DepEd JPNHS Diwa ng Kabataan

DepEd JPNHS Diwa ng Kabataan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd JPNHS Diwa ng Kabataan, School, Jose Panganiban National High School, Jose Panganiban.

ᜊᜓᜏᜈ᜔ ᜅ᜔ ᜏᜒᜃᜅ᜔ ᜉᜋ᜔ᜊᜈ᜔ᜐ𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝗪𝗜𝗞𝗔𝗯𝗼𝘀𝗶𝘆𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟲Ipamalas ang husay sa paggamit ng wikang Filipino s...
20/07/2026

ᜊᜓᜏᜈ᜔ ᜅ᜔ ᜏᜒᜃᜅ᜔ ᜉᜋ᜔ᜊᜈ᜔ᜐ
𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝗪𝗜𝗞𝗔𝗯𝗼𝘀𝗶𝘆𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟲

Ipamalas ang husay sa paggamit ng wikang Filipino sa pamamagitan ng WIKAbosiya 2026, isang patimpalak na naglalayong palawakin ang kamalayan sa kontemporaneong isyung panlipunan sa pamamagitan ng paglikha ng makabuluhang nilalaman sa sosyal midya. Layunin nitong gamitin ang wikang Filipino bilang daluyan ng wastong impormasyon, mapanuring pag-iisip, at makabuluhang adbokasiya. 🧡

𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐋𝐈𝐓𝐔𝐍𝐓𝐔𝐍𝐈𝐍:

- Ang bawat pangkat ay dapat binubuo ng 3–4 na kasapi. Maaaring magmula sa magkakaibang seksyon ngunit dapat ay nasa iisang baitang.
- Limang (5) pangkat lamang ang tatanggapin sa bawat baitang.
- Isasagawa ang mga patimpalak sa loob ng apat (4) na linggo ng buwan ng Agosto. Ang opisyal na tema ng bawat patimpalak ay ipalalabas at ipaaalam sa mga susunod na linggo. Mangyaring antabayanan ang mga susunod na anunsiyo para sa kaukulang detalye.
- Ang bawat kinalabasan ay dapat na nakasulat sa wikang Filipino at isumite sa itinakdang araw ng bawat linggo.
- Madidiskuwalipika ang pangkat na hindi magiging konsistent sa paglalathala ng kanilang mga kinalabasan sa itinakdang iskedyul.
- Sariling kagamitan (hal.teleponong selular ) ang gagamitin ng mga kalahok.

𝗣𝗲𝘁𝘀𝗮: Buong buwan ng Agosto 2026

𝐌𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐡𝐨𝐤: Mga mag-aaral ng JPNHS (3–4 miyembro bawat pangkat)
𝐇𝐮𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐫𝐞𝐡𝐢𝐬𝐭𝐫𝐨/𝐏𝐚𝐠𝐬𝐮𝐬𝐮𝐦𝐢𝐭𝐞: Agosto 01, 2026

𝐆𝐮𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚: Femie De Leon
𝐓𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬𝐢𝐰𝐚: Opisyales ng Diwa ng Kabataan

𝐊𝐀𝐖𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐆𝐎𝐎𝐆𝐋𝐄 𝐅𝐎𝐑𝐌:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSe9eVKZkE1gJkKYB9M9Q6daLpnuQEUfrETvazUV6420ixxGbw/viewform

Gamitin ang iyong tinig at pagkamalikhain upang maipahayag ang makabuluhang adbokasiya sa pamamagitan ng wikang Filipino. 𝑺𝒂𝒎𝒂-𝒔𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒖𝒍𝒐𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒎𝒂𝒍𝒂𝒚𝒂𝒏, 𝒌𝒂𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏, 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒈𝒎𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒔𝒂 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒎𝒃𝒂𝒏𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒘𝒊𝒌𝒂 𝒔𝒂 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐛𝐨𝐬𝐢𝐲𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟔. 🏵️🎏

𝑻𝒂𝒓𝒂 𝒏𝒂 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒌𝒊𝒊𝒔𝒂 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒅𝒊𝒓𝒊𝒘𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒈 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟔! 🇵🇭





ᜊᜓᜏᜈ᜔ ᜅ᜔ ᜏᜒᜃᜅ᜔ ᜉᜋ᜔ᜊᜈ᜔ᜐ𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝗟𝗔𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗛𝗜Balikan at buhayin ang mga 𝘁𝗿𝗮𝗱𝗶𝘀𝘆𝘂𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗹𝗮𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽...
20/07/2026

