11/12/2025
COTABATO PROVINCE — Matagumpay, makulay, at kapana-panabik ang opisyal na pagbubukas ng Cotabato Provincial Athletic Meet 2025, ngayong araw, December 10, na ginanap sa Cotabato Provincial Complex, Amas, Kidapawan Coty. Ito ay dinaluhan ng libo-libong mga delegado na binubuo ng atleta, coaches, at opisyal mula sa iba’t ibang distrto ng probinsya ng Cotabato.
Nagsimula ang kaganapan sa parada ng mga delegasyon. Ipinagmalaki ng bawat distrito ang kanilang kulay, lakas, at pagkakaisa, suot ang kani-kanilang uniporme at may pagmamalaking hawak ang bandila ng kanya-kanyang distritong kanilang kinakatawan. Umalingawngaw ang palakpakan at hiyawan habang isa-isang pumasok sa oval ang mga atleta na puno ng pag-asa at determinasyon para sa palaro.
Buong pagmamalaki namang ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa Bulakanon National High School-Special Program in the arts ang kanilang talento at husay, at galing sa pag-awir ng panalangin, pambansang awit, at Cotabato Hymn. Agad itong sinundan ng isang pasabog na opening salvo na isanagawa pa rin ng nasabing paaralan. Isa-isa namang ipinakita ng bawat delegado mula sa District 1-3 at COPRISAA ang kanilang mga saludo bilang pagbibigay-pugay sa nasabing patimpalak.
Sinundan ito ng pambungad na mensahe mula kay Cotabato Province Sports Head, G. Kerwin Pacifico na nagpaalala sa lahat ng mga atleta tungkol sa pagkilala bawat isa bilang kalaro at hindi katunggali na nagbigay-pugay sa dedikasyon ng kabataang manlalaro at nagpahalaga sa layunin ng palaro, ang pagtuklas ng talento, paghubog ng disiplina, at pagpapalakas ng pagkakaisa ng bawat komunidad.
Binigyang-diin naman ni Governor Emmylou "Lala” Taliño-Mendoza sa kanyang menshae ang kahalagahan ng fair play at paggalang sa kapwa manlalaro.
Isa sa mga tampok ng programa lighting of the friendhip urn, na pinangunahan ng tatlong outstanding athletes ng probinsya na sina Palarong Pambansa Gold Medalist: Ronald M Cabaya para sa boxing, Batang Pinoy Bronze Medalist: Narico Hacim C. Laquihon para sa baseball, at Batang Pinoy Bronze Medalist: Roy B. Dela para sa Arnis. Ang nagliliyab na apoy ay nagsilbing simbolo ng lakas, pag-asa, at walang-humpay na pagsusumikap ng mga kalahok.
Ipinakita naman ng mga atleta at officials ang kanilang katuwiran at dedikasyon sa pamamagitan ng panunumpa ng katapatan, na nagpatibay sa kanilang pangako sa integridad at patas na kompetisyon sa mga susunod pang paligsahang gaganapin.
Bilang pagtatapos, buong pusong nagpasalamat sa mga opisyal, g**o, at mga atleta ang Schools Division Superintendent Romelito G. Flores, CESO V sa kanilang walang-sawang suporta sa nasabing aktibidad at idinideklara ang opisyal na pagbubukas ng 50th Cotabato Provincial Meet 2025, na sinabayan ng masigabong palakpakan at pagbugso ng musika na mas lalong nagliyab sa diwa ng kompetisyon, habang inihahanda ng bawat atleta ang sarili para sa kani-kanilang laban sa mga susunod na araw.
Sa likod ng tagumpay na pagbubukas na ito, naging mahalaga ang gampanin ng ilang mga g**o mula sa Kabacan National High School kasama ang kaguruan mula sa Magpet National High School bilang bahagi ng Technical Working Group sa pamumuno ng aktibong punongg**o nito na si G. Jasper L. Lobaton na tulong-tulong upang maisakapatuparan ang isang mahusay na pagbubukas ng palaro. Tulad ng inaasahan, ang pagbubukas ng Provincial Athletic Meet 2025 ay isang kaganapang hindi lamang tungkol sa paghabol ng medalya, kundi tungkol sa paghubog ng karakter, pagkakaibigan, at pagkakaisang tunay na maipagmamalaki ng buong lalawigan.
✍️ | Al Amir D. Buday