08/09/2026
Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan:
Tema: “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan at Tulay sa Yaman ng Impormasyon”
Ipinagdiwang ng Caro National High School, sa pamumuno ng Punong-g**o, Gng. Raquel A. Tanangonan, ang Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan sa pangunguna ng Filipino Club, katuwang ang mga g**o at mag-aaral, matagumpay na isinagawa ang iba’t ibang gawaing naglalayong mapalalim ang pagpapahalaga sa wikang Filipino, kasaysayan, kultura, at makabagong teknolohiya.
Kabilang sa mga isinagawang gawain ay ang mga sumusunod: Rampa ng mga Natatanging Kasuotan, Trivia Challenge tuwing Lunes, Maikling Kuwento, at Awiting Bayan at sa pangunahing tampok sa pampinid na aktibidad ay ang Pista sa Nayon.
Sa pamamagitan ng mga aktibidad na ito, nabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong maipamalas ang kanilang talento, pagkamalikhain, at kaalaman sa wika, kultura, at kasaysayan.
Sa kabuuan, naging makabuluhan at matagumpay ang pagdiriwang dahil sa aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral, g**o, at pamunuan ng paaralan. Nakatulong ang mga gawaing ito upang higit na mapahalagahan ang wikang Filipino bilang mahalagang kasangkapan sa pagkatuto, komunikasyon, at paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng Artificial Intelligence (AI) sa paghahanap at pagproseso ng impormasyon.
Inihanda ni:
ROSMINA S. RADJAH
Filipino Club Coordinator