ᜊᜓᜏᜈ᜔ ᜅ᜔ ᜏᜒᜃᜅ᜔ ᜉᜋ᜔ᜊᜈ᜔ᜐ
𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝗟𝗔𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗛𝗜

Balikan at buhayin ang mga 𝘁𝗿𝗮𝗱𝗶𝘀𝘆𝘂𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗹𝗮𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝘀𝗮 𝗟𝗮𝗿𝗼 𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗵𝗶 𝟮𝟬𝟮𝟲! Layunin ng patimpalak na ito na paigtingin ang pagkakaisa, pagtutulungan, at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mga larong naging bahagi ng ating pagkabata. 🧡🇵🇭

𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐋𝐈𝐓𝐔𝐍𝐓𝐔𝐍𝐈𝐍:
• Ang bawat pangkat ay bubuuin ng 10 kasapi kasama ang kanilang tagapayo.
• Ang mga seksiyon o pangkat na ang tagapayo ay g**o sa Filipino ay maaaring kumuha ng isang g**ong makakasama sa timpalak (g**ong hindi tagapayo).
• Ang pangkat na may pinakamataas na puntos ang siyang tatanghaling kampeon at makatatanggap ng premyo.
• Mga larong paglalahukan: Kadang-kadang, Sipa, Jack N Poy, Gulong, Bao, Sako, at Batuhang Bola.

𝗣𝗲𝘁𝘀𝗮: Setyembre 2, 2026
𝗢𝗿𝗮𝘀: 8:00 ng umaga – 10:00 ng umaga
𝗟𝘂𝗴𝗮𝗿: Tennis Court
𝗠𝗴𝗮 𝗞𝗮𝗹𝗮𝗵𝗼𝗸: Mga mag-aaral at g**o
𝗛𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗿𝗲𝗵𝗶𝘀𝘁𝗿𝗼/𝗣𝗮𝗴𝘀𝘂𝘀𝘂𝗺𝗶𝘁𝗲: Agosto 01, 2026

𝐓𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬𝐢𝐰𝐚: Opisyales ng Diwa ng Kabataan
𝐆𝐮𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚: Mga G**o sa Asignaturang Filipino ng Baitang 11

𝐊𝐀𝐖𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐆𝐎𝐎𝐆𝐋𝐄 𝐅𝐎𝐑𝐌:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSe9eVKZkE1gJkKYB9M9Q6daLpnuQEUfrETvazUV6420ixxGbw/viewform

𝑯𝒂𝒍𝒊𝒏𝒂 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒌𝒊𝒃𝒂𝒉𝒂𝒈𝒊 𝒔𝒂 𝐋𝐚𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐡𝐢 𝟐𝟎𝟐𝟔! Sama-sama nating ipagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa sa pamamagitan ng mga larong sumasalamin sa ating kultura, pagkakaisa, at pagiging tunay na Pilipino. Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng masaya at makabuluhang pagdiriwang na ito! 🎏🤎





ᜊᜓᜏᜈ᜔ ᜅ᜔ ᜏᜒᜃᜅ᜔ ᜉᜋ᜔ᜊᜈ᜔ᜐ𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝗠𝗔𝗦𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗨𝗞𝗨𝗪𝗘𝗡𝗧𝗢Ang masining na pagkukuwento ay ang pagsas...
20/07/2026

ᜊᜓᜏᜈ᜔ ᜅ᜔ ᜏᜒᜃᜅ᜔ ᜉᜋ᜔ᜊᜈ᜔ᜐ
𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝗠𝗔𝗦𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗨𝗞𝗨𝗪𝗘𝗡𝗧𝗢

Ang masining na pagkukuwento ay ang pagsasalaysay ng isang kuwento sa malikhaing at artistikong paraan. Nabibigyang-buhay nito ang mga pangyayari at tauhan sa pamamagitan ng mabisang paggamit ng tinig, tono, at galaw ng katawan. Layunin nitong maihatid nang malinaw at makabuluhan ang mensahe, aral, at damdamin ng kuwento sa mga tagapakinig. 🧡🇵🇭

𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐋𝐈𝐓𝐔𝐍𝐓𝐔𝐍𝐈𝐍:

