02/09/2026
π« P.C. BAYANIHAN ELEMENTARY SCHOOL
HEALTH & SAFETY ADVISORY: TRANSRADIO HAZE ALERT
SULTAN KUDARAT, MANATILING LIGTAS AT MAPANURI!
Ang nararanasang gray skies at crimson sun sa ating probinsya ay dulot ng transboundary haze mula sa mga forest fires sa Kalimantan, Indonesia na hinila ng hanging Habagat. Alagaan ang ating kalusugan!
[SECTION 1: MGA SINTOMAS NA DAPAT BANTAYAN (HEALTH EFFECTS)]
β οΈ Nahihirapang huminga o hinihingal
β οΈ Pabalik-balik na ubo at masakit na lalamunan
β οΈ Pangangati, pamumula, o pagluha ng mga mata
β οΈ Pananakit ng dibdib at ulo
β οΈ Paglala ng hika (asthma) at sakit sa puso
[SECTION 2: MGA TIP UPANG MAIWASAN ANG SAKIT (HEALTH TIPS)]
1. MAMALAGI SA LOOB NG BAHAY (STAY INDOORS)
Bawasan ang paglabas kung hindi kinakailangan. Iwasan muna ang mabibigat na outdoor activities o sports.
2. MAGSUOT NG MASK KUNG LALABAS (WEAR WELL-FITTING MASKS)
Gumamit ng N95, KN95, o surgical mask upang ma-filter ang mga mapanganib na partikulo (PM2.5) sa hangin.
3. ISARA ANG MGA PINTO AT BINTANA (KEEP AIR INDOORS CLEAN)
Panatilihing sarado ang mga pinto at bintana. Gumamit ng basang tela (wet towel) upang takpan ang mga siwang kung saan pwedeng pumasok ang usok.
4. UMINOM NG MARAMING TUBIG (STAY HYDRATED)
Uminom ng sapat na tubig upang mahugasan ang mga toxins sa lalamunan at maiwasan ang tuyong ubo o iritasyon.
5. PROTEKTAHAN ANG MGA MATA (WEAR EYE PROTECTION)
Gumamit ng salamin o goggles kung lalabas upang hindi mairita ang mga mata mula sa usok at maliliit na dumi.
6. MAG-INGAT SA PAGMAMANEHO (DRIVE SAFELY)
Dahil sa bawas na visibility, gumamit ng headlights o fog lights kapag bumabyahe, lalo na tuwing gabi o madaling araw.
PROTEKTAHAN ANG MGA BATA, SANGGOL, AT MATATANDA!
Kung nakararanas ng matinding hirap sa paghinga, magtungo agad sa pinakamalapit na Health Center o Ospital.