01/04/2026
๐๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฉ: 637 ๐๐๐ ๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐๐, ๐๐๐ง๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ ๐ญ๐จ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ
Kasabay ng maalinsangang panahon, binuksan ang programa ng mainit na pagbati para sa mga nagsipagtapos sa ika-9 na Senior High School Commencement Exercises na idinaos noong Marso 30, 2025 at ginanap sa USM Auditorium Kabacan, Cotabato.
โ
โSa pormal na pagsisimula ng seremonya, dumalo ang hindi bababa sa 637 mag-aaral mula sa Science, Technology, Engineering, & Mathematics (STEM), Accountancy, Business & Management (ABM), Humanities and Social Science (HUMSS) strands, at Technical-Vocational-Livelihood (TVL) track. Kalakip ng isinagawang pamamahagi ng diploma, paggawad ng mga karangalan, at pagbibigay ng mga espesyal na pagkilala sa mga natatanging mag-aaral na nagpakita ng kahusayan sa ibaโt ibang larang ng pagkatuto.
โ
โKinilala naman bilang Top of the Class ang mag-aaral mula sa HUMSS strand na si Yusoph A. Galangan, na naatasang maghatid ng appreciation message. Sa kanyang talumpati, ipinaabot niya ang pasasalamat sa kanyang mga magulang, mga g**ong gumabay, at kapwa nagtapos. Binigyang-diin din niya na hindi naging hadlang ang kaniyang pagiging tahimik at mahiyain sa klase upang abutin ang pinakamataas na marka.
โ
Nagsilbing Speaker ang alumnus ng paaralan na si G. Basser Lidasan Mamalac PhD, at ibinahagi ang karanasan na kailanman hindi naging balakid ang mga pagsubok sa kaniyang buhay upang makamit ang kaniyang mga pangarap. Aniya, โMy journey has been a significant turning point in my life; despite the hardships I faced as an underprivileged individual, I never allowed them to hinder me from pursuing and achieving my dreams.โ
Sa kanyang makahulugang mensahe, ibinahagi naman ni Rommelito G. Flores, CESO V, ang kahalagahan ng pagpupunyagi, disiplina, at matibay na paninindigan sa pag-abot ng mga pangarap. Binigyang-diin niya ang katagang โMake a difference,โ bilang Isang paalala na ang bawat isa ay may kakayahang magdulot ng positibong pagbabago sa kanilang buhay.
Samantala, umapaw ang emosyon sa ginanap na Tribute to Parents nang buong pusong nagpasalamat ang mga nagtapos sa kanilang mga magulang at tagapag-alaga.
Kasunod nito, pinangunahan ni Riccah May C. Balingway mula sa ICT strand ang Pledge of Loyalty bilang panata ng mga nagtapos sa paaralan.
Nagwakas ang aktibidad sa pamamagitan ng isang makabuluhang pananalita mula sa punong-g**o na si Jasper L. Lobaton, P-IV. Ginawaran din ang ibaโt ibang stakeholders ng paaralan bilang pagkilala sa kanilang naging mahalagang konstribusyon sa pagpapaunlad ng KNHS.
Sa pagtatapos ng seremonya, bitbit ng bawat nagtapos ang kanilang mga diplomaโhindi lamang bilang katibayan ng akademikong tagumpay, kundi bilang pasaporte sa susunod na yugto ng kanilang buhay. Ang matagumpay na pagtatapos na ito ay nagsisilbing simula ng bagong yapak sa buhay ng mga nagsipagtapos ng KNHS Class of 2026.
โ๏ธ | Almera Uyasan, Renz Aljer Aguilar, Fadal Amulan