• Ang bawat baitang ay dapat na may isumite na kuwentong pambata na likha ng g**o sa mula sa Filipino Departmento.
• Ang isinumiteng kuwentong pambata ay gagamiting piyesa ng kanilang kinatawan sa timpalak.
• Ang 50% ng marka ay magmumula sa piyesang likha ng g**o samantalang ang natitirang 50% ay manggagaling naman sa pagtatanghal ng mag-aaral.
• Inaasahan na may kinatawan ang bawat baitang para sa timpalak na ito.
• Ang piyesa ay dapat na saulado ng mga kalahok.
• Hinihikayat ang mga kalahok na gumamit ng mikroponong ikinakabit sa kuwelyo at iba pang kagamitang makatutulong sa kanilang pagtatanghal.
• May 20 minuto lamang ang bawat kalahok upang maisagawa ang masining na pagkukuwento.
• Ang tatlumpung mga mag-aaral na kabilang sa Aral Program mula sa baitang 7 ang magiging awdyens.

𝗣𝗲𝘁𝘀𝗮: Setyembre 02, 2026
𝗢𝗿𝗮𝘀: 8:00 ng umaga -10:00 ng umaga
𝗟𝘂𝗴𝗮𝗿: Silid-aralan ng 10- Obedient
𝗠𝗴𝗮 𝗞𝗮𝗹𝗮𝗵𝗼𝗸: Bawat baitang
𝗛𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗿𝗲𝗵𝗶𝘀𝘁𝗿𝗼/𝗣𝗮𝗴𝘀𝘂𝘀𝘂𝗺𝗶𝘁𝗲: Agosto 01, 2026

𝐓𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬𝐢𝐰𝐚: Opisyales ng Diwa ng Kabataan
𝐆𝐮𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚: Mga G**o sa Asignaturang Filipino ng Baitang 9

𝐊𝐀𝐖𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐆𝐎𝐎𝐆𝐋𝐄 𝐅𝐎𝐑𝐌:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSe9eVKZkE1gJkKYB9M9Q6daLpnuQEUfrETvazUV6420ixxGbw/viewform

Nais mo bang maipakita at ilantad ang iyong talento sa pag kwento? Halina't ipakita ang husay at damdamin sa pag kwekwento! 📖
Paano ito gagawin? Maghanda ng sarili mong kwento maaring mula sa ating mga kuwentong pambayan o sarili mong likha. Kaya ano pa ang iyong hinihintay? Halina't sumali mga kaibigan! 🎏🤎





ᜊᜓᜏᜈ᜔ ᜅ᜔ ᜏᜒᜃᜅ᜔ ᜉᜋ᜔ᜊᜈ᜔ᜐ𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝗗𝗘𝗕𝗔𝗧𝗘𝗦𝗮 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗮𝗿𝗴𝘂𝗺𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝗻𝗱...
20/07/2026

ᜊᜓᜏᜈ᜔ ᜅ᜔ ᜏᜒᜃᜅ᜔ ᜉᜋ᜔ᜊᜈ᜔ᜐ
𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝗗𝗘𝗕𝗔𝗧𝗘

𝗦𝗮 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗮𝗿𝗴𝘂𝗺𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝘆 𝗸𝗮𝘁𝘂𝘄𝗶𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝘄𝗮𝗸𝗮𝗻. 🇵🇭

Ito ang diwang isinusulong ng Patimpalak sa Debate, kung saan nagtatagisan ng mga argumento ang dalawang magkasalungat na panig tungkol sa isang itinakdang paksa. Layunin nitong hubugin ang mga mag-aaral na maipahayag at maipagtanggol ang kanilang mga paninindigan sa pamamagitan ng lohikal na pangangatwiran.🧡

𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐋𝐈𝐓𝐔𝐍𝐓𝐔𝐍𝐈𝐍
• Bukas ang patimpalak sa lahat ng baitang.
• Isang (1) pangkat lamang ang maaaring kumatawan sa bawat baitang.
• Bawat pangkat ay bubuuin ng tatlong (3) miyembro.
• Gagamitin ang 𝗠𝗼𝗱𝗶𝗳𝗶𝗲𝗱 𝗢𝘅𝗳𝗼𝗿𝗱–𝗢𝗿𝗲𝗴𝗼𝗻 na pormat ng debate.
• Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi na mapasusubalian.

