18/03/2022
March 19, 2022
6th Saturday catch up class. Ito n Ang inyong performance task.
Bigyan ng tamang pagpapasya Ang mga pahayag.
1. Kung ako ay nagdududa sa daang aking tatahakin, ano Ang maaaring mangyari? Ipaliwanag Ang iyong sagot.
2. Kung ako ay tutuloy sa daang kaig tatahakin, ano Ang maaaring mangyari?Ipaliwanag Ang iyong sagot.
11/03/2022
Blessed morning.. 5th Saturday catch up class n ntn ngaun.. eto Ang inyong performance task 2day.
Lahat tayo ay may pangarap sa buhay at gusto nting mkamit Ang pinipiling kurso gamit Ang talento at hilig. Ipahayag/ipakita Ang kursong pipiliin gamit Ang iyong talento o hilig. Maaari Kang mgvideo, gumuhit, mgsulat ng tula, mgsulat at awitin Ang kanta. Nsa iyo Ang desisyon kng anu Ang iyong gusto.. kng my ktanungan, PM me.. pwede mgpost d2 ng output..
04/03/2022
4th Saturday catch up class
March 5, 2022
Panuto: Basahin ang kuwento tungkol kay Jona. Maaaring ang kanyang karanasan ay katulad din sa iyo. Suriin ang kuwento kung paano niya nalinang ang kanyang pagkatao.
Ang ilaw at ang radyo.
Sa mahirap pamilya lumaki si Jona. Barung barong ang kanilang bahay, walang permanenteng trabaho ang magulang, umaasa sa gasera at ilaw mula sa poste bilang nagbibigay liwanag, lima silang magkakapatid at siya ang panganay. Karpintero ang kanyang ama at naglalabada naman ang kanyang ina. Dahil sa kahirapan ay bihira nilang maranasang kumain ng tatlong beses sa isang araw, madalas ay kumakalam na sikmura ang kanilang nararanasan. Nasa ikapitong baitang si Jona at isang taon naman ang kanilng bunsong kapatid. Madalas ay kalong-kalong niya ang bunsong kapatid upang makapagtrabaho ang kanyang ina.
Dahil panahon ng pandemya ay limitado ang galaw, limitado din ang pagkakakitaan ng pamilya. Halos hindi maipinta ang kahirapang dinaranas nila. Sa umaga, habang siya ay nag-aaral ay inaalagaan niya ang kanyang kapatid. Pinapatulog niya muna ito upang makasagot sa kanyang modyul, sasabayan niyang makinig sa radyo sa kanilang kapitbahay. Nakikisuyo siyang makinig sa radyo ng kapitbahay upang madagdagan ang kanyang kaalaman. Pagkatapos ay tuturuan naman niya ang kanyang dalawang nakababatang kapatid. Araw-araw niya itong ginagawa, pinipili niyang mag-aral sa gabi dahil wlang iistorbo sa kanyang pag-aaral gamit ang gaserang aandap-andap at ilaw mula sa poste na nagsisilbing liwanag sa pag-aaral.
Pangarap ni Jona na maging isang g**o at maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan. Sa kabila ng kahirapan ay malaki ang pasasalamat ni Jona sa mga taong handang tumulong sa kanila. Dumating ang araw ng pagbibigay ng parangal, siya ang nanguna sa klase. Laking tuwa ng kanyang magulang dahil sa parangal na natanggap. Nagpasalamat siya sa kanilang kapitbahay na handang magpahiram upang siya ay makapakinig.
Saksi ang gasera at ilaw mula sa poste ang liwanag na binigay upang makapag-aral siya.
Mga Tanong:
1. Ano ang pinahahalagahan ni Jona sa buhay na nais niyang abutin?
2. Ano ang pinagdaanan niya sa buhay na humahadlang sa kanya sa pag-abot nito?
3. Ano ang kanyang ginawa upang malampasan ito?
4. Ano ang nalinang sa kanyang pagkatao?
5. Paano nagkakaugnay ang pinahahalagahan ng tao sa kilos o gawain niya?
25/02/2022
Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong.
1. Ano ang kaugnayan ng birtud sa pagpapahalaga?
2. Paano mo isasabuhay ang birtud at pagpapahalaga?
3. Ano-ano ang pagkakaiba ng Birtud at pagpapahalaga?