29/02/2024
Sa bawat titik at larawan, ipinamalas niyo ang dedikasyon, giting at husay. Taos-pusong pagpupugay sa mga nagwagi sa Division Schools Press Conference 2024. 👏
🔴Individual Categories (Filipino)
✒️Pagsulat ng Balita
✨️Kylie E. Serrano - Ikaapat na Puwesto
✨️Regine A. George - Ikapitong Puwesto
✒️Pagsulat ng Pang-ulong Tudling
🥇Roxette C. Francisco - Unang Puwesto (RSPC Qualifier)
🥉Al-Mark J. Langkasan - Ikatlong Puwesto (RSPC Qualifier)
✨️Justine H. Jumaatulla - Ikapitong Puwesto
✒️Pagsulat ng Kolum
🥇Paulyn Amor P. Enjambre - Unang Puwesto (RSPC Qualifier)
🥈Farisha S. Abubakar - Ikalawang Puwesto (RSPC Qualifier)
✨️Hannah Ezra M. Jaicten - Ikalimang Puwesto
✏️Pagguhit ng Kartung Pang-Editoryal
🥇Ridan A. Dann - Unang Puwesto (RSPC Qualifier)
🥈Bennedick R. Fegi - Ikalawang Puwesto (RSPC Qualifier)
🥉Osama I. Saluan - Ikatlong Puwesto (RSPC Qualifier)
✨️Lorraine L. Natividad - Ikaapat na Puwesto
✒️Pagsulat ng Lathalain
🥈Aisha S. Jamirul - Ikalawang puwesto (RSPC Qualifier)
🥉Reynaldo F. Fuentes Jr. - Ikatlong Puwesto (RSPC Qualifier)
✒️Pagsulat ng AgTek (Agham at Teknolohiya)
🥈Mushav-Khan J. Dulla - Ikalawang Puwesto (RSPC Qualifier)
🥉Zoie Alexandria A. Luna - Ikatlong Puwesto (RSPC Qualifier)
✨️Azraa Asjad - Ikaapat na Puwesto
✒️Pagsulat ng Balitang Pampalakasan
🥈Gino Reyes - Ikalawang Puwesto (RSPC Qualifier)
🥉Ramzi Khaled J. Fernandez - Ikatlong Puwesto (RSPC Qualifier)
📸Larawang Pampahayagan
🥈Eidil Bin L. Tabudjul - Ikalawang Puwesto (RSPC Qualifier)
🥉Crystal Ruleth T. Casio - Ikatlong Puwesto (RSPC Qualifier)
✨️Ghelynne Anne G. Fullente - Ikalimang Puwesto
✒️Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita
🥇Wyatt L. Ismael - Unang Puwesto (RSPC Qualifier)
🥈Nashima B. Aramal - Ikalawang Puwesto (RSPC Qualifier)
🥉Sifrah Hessa H. Sajiran - Ikatlong Puwesto (RSPC Qualifier)
✨️Jhun Mer Duropan - Ikaapat na Puwesto
🔴Group Categories (Filipino)
📰 Collaborative Desktop Publishing
Basilan National High School
🏅 Unang Puwesto (RSPC Qualifier)
🏅Mhadina C. Muarip
🏅Janyne Nicole M. Guillo
🏅Shahana R. Sariki
🏅Fatima Areej L. Sario
🏅Marhan A. Jalali
🏅An-nafi Hadi P. Hussam
🏅Zy-ann F. Usman
🎙Radio Broadcasting and Scriptwriting
Basilan National High School
🏅Overall Radio Production (RSPC Qualifier)
🏅Best Infomercial
🏅Jazmin N. Bahi-an
🏅Princess Nicole M. Cristoria
🏅Toni-Anne A. Generalao
🏅Haneef L. Sario
🏅Al-Qhalid A. Ajijul
🏅Hair D. Mustapa
🏅Jaspher D.R. Gulang
--
Maligayang pagbati sa inyong lahat! 👏
Nais naming ihandog ang aming taos-pusong pasasalamat sa butihing punongg**o na si Dr. Lyna H. Basri, sa tiwala at walang sawang pagsuporta sa Ang Bagong Sibol - Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralan ng Basilan Nasyonal. Walang katapusang pasasalamat din ang aming handog sa puno ng Kagawarang Filipino na si Gng. Jehan S. Jul, sa pagbibigay ng oportunidad na makalahok sa isa sa mga prestihiyosong patimpalak pandibisyon.
14/02/2022
Kagawaran ng Filipino
02-11-2022
"Orientation on the Evaluation of Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP) for Teachers"
16/10/2021
3-Days School-based Rollout sa
Pagsasanay sa Pagtuturong Panliterasi
October 13 - 15, 2021 || BNHS ILC
01/10/2021
October 1, 2021
Writeshop on Simplified Self Learning Modules(SSLMs), Performance Tasks and Summative Tests cm Utilization of MS PowerPoint and CapCut Application in making Video Lessons
--
Tunay na napakaproduktibo ng pagpasok ng buwan ng Oktubre taong 2021 sa mga g**o ng Mataas na Paaralan ng Basilan National.
