12/12/2025
๐๐๐๐, ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐ข๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ญ ๐๐จ๐ฌ๐ญ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐ฐ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ญ๐ก ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐๐ข๐๐ฅ ๐๐๐๐ญ ๐๐๐๐
DISYEMBRE 12, 2025 - Iginawad sa Kabacan National High School ang parangal na Best Host School sa natatanging paaralan na nagbahagi ng kanilang serbisyo, pagtutok sa seguridad at kaayusan ng pananatili ng bawat atleta, mga tagapayo, mga opisyal ng delegasyon, mga magulang na bumubuo sa delegasyon ng Congressional District 1 bilang billeting quarter nitong Disyembre siyam hanggang 12 kaugnay sa 50th Provincial Meet 2025.
Isang karangalan na kilalanin at mapagtagumpayan ang naturang parangal na puspusang pinaghandaan ng bawat komite ng paaralan na pinangunahan ni G. Jasper Lobaton, P-IV, kaagpay sina G. Suharto Buisan at G. Mario Corpuz sa pakikipatulungan ng KNHS โ PTA Officers sa pangunguna ni G. Vicente Rivas maging ang aktibong pagresponde ng lokal na pamahalaan ng Kabacan pamamagitan ni Mayor Evangeline Pascua-Guzman kabilang ang hanay ng PNP at BFP upang masigurado ang kalidad serbisyo na matamasa ng delegasyon ng CD 1 na kinabibilangan ng munisipalidad ng Pikit, Pigkawayan, Aleosan, Libungan, Midsayap, at Alamada.
Ibinahagi ni G. Lobaton sa faculty and staff ng KNHS ang makabuluhang winika ng isang kilalang pangulo sa pagbibigay nito ng sigasig at inspirasyon sa kanilang mga responsibilidad sa kasagsagan ng preparasyon at pagiging punong abala sa mga gawain kaugnay sa palarong panlalawigan.
โAsk not what your country can do for you, โ ask what you can do for your country ." - President John F. Kennedy
Sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagkakaisa at dedikasyon ng Kabacan National High School, LGU Kabacan at sa lahat ng naging kabahagi ng tagumpay na ito ipinagmamalaking naiuwi ng paaralan ang Best Host School Award sa Palarong Panlalawigan 2025.
โ๏ธ | Jesza Lou Paguirigan