01/07/2026
SCHOOL SAFETY AND WELFARE PROGRAM I JULY 1, 2026
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng isang ligtas at mapagkalingang kapaligiran sa paaralan, matagumpay na isinagawa ng Lower Paatan Elementary School ang SCHOOL SAFETY AND WELFARE PROGRAM sa Lower Paatan ES Covered Court.
Pinangunahan ng paaralan ang programa kasama ang iba't ibang stakeholder mula sa lokal na pamahalaan, law enforcement agencies, at komunidad upang higit pang mapalakas ang koordinasyon at sama-samang responsibilidad sa pangangalaga sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Dumalo sa nasabing programa sina Vice Mayor Herlo P. Guzman Jr., Czar, kinatawan ng Sangguniang Bayan, Philippine National Police, mga Barangay Captain ng Kabacan, Kabacan Public Schools District Supervisors, mga opisyal ng BLGU Lower Paatan, mga Purok President, BPAT, SPTA Officials, mga magulang, at mga g**o.
Sa Statement of Purpose, binigyang-diin ni Gng. Rodelyn C. Martin, P-I, ang kahalagahan ng pagtutulungan ng paaralan at komunidad sa pagpapanatili ng isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa pagkatuto ng bawat bata.
Nagbahagi naman ng Message of Commitment si Vice Mayor Herlo P. Guzman Jr., Czar, kung saan kanyang pinagtibay ang suporta ng lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad ng komunidad. Ipinaliwanag din ni PTLCol April Lou M. Palma, Chief of Police of Kabacan, ang konsepto ng "Ring of Protection," na naglalayong palakasin ang ugnayan ng pamilya, paaralan, komunidad, at mga ahensiya ng pamahalaan upang higit na maprotektahan ang mga kabataan laban sa iba't ibang panganib.
Naghatid din ng mensahe ng suporta si Hon. Many P. Pedtamanan, kinatawan ng Sangguniang Bayan, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng bawat sektor sa pagsusulong ng kapakanan ng mga mag-aaral.
Sa Closing Message, hinikayat ni Hon. Baltazar M. Carigay, Committee on Education, ang lahat ng stakeholder na ipagpatuloy ang aktibong pakikilahok at pakikipagtulungan upang maisulong ang isang ligtas, inklusibo, at child-friendly na paaralan.
Sa pamamagitan ng programang ito, muling pinagtibay ng Lower Paatan Elementary School ang pangako nitong isulong ang kultura ng kaligtasan, disiplina, at malasakit sa tulong ng matatag na ugnayan ng paaralan, pamilya, komunidad, at mga katuwang na ahensya.