Ang bawat Departamento sa nasabing paaralan kabilang ang Kagawang Filipino ay nagdaos ng kani-kanilang Mini LAC Session.
Sa pangunguna ng puno ng Kagawaran na si Gng. Jehan S. Jul at ng LAC Coordinator na si Gng. Jul-asri, naisakatuparan ang layuning makabuo ng mga kagamitang pampagkatuto (SSLMs/Performance Tasks/Summative Tests) sa bawat antas sa asignaturang Filipino at; malinang ang kakahayan ng mga g**o sa paggamit ng ICT at maturuan ng makabagong pamamaraan ng pagbuo ng Video Lesson na magagamit sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto.
Lalo ring naliwanagan ang mga g**o sa tulong ng mga pagpapaliwanag ng OIC ng Departamento ng Araling Panlipunan walang iba kundi si Dr. Nursharif A. Baky tungkol sa pagbuo ng nabanggit na kagamitang pampagkatuto at lalo namang nabuhayan naman ng loob ang mga g**o sa Filipino sa mga papuring iginawad ng Kawaksing Punongg**o ng Mataas na Paaralan ng Basilan National na si Gng. K. Delos Reyes.
Bago pa man matapos ang araw, naisakatuparan at naisumite ng mga g**o sa bawat antas ang mga binuong kagamitang pampagkatuto ka gagamitin sa mga susunod na mga linggo.
09/06/2021
Ika- 08 ng Hunyo taong 2021 , idinaos ang ikalawang Pagpapakitang-turo ng dalawang g**o, Bb. Rochelle V. Garcia at Bb. Leyzel Mae M. Ilul kasama ang Punong Kagawaran ng Filipino, Gng. Jehan S. Jul at Master Teacher ng Kagawarang Filipino, Gng. Fatima Jul-Asri. Nagkaroon din ng "Post-Conference" upang bigyang-diin ang kalakasan at kahinaan ng g**o. Isinaalang-alang rin ang health protocols sa loob ng silid-aralan. 👩🏫
12/05/2021
Noong ika-10 hanggang ika-11 ng Mayo taong 2021, ang Kagawarang Filipino ng BNHS ay nagdaos ng dalawang araw na Mini LAC Session tungkol sa "Recorded Online Class and Video Lesson Marathon".
Ang naturang sesyon ay naglalayong:
(1) matukoy ang ilang mga tip sa epektibong pagsagawa ng online class at video lesson para sa Classroom Observation.
(2) Maibahagi ang mga ideya kung paano isasagawa ang Online Class at Video Lesson.
(3) Mabigyan ng punto(benchmarking) ang iba't ibang estratehiya o teknik na ginamit ng mga g**o sa Filipino sa kanilang online class o video lessons.
Tunay na binago ng pandemya ang lahat ng bagay sa mundo. Maging ang sistema ng edukasyon ay hindi nakaligtas sa pagbabagong ito. Naging popular ang mga modyul at higit sa lahat, ang video lessons. Ika nga "Education is a continuous process" at dahil dito tayo ay nakibagay sa pagbabagong angkop sa kasalukuyang sitwasyon.
20/03/2021
Noong ika-15 hanggang ika-19 ng Marso taong 2021, ang Kagawarang Filipino ng Mataas na Paaralan ng Basilan ay aktibong nakilahok sa In-Service Training (Upgrading Teacher's Pedagogical Content Knowledge in Relevance with Results-based Performance Management System in the Time of CoViD-19 Pandemic) na ginanap sa BNHS Gymnasium.
Sa unang dalawang araw ng training, ibinahagi ng mga bihasang tagapagdaloy na sina G. Michael M. Jolo (IT Officer I), Gng. Helen D.R. De Leon, EdD (EPS-1), Atty. Gadzmin I. Salisa (DepEd Legal Officer II), at ni Bb. Miriam Suacito (Executive Officer) ang kani-kanilang expertise sa paksang kanilang itinalakay.
Sa ikatlong araw naman, masusing binuo ng kaguruan ang mga Simplified Self-Learning Modules, Summative Tests, Performance Tasks na siyang gagamitin sa unang linggo ng Ikatlong Markahan.
Nagpakitang-turo naman ang mga baguhang g**o sa ika-apat na araw.
Bilang pagwawakas, sa ikalima't huling araw ng INSET, saglit na munang isinantabi ang mga school paperworks. Nagdaos ng Mini Sports Fest ang BNHS na kung saan ang kaguruan ay nakilahok sa Zumba Exhibition na pinangunahan ng mga BNHS Movers na sinundan naman Inter-Department Volleyball Tournament kung saan nasungkit ng Los Marias Amazonas ng Kagawarang Filipino ang Ikatlong Gantimpala at nakuha naman ng English Department ang ikalawang Gantimpala at ang hinirang na kampyonato sa naturang Tournament ay ang SHS Grade 11. Tunay na nagsaya ang kaguruan ng BNHS sa huling araw ng INSET.
