27/09/2026
๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ-๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ
๐๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ญ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ช ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ, ๐ฏ๐จ๐ถ๐ฏ๐ช๐ต ๐ฎ๐ข๐บ ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐บ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฌ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ฌ๐ข๐ตโ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ช๐ญ๐บ๐ข. ๐๐ต ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐บ ๐ด๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masagana ang hapag at minsan ay kailangang magtipid. Lahat naman tayo sig**o ay nakaranas na ng ganito. Pero kailanman ay hindi nito nababawasan ang saya at pagmamahalan sa loob ng tahanan ng isang pamilyang nananatiling magkasama. Maaaring mahal ang bigas, pati lata ng sardinas, ngunit sa pamilyang nagmamahalan, nananatiling masagana ang tahanan.
Sapagkat ang tunay na kayamanan ay hindi lamang nakikita at nasusukat sa kung ano ang nakahain sa hapag, bagkus sa mga taong kasalo ritoโmga taong nagbibigay-lakas sa atin upang bumangon at magpatuloy, mga taong nagbibigay-kulay sa bawat ordinaryong araw. Kapag nandiyan sila ay napapangiti ka bigla. Salamat sa kanila kahit ang simpleng hain ay tila napakalaking biyaya.
Sa pagdiriwang ng Family Day ngayong Setyembre 28, ipinapaalala na hindi nasusukat sa dami ng mayroon ang isang pamilya ang yaman ng tahanan, dahil ang tunay na yaman ay ang pagmamahal at pananatili sa hirap at ginhawa.
Dahil kahit anong hirap ang dumating, mayaman pa rin ang pamilyang may isa't isa.
๐ผ๏ธ: Lj Matthew Pelicano
โ๏ธ: Melanie Restor