ng mga doktor o may mga sapat na kaalaman tungkol sa pandemyang ang mga impormasyon kung paano natin maiwasan ang sakit na wala pang lunas na kung tawagin ay COVID-19 na siyang nag sisilbing bangungot sa atin.
Ating kaalaman ay paunlarin, pakikipag-ugnayan ay palawakin. Ano mang pandemya ang ating harapin wika ang tutulong sa atin.
# Congratulations Mary Shaliana Sabino💗