05/08/2026
๐๐๐ญ ๐๐๐ก๐๐๐: Sino ang Totoong Uuunladโang Bayan o ang Bulsa ng Iilan?
Ako, bilang isa sa kabataan, gusto ko rin namang umunlad ang Pilipinas. Sino ba naman ang may ayaw? Gusto ko ng mas maraming trabaho, mas maayos na ekonomiya, at mas magandang kinabukasan. Hindi ako allergic sa salitang โdevelopment.โ Ang allergic ako? Sa development na pang-caption lang pero hindi maramdaman ng ordinaryong tao.
Alam nโyo, may trust issues na talaga ang generation namin. Hindi dahil dramatic kami, kundi dahil ilang beses na naming narinig ang linyang, โPara ito sa bayan.โ Tapos after ilang taon, mapapaisip ka na lang na โWait lang, anong bayan ba ang tinutukoy nila? Kasi parang hindi kami kasali.โ
Minsan nga feeling ko ang development sa Pilipinas ay parang free Wi-Fi. Laging may announcement na meron na raw, pero kapag ikaw na ang gagamit ay biglang โNo Internet Connection.โ
Hindi ako tutol sa progreso. Hindi ako tutol sa mga proyektong makapagpapalago sa ekonomiya. Pero sana naman, kapag sinabing progreso, progreso para sa lahat, hindi progreso para sa mga taong kaya nang bumili ng 40 high end luxury cars habang ang iba ay hirap pa ring bumili ng isang kilong bigas.
Kapag sinabing โmay benepisyo ito sa bansa,โ automatic ba akong maniniwala? Siyempre hindi. Hindi dahil negative thinker ako, kundi dahil natuto na akong magtanong. Kasi ang pagiging mabuting mamamayan ay hindi lang marunong pumalakpakโmarunong ding magtanong.
At ang tanong ko ay simple lang.
Kapag natapos ang lahatโฆ
Mas gagaan ba ang buhay ng ordinaryong Pilipino?
Mas magiging ligtas ba ang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon?
Mas mararamdaman ba ng mga komunidad ang pag-unlad?
O ang makikita lang namin ay mas mahahabang speech sa inauguration at mas maraming picture sa Facebook?
Minsan kasi parang group project ang nangyayari. Lahat kami ang nag-contribute. Lahat kami ang apektado. Pero pagdating ng grading, iisa lang ang naka-perfect score.
Tayo? โThank you for your participation.โ
At honestly, nakakapagod na maging extra sa sarili mong bansa.
Hindi kami basta-basta napapabilib sa magagandang slogan. Hindi porkeโt maganda ang logo, maganda na rin ang resulta. Hindi porkeโt may drone shots at cinematic background music ang promotional video, ibig sabihin okay na agad ang proyekto.
Kasi alam naming minsan, ang pinakamagandang PowerPoint ay siya ring may pinakamaliliit na disclaimer.
At gusto kong linawin, hindi ako nandito para kontrahin ang lahat. Hindi ako nandito para sabihin na mali ang bawat proyekto. Ang gusto ko lang ay isang bagay na dapat naman talagang ibigay sa mamamayanโtransparency.
Kung tunay na para ito sa bayan, ipakita.
Kung tunay na makikinabang ang mga tao, patunayan.
Kung tunay na may pag-unlad, siguraduhing hindi ito nakakamit sa paraang may naiiwan o may naaapakan.
Kasi sa totoo lang, ang kalikasan, ang kabuhayan ng mga tao, at ang kinabukasan ng kabataan ay hindi dapat ituring na โacceptable sacrifice.โ Hindi puwedeng kapag may masasaktan, sasabihin na lang natin, โCollateral damage lang iyan.โ
Hindi spreadsheet ang pinag-uusapan natin.
Hindi graphs.
Hindi statistics.
Mga tao ang pinag-uusapan natin.
Mga pamilya.
Mga pangarap.
Mga kabataang umaasang balang araw, hindi na nila kailangang umalis ng bansa para lang magkaroon ng disenteng kinabukasan.
At bilang isa sa mga kabataang iyon, gusto kong lumaki sa bansang ang pag-unlad ay hindi privilege ng iilan kundi karapatan ng lahat.
Ayoko ng bansang kapag may nagsabing โCongratulations, umuunlad na tayo!โ ang automatic kong follow-up question ayโฆ
โTalaga? Sino ang โtayoโ?โ
Kasi kung ang sagot ay iilang tao lang ang mas yumaman habang ang ordinaryong Pilipino ay pareho pa rin ang pinagdaraanan, hindi
iyon tagumpay ng bayan.
Marketing lang iyon.
Kaya ang paninindigan ko ay malinaw.
Hindi sapat ang salitang โkaunlaran.โ Ang mahalaga ay kung sino ang nakikinabang sa kaunlarang iyon.
Kung ang pag-unlad ay para sa lahatโsuportahan natin.
Kung ito ay may pananagutan, may malasakit, at may pakinabang sa ordinaryong Pilipinoโipaglaban natin.
Pero kung sa dulo ng lahat ng pangako, ang tunay na lumaki ay ang bulsa ng iilan habang ang bayan ay naghihintay pa rin ng pagbabago, pasensya naโฆ hindi ko iyon matatawag na kaunlaran.
Dahil para sa akin, ang tunay na progreso ay hindi nasusukat sa laki ng tubo, kundi sa dami ng taong tunay na umaangat.
Kaya uulitin ko ang tanong na dapat nating lahat pag-isipan:
Pax Silica: Sino nga ba ang totoong uuunladโang buong bayan, o ang bulsa lang ng iilan?
Isinulat ni: ๐๐๐ก๐ก๐๐๐ฃ๐ ๐ผ๐ฃ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ก๐๐ช๐๐ฃ๐