𝗣𝗲𝘁𝘀𝗮: Setyembre 2, 2026
𝗢𝗿𝗮𝘀: 8:00–10:00 n.u.
𝗟𝘂𝗴𝗮𝗿: Bldg. 21, Room 1, Classroom 47 (Silid ni Ma'am Flordeliza Racho)

𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐀𝐇𝐎𝐊:
Isang (1) pangkat na binubuo ng tatlong (3) miyembro mula sa bawat baitang.

𝐇𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐑𝐄𝐇𝐈𝐒𝐓𝐑𝐎 / 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐔𝐒𝐔𝐌𝐈𝐓𝐄:
Agosto 1, 2026

𝐓𝐀𝐆𝐀𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐒𝐈𝐖𝐀:
Opisyales ng Diwa ng Kabataan
𝐆𝐔𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀:
Mga G**o sa Filipino ng Baitang 9

𝐊𝐀𝐖𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐆𝐎𝐎𝐆𝐋𝐄 𝐅𝐎𝐑𝐌:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSe9eVKZkE1gJkKYB9M9Q6daLpnuQEUfrETvazUV6420ixxGbw/viewform

Bawat panig ay may kuwentong kailangang marinig.
Sa iyo kaya ang panig na mananaig?
Huwag maging tagapanood ng laban—maging dahilan ng tagumpay.
Bumuo ng inyong pangkat at makilahok sa Debate ngayong Buwan ng Wikang Pambansa 2026! 🎏🤎





ᜊᜓᜏᜈ᜔ ᜅ᜔ ᜏᜒᜃᜅ᜔ ᜉᜋ᜔ᜊᜈ᜔ᜐ𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝗧𝗔𝗟𝗨𝗠𝗣𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗜-𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔Sa husay ng pag-iisip at galing sa pagpapahaya...
19/07/2026

ᜊᜓᜏᜈ᜔ ᜅ᜔ ᜏᜒᜃᜅ᜔ ᜉᜋ᜔ᜊᜈ᜔ᜐ
𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝗧𝗔𝗟𝗨𝗠𝗣𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗜-𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔

Sa husay ng pag-iisip at galing sa pagpapahayag nasusukat ang isang mahusay na tagapagsalita. Sa Patimpalak sa Talumpating Di-Handa, haharap ang mga kalahok sa hamon ng agarang pagbubuo at pagbigkas ng talumpati tungkol sa isang paksa na kanilang mabubunot. Layunin nitong malinang ang tiwala sa sarili, kritikal na pag-iisip, at kahusayan sa paggamit ng wikang Filipino sa harap ng madla. 🧡

𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐋𝐈𝐓𝐔𝐍𝐓𝐔𝐍𝐈𝐍
• Bukas ang patimpalak sa lahat ng baitang.
• Isang (1) kinatawan lamang ang maaaring lumahok mula sa bawat baitang.
• Mula sa pagbunot ng paksa ay tatlong (3) minuto lamang ang ilalaan sa paghahanda.
• Tatlo (3) hanggang limang (5) minuto ang itinakdang oras ng pagtatalumpati.
• Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi na mapasusubalian.

𝐏𝐄𝐓𝐒𝐀: Setyembre 2, 2026
𝐎𝐑𝐀𝐒: 8:00–10:00 n.u.
𝐋𝐔𝐆𝐀𝐑: LRC Kubo

𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐀𝐇𝐎𝐊:
Isang (1) kinatawan mula sa bawat baitang.

𝐇𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐑𝐄𝐇𝐈𝐒𝐓𝐑𝐎 / 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐔𝐒𝐔𝐌𝐈𝐓𝐄:
Agosto 1, 2026

𝐓𝐀𝐆𝐀𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐒𝐈𝐖𝐀:
Opisyales ng Diwa ng Kabataan
𝐆𝐔𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀:
Mga G**o sa Filipino ng Baitang 7

𝐊𝐀𝐖𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐆𝐎𝐎𝐆𝐋𝐄 𝐅𝐎𝐑𝐌:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSe9eVKZkE1gJkKYB9M9Q6daLpnuQEUfrETvazUV6420ixxGbw/viewform

