10/08/2026
Ang kagawaran ng Edukasyon at paaralan ng Geras Integrated School ay nakikiisa sa Pagdiriwang ng Pandaigdigan at Pambansang Araw ng mga Katutubo noong ika 10 ng Agosto 2026 araw ng Lunes. Ito ay pinamunuan ng butihing punong g**o ng paaralan na si Dianah Jean Segayo at IPeD school coordinator Nur aiza Asmawil. Ang naturang maikling programa ay nagbibigay pugay sa mga katutubong hilot(midwives) na nangangalaga sa bahay at kapakanan ng bawat sinisilang na bata sa pamayanan.
Nagkaroon ng simpleng paligsahan sa pagpapakita ng pinaka magandang katutubong kasuotan sa mga mag aaral bilang pagpapahayag ng mga mag aaral sa kanilang paggalang at pagpapahalaga sa mga katutubong kasuotan ng mga ninuno. Sa pamamagitan nito, naipakita ang yaman at tradisyon na dapat ipagmalaki at ipreserba.
Katulad nila, ang Deped at Geras Integrated School ay nanindigan para sa kagalingan ng bawat batang Pilipinong katutubo, sa pagtaguyod ng dekalidad at ingklusibong edukasyon na nagpapahalaga sa pangkulturang pagkakilanlan ng lahat.