29/08/2026
๐ช๐๐๐ธ๐ฎ๐ง๐๐๐๐๐ฏ๐ฒ๐น๐: ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐, ๐ฆ๐๐๐ถ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐๐ถ๐ธ
Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, naging mahalagang kasangkapan ang Artificial Intelligence (AI) sa paghahanap, pagproseso, at pagpapalawak ng impormasyon. Gayunpaman, higit itong nagiging makabuluhan kung ginagamit nang responsable at may malinaw na layunin, lalo na sa pagtugon sa mga suliraning panlipunan. Ito ang naging diwa ng Seminar-Workshop at Araw ng Parangal 2026 na inilunsad ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SaMaFil), noong Agosto 28, 2026, bilang bahagi ng Pampinid na Palatuntunan sa Buwan ng Wika 2026, na may temang โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ
Taimtim na binuksan ang programa sa pamamagitan ng panalangin na pinangunahan ni G. Reynaldo F. Fuentes Jr., na sinundan ng pag-awit ng Pambansang Awit at pambungad na pananalita ni G. Saydyl D. Amil, Alkalde ng SaMaFil. Sa kaniyang talumpati, marubdob na ipinaabot ng Alkalde ang kaniyang malalim na pasasalamat sa mga taong naging bahagi ng kaniyang makabuluhang paglalakbay. Nagbigay rin ng mahalagang mensahe si Gng. Maricor V. Limen, Tagapangasiwa ng Departamento ng Filipino, at kaniyang binigyang-diin ang kahalagahan ng proseso, etika, at datos sa pananaliksik. Iginiit din niya na ang pananaliksik ay hindi paghuhula, kungdi isang sistematikong paraan ng pag-unawa at paghahanap ng solusyon sa mga suliranin sa komunidad, paaralan, at lipunan.
Samantala, naging sentro ng seminar-workshop ang dalawang sesyon tungkol sa mahahalagang yugto ng pananaliksik. Tinalakay ni Bb. Rawda S. Estajal, MATSS, Instructor III, ang pagpili ng paksa ng pananaliksik, pagtukoy sa mga baryabol, pagbuo ng suliranin at mga kaugnay na tanong sa pananaliksik, pagbuo ng teoretikal at konseptwal na balangkas, at pagsusuri at pagbuo ng kaugnay na literatura at mga kaugnay na pag-aaral. Sa ikalawang sesyon, ibinahagi naman ni Bb. Nor-Aiam E. Asmawil, Ed.D., Assistant Professor I, ang wastong pagbuo at pagpapatunay ng instrumento sa pananaliksik, na nakatuon sa kung paano nagiging wasto at mapagkakatiwalaan ang mga ginamit na instrumento at mga talatanungan. Sa kaniyang workshop, naging mahalagang paalala sa mga kalahok ang prinsipyong, โbase sa datos, hindi sa opinyon.โ
Pagkatapos ng sesyon, sinimulan ang paggawad ng sertipiko ng pagkilala at gantimpala sa mga kalahok na nagwagi sa iba't ibang patimpalak na isinagawa kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026. Narito ang resulta:
๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ง๐๐๐จ๐ ๐ฃ๐๐ง๐
Kampyon: Adzhar D. Gandali (CTE)
2nd Place: Roseller B. Bernos (CTE)
3rd Place: Rashini Eeman D. Amiluddin (CAH)
๐ ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐จ๐๐ช๐๐ก๐ง๐ข
Kampyon: Farzheena A. Sulayman (CAH)
2nd Place: Rheyhana I. Kandak (CTE)
3rd Place: Erica Joy R. Lim (CCS)
๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐ข๐ฆ๐ง๐๐ฅ
Kampyon: Mohammad Solaiman A. Sayadi (CCHE)
2nd Place: Rejaina S. Mahalail (CAH)
3rd Place: Ayesha G. Arpa (CAH)
๐ฃ๐๐๐ฆ๐จ๐๐๐ง ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ก๐๐ฌ๐ฆ๐๐ฌ
Kampyon: Yan Nelle E. Singson (BAPOS-OSC)
2nd Place: Zyra Charm E. Torralba (CPADM)
3rd Place: Michelle M. Jolo (CCS)
๐ง๐๐๐๐ฆ๐๐ก ๐ก๐ ๐ง๐๐๐๐ก๐ข 2.0
Kampyon: Pangkat Utakang Puro Hula โJohn Paul L. Labastilla, EJ Franz P. Hugo, Alyanna Hamsirani (CTE)
2nd Place: Pangkat Panginorin โ Daniella Marie A. Taguba, Najiba U. Imlana, Nurnadia S. Piansa (CTE)
3rd Place: Pangkat Smooth โ Rarina L. Molina, Nursaleen T. Kalbi, Exphel B. Dela Cruz (CTE)
๐ฃ๐๐๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ง๐
Kampyon: Pangkat MaKaTa โ Adrian R. Ramos, Nurul Ain J. Harun, Nadine D. S. Tanangonan (CTE)
2nd Place: Pangkat Dagitab โ Rashini Eeman D. Amiluddin, Giana Gwen Soledad, Maria Allianna G. Abdulla (CAH)
3rd Place: Pangkat Pluma โ Rosander Dean M. Poliquit, Michelle D. Gonzales, Shandelle R. Ausejo (CTE)
Sa pagtatapos ng okasyon, nag-iwan naman ng hamon si Bb. Arfhayna A. Abraham, Bise-Alkalde ng SaMaFil, sa kaniyang pangwakas na pananalita. Aniya "gamitin ang wika at kaalaman sa paglilingkod sa kapwa at bayan."
Sa kabuuan, ang Seminar-Workshop on Research Cum Araw ng Parangal 2026, ay nagpapakita na ang Wikang Filipino at AI ay maaaring magsilbing magkatuwang na kasangkapan sa pananaliksik, pagtuklas ng kaalaman, at paglutas ng mga suliraning panlipunan. Higit pa sa isang pagdiriwang, naging panawagan ito ng programa na gamitin ang wika bilang sandata, teknolohiya bilang katuwang, at pananaliksik bilang landas tungo sa mas makabuluhang kinabukasan.
โ๏ธ:Reynaldo F. Fuentes, Jr.
๐: Saydyl D. Amil
๐ธ: Ella Fayenne Villamor, Nasim Hamdani, Sharmane Ahilul, Amree Talaji
๐จ: Dhemdimar Siradun