Hindi kailangan ng mahabang paghahanda upang maipakita ang tunay na husay. Isang paksa, ilang minutong paghahanda, at isang pagkakataong magningning. Ipamalas ang iyong talino, kumpiyansa, at galing sa pagsasalita. Makilahok sa Talumpating Di-Handa ngayong Buwan ng Wikang Pambansa 2026! 🎏🤎





ᜊᜓᜏᜈ᜔ ᜅ᜔ ᜏᜒᜃᜅ᜔ ᜉᜋ᜔ᜊᜈ᜔ᜐ𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗔𝗬𝗦𝗔𝗬“𝙎𝙖 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙨𝙖𝙣𝙖𝙮𝙨𝙖𝙮, 𝙢𝙖𝙮 𝙠𝙬𝙚𝙣𝙩𝙤 𝙣𝙜 𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙡𝙖𝙡𝙞...
19/07/2026

ᜊᜓᜏᜈ᜔ ᜅ᜔ ᜏᜒᜃᜅ᜔ ᜉᜋ᜔ᜊᜈ᜔ᜐ
𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗔𝗬𝗦𝗔𝗬

“𝙎𝙖 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙨𝙖𝙣𝙖𝙮𝙨𝙖𝙮, 𝙢𝙖𝙮 𝙠𝙬𝙚𝙣𝙩𝙤 𝙣𝙜 𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙡𝙖𝙡𝙞𝙢 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙣𝙖𝙬.” ✍️🇵🇭

Ang pagsusulat ng sanaysay ay hindi lamang pagsasama-sama ng mga salita—ito ay isang malikhaing paraan upang maipahayag ang malawak na pananaw, saloobin, at punto de vista tungkol sa isang mahalagang paksa. Sa pamamagitan ng panulat, nabibigyang-buhay ang mga ideya at naipapakita ang husay sa paggamit ng wikang Filipino. 🧡

𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐋𝐈𝐓𝐔𝐍𝐓𝐔𝐍𝐈𝐍

• Bukas ang patimpalak sa mga piling kalahok mula sa bawat baitang.
• Ang paksa ay dapat nakabatay sa tema ng Buwan ng Wika 2026.
• Ang sanaysay ay kinakailangang orihinal, nasa wikang Filipino, at hindi pa nailalathala o naisalin mula sa ibang wika.
• Dapat sundin ang itinakdang mekaniks at tatlong bahagi ng sanaysay: introduksiyon, lawas, at konklusyon.

𝐏𝐄𝐓𝐒𝐀: Setyembre 2, 2026
𝐎𝐑𝐀𝐒: 8:00–9:00 n.u.
𝐋𝐔𝐆𝐀𝐑: Silid-Aklatan

𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐀𝐇𝐎𝐊:
Bukas ang patimpalak sa bawat baitang.
𝐇𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐑𝐄𝐇𝐈𝐒𝐓𝐑𝐎 / 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐔𝐒𝐔𝐌𝐈𝐓𝐄:
Agosto 1, 2026

𝐓𝐀𝐆𝐀𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐒𝐈𝐖𝐀:
Opisyales ng Diwa ng Kabataan
𝐆𝐔𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀:
Mga G**o sa Filipino ng Baitang 7

𝐊𝐀𝐖𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐆𝐎𝐎𝐆𝐋𝐄 𝐅𝐎𝐑𝐌:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSe9eVKZkE1gJkKYB9M9Q6daLpnuQEUfrETvazUV6420ixxGbw/viewform

Halina at makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026! Ipakita ang husay sa pagsusulat, ipahayag ang iyong pananaw, at hayaang ang bawat salita ay maging tinig ng iyong kaisipan at pagmamahal sa wikang Filipino. 🎏🤎





ᜊᜓᜏᜈ᜔ ᜅ᜔ ᜏᜒᜃᜅ᜔ ᜉᜋ᜔ᜊᜈ᜔ᜐ𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗔“𝙎𝙖 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙩𝙖𝙡𝙪𝙙𝙩𝙤𝙙, 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙬𝙞𝙠𝙖, 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙮𝙨𝙖𝙮𝙖𝙣, 𝙖𝙩...
19/07/2026

