21/08/2026
ANO ANG AFTERSHOCKS?
Ang AFTERSHOCKS ay kasunod na mga pagyanig na kadalasang mas mahina kaysa sa naunang malakas at mapaminsalang lindol o Main Shocks.
Ito ay maaaring maranasan ilang oras, araw, o linggo matapos ang naunang malakas na lindol at karaniwan na ito ay mas marami at mas matagal na inaasahang pagyanig ng lupa.
Maging handa sa anumang oras, iwasan ang mga gusali na may pinsala at alamin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan upang maging ligtas ang bawat isa.