Ngunit hindi pa diyan nagtatapos ang kasiyahan, sa pampinid na palatuntunan ay binigyan ng mga Sertipiko at FLASH DRIVES ang kaguruan ng BNHS. Naatasan naman sina Gng. Evelyn Alejandro na kumakatawan sa Mathematics Department at Gng. Gada I. Salisa na kumakatawan naman sa Kagawarang Filipino na magbigay ng kani-kanilang mga impresyon hinggil sa limang araw na In-Service Training. Inihandog ni Gng. Alejandro ang kaniyang impresyon sa pamamagitan ng Video Presentation at sa paraang Patula naman inihandog ni Gng. Salisa ang kaniyang impresyon sa INSET.
Tunay na naging produktibo ang limang araw na training ng Mataas na Paaralan ng Basilan nawa'y magkaroon pa muli ng ganito ng training sa susunod pang mga buwan / taon. Ang Kagawarang Filipino ay taos-pusong nagpapasalamat sa Ina at punongg**o ng paaralan na si Gng. Lyna Hanapi-Basri, EdD.
27/02/2021
Biyernes, ika-26 ng Pebrero taong 2021, ang Kagawarang Filipino ng BNHS ay nagdaos na isang araw na LAC Session tungkol sa makabagong Result-Based Performance Management System (RPMS) at Classroom Observation Teaching (COT) para sa taong panuruan 2021.
Ang naturang sesyon ay naglalayong bigyang karagdagang kaalaman at kahandaan ang mga g**o ng Kagawarang Filipino sa kasalukuyang panahon ng pandemiya.
Upang maging malinaw sa mga g**o ng kagawaran ang mga pagbabago sa RPMS, ipinaliwanag ni Gng. Jehan S. Jul, ang puno ng kagawaran ang tungkol sa Electronic-Self Assessment Tool (E-SAT), Key Result Areas (KRAs), Rating Sheet, at iba pang bagay may kaugnayan sa RPMS.
Nagkaroon ng mga palitan ng opinyon hinggil sa pagganap ng dalawang pagpapakitang-turo na isasagawa sa buwan ng Enero hanggang Marso at Abril hanggang Mayo. Binigyan din ng pagkakataon ang mga g**o na pumili ng estratehiyang nais nilang sundin sa kanilang Classroom Observation Teaching.
10/02/2021
"Ang kasipagan at kalinisan ay nakadaragdag sa kalusugan at kasiyahan. Maglaan ng tamang oras sa paglilinis ng kapaligiran upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit o karamdaman."
Alinsunod sa Division Memorandum No. 17, s. 2021, nakiisa ang Kagawarang Filipino ng Basilan National High School sa BASILAN-WIDE CLEAN-UP DRIVE AND TREE-PLANTING ngayong araw.
Ika-10 ng Pebrero taong 2021.
Halina't isulong natin,
"Paglilinis ng kapaligiran ugaliin".
09/02/2021
Lingid sa ating kaalaman na sa panahon ngayon ang bawat isa ay may mabigat na pinagdaraanan lalong-lalo ang mga kaguruan. Una, kung paano mapanatili ang kanilang ugnayan sa mag-aaral. Ikalawa, kung paano mapanatiling epektibo ang kanilang pagtuturo. Sa tulong ng makabagong teknolohiya ang karamihan sa mga suliranin ay masosolusyunan na.
Sa patuloy na pagpasok ng modernisasyon, mula sa simpleng pamamaraan ng pagtuturo, unti-unting binago at pinagaan ng teknolohiya ang mga gawain. Naging makabago na rin ang paraan ng pagtuturo at patuloy na rin ang ugnayan ng mga g**o at mag-aaral kahit hindi man sila nagkikita.
Sa mundong ating ginagalawan, tayong mga g**o ay may maraming papel na ginagampanan. Sa pagtahak sa modernong panahon kailangan nating maki-ayon at makisabay sa pagbabago na hatid ng teknolohiya kulang o salat man ang ating kaalaman. Naging tulay sa pagbibigay-linaw at pagdagdag ng kaalaman sa larangang ito si Binibining Sarah N. Flores na maituturing isang pantas at nagtataglay ng hindi matatawarang galing at husay sa larangang ICT. Siya ang tagapagdaloy nang ginanap ang LAC Session ng Kagawarang Filipino tungkol sa paggamit ng Microsoft Excel na isa sa mga paraan na nagpapagaan sa gawain ng mga g**o.
Lubos-lubos ang kagalakan at pasasalamat ng Kagawarang Filipino sa kaalamang ibinahagi ng isang Binibining Sarah N. Flores. Maraming Salamat.