ᜊᜓᜏᜈ᜔ ᜅ᜔ ᜏᜒᜃᜅ᜔ ᜉᜋ᜔ᜊᜈ᜔ᜐ
𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗔

“𝙎𝙖 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙩𝙖𝙡𝙪𝙙𝙩𝙤𝙙, 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙬𝙞𝙠𝙖, 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙮𝙨𝙖𝙮𝙖𝙣, 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙠𝙖𝙠𝙞𝙡𝙖𝙣𝙡𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣.” 📝🇵🇭

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, inaanyayahan ang lahat na ipamalas ang husay sa Patimpalak sa Pagsulat ng Tula. Sa pamamagitan ng bawat saknong at taludtod, maipahahayag ang pagmamahal sa wikang Filipino, pagpapahalaga sa ating kultura, at mga adhikaing nagbibigay-inspirasyon sa bawat Pilipino. Gawing daluyan ng damdamin at pagkamalikhain ang panulaan sa pagdiriwang ng ating pambansang wika. 🧡

𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐋𝐈𝐓𝐔𝐍𝐓𝐔𝐍𝐈𝐍

- Ang paksa ng tula ay nakasentro sa tema ng Buwan ng Wika 2026.
- Bukas ang patimpalak sa bawat baitang.
- Isa hanggang 2 mag-aaral lamang ang ipapadalang kalahok mula sa ginanap na eliminasyon ng mga g**o sa bawat baitang.
- Inaasahan na may kinatawan ang bawat seksyon para sa timpalak na ito.
- Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdala ng cellphone sa oras ng patimpalak.
- Nasa wikang Filipino, Bikol, Manide, at/o ibang wikang katutuboang lahok.
- Dalawang oras ang nakatalaga sa paglikha ng lahok.

𝐏𝐄𝐓𝐒𝐀: Setyembre 2, 2026
𝐎𝐑𝐀𝐒: 8:00–12:00 nu at 1:00-2:00 nh
𝐋𝐔𝐆𝐀𝐑: Silid-Aklatan

𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐀𝐇𝐎𝐊:
Isang (1) hanggang dalawa (2) kinatawan mula sa bawat baitang.
𝐇𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐑𝐄𝐇𝐈𝐒𝐓𝐑𝐎 / 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐔𝐒𝐔𝐌𝐈𝐓𝐄:
Agosto 1, 2026

𝐓𝐀𝐆𝐀𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐒𝐈𝐖𝐀:
Opisyales ng Diwa ng Kabataan
𝐆𝐔𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀:
Mga G**o sa Filipino ng Baitang 10

𝐊𝐀𝐖𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐆𝐎𝐎𝐆𝐋𝐄 𝐅𝐎𝐑𝐌:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSe9eVKZkE1gJkKYB9M9Q6daLpnuQEUfrETvazUV6420ixxGbw/viewform

Hayaang maging tinig ang iyong panulat at damdamin! Sumali, makiisa, at ipagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa 2026 sa pamamagitan ng paglikha ng tulang sumasalamin sa ating wika, kultura, at pagkakakilanlan bilang Pilipino. Ipagmalaki ang iyong talento at sama-sama nating buhayin ang diwa ng ating pambansang wika sa bawat taludtod. 🎏🤎




ᜊᜓᜏᜈ᜔ ᜅ᜔ ᜏᜒᜃᜅ᜔ ᜉᜋ᜔ᜊᜈ᜔ᜐ𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝗣𝗜𝗡𝗧𝗔𝗗𝗢𝗦/𝗕𝗘𝗡𝗖𝗛 𝗠𝗨𝗥𝗔𝗟“𝘼𝙣𝙜 𝙜𝙪𝙝𝙞𝙩 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙮 𝙠𝙬𝙚𝙣𝙩𝙤,𝙖𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙠𝙪𝙡𝙖𝙮 𝙖𝙮...
19/07/2026

ᜊᜓᜏᜈ᜔ ᜅ᜔ ᜏᜒᜃᜅ᜔ ᜉᜋ᜔ᜊᜈ᜔ᜐ
𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝗣𝗜𝗡𝗧𝗔𝗗𝗢𝗦/𝗕𝗘𝗡𝗖𝗛 𝗠𝗨𝗥𝗔𝗟

“𝘼𝙣𝙜 𝙜𝙪𝙝𝙞𝙩 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙮 𝙠𝙬𝙚𝙣𝙩𝙤,𝙖𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙠𝙪𝙡𝙖𝙮 𝙖𝙮 𝙨𝙪𝙢𝙖𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙞𝙣 𝙠𝙪𝙡𝙩𝙧𝙖” 🎨🖌️

Ang Pintados o bench mural ay hindi lamang sining sa pader—ito ay simbolo ng pagkakaisa, kasaysayan, at malikhaing diwa ng komunidad. ✨Patunay na sa pamamagitan ng sining, sa paraang pag buo ng ng iba’t-ibang imahe na may kaniya-kaniyang simbolismo at ugnayan angkla sa tema. Ito ay isang bench mural, gagamit ng pintura at brush paint para sa gawaing ito.🧡

𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐋𝐈𝐓𝐔𝐍𝐓𝐔𝐍𝐈𝐍
- Bukas ang patimpalak sa lahat ng baitang.
- Tatlong miyembro lamang bawat baitang ang sumali
- Kung anong pintura, brush, o coating ang dapat gamitin.

𝐏𝐄𝐓𝐒𝐀: Setyembre 2, 2026
𝐎𝐑𝐀𝐒: 8:00–10:00 n.u.
𝐋𝐔𝐆𝐀𝐑: Parke ng Paaralan

𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐀𝐇𝐎𝐊:
Buong antas ng baitang, tatlo(3) representatibo lamang bawat baitang.
𝐇𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐑𝐄𝐇𝐈𝐒𝐓𝐑𝐎 / 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐔𝐒𝐔𝐌𝐈𝐓𝐄:
Agosto 1, 2026

𝐓𝐀𝐆𝐀𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐒𝐈𝐖𝐀:
Opisyales ng Diwa ng Kabataan
𝐆𝐔𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀:
Mga G**o sa Filipino ng Baitang 10

𝐊𝐀𝐖𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐆𝐎𝐎𝐆𝐋𝐄 𝐅𝐎𝐑𝐌:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSe9eVKZkE1gJkKYB9M9Q6daLpnuQEUfrETvazUV6420ixxGbw/viewform

Halina at makiisa sa pagdiriwang upang masaksihan ang kahanga-hangang mga sayaw, at tradisyong nagbibigay-buhay sa ating kasaysayan. Suportahan natin ang Pintados at ipagmalaki ang ating kultura at pagkakakilanlan! 🎏🤎





𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 🇵🇭Muling sumisiklab ang diwa ng pagka-Pilipino sa nalalapit na pagdiriwang ng 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟲! Sa ...
19/07/2026

𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 🇵🇭

Muling sumisiklab ang diwa ng pagka-Pilipino sa nalalapit na pagdiriwang ng 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟲!

Sa temang: “𝑾𝒊𝒌𝒂𝒏𝒈 𝑭𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐 𝒂𝒕 𝑨𝑰: 𝑲𝒂𝒔𝒂𝒏𝒈𝒌𝒂𝒑𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒏𝒂𝒏𝒂𝒍𝒊𝒌𝒔𝒊𝒌 𝒂𝒕 𝑻𝒖𝒍𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝒀𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑰𝒎𝒑𝒐𝒓𝒎𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏.”

Sama-sama nating ipagdiwang ang wikang nagsisilbing puso ng ating kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan. Sa pagharap natin sa makabagong panahon, patuloy nating patutunayan na ang 𝗪𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 ay nananatiling buhay, makabuluhan, at kaagapay ng teknolohiya sa pagpapalawak ng kaalaman.

Naghanda ang 𝐃𝐢𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 ng iba’t ibang patimpalak at gawaing magpapamalas ng talino, pagkamalikhain, at pagmamahal sa ating sariling wika. Kaya’t ihanda ang inyong husay at makiisa sa mga gawaing tiyak na magbibigay-inspirasyon at magpapatingkad sa diwang makabayan.

𝐀𝐛𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐨𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐮𝐧𝐬𝐢𝐲𝐨 𝐚𝐭 𝐦𝐞𝐤𝐚𝐧𝐢𝐤𝐬 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐭𝐢𝐦𝐩𝐚𝐥𝐚𝐤.

𝐓𝐚𝐫𝐚 𝐧𝐚! 𝐒𝐚𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐰𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐚𝐲 𝐬𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐥𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐫𝐚𝐚𝐧, 𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐥𝐮𝐤𝐮𝐲𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐠𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧. 🎏🤎






Address

Jose Panganiban National High School
Jose Panganiban
4606

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd JPNHS Diwa ng Kabataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category