19/12/2025
Ang Tambuli Online
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ang Tambuli Online, Education Website, National Highway, San Andres, San Mateo, Isabela.
19/12/2025
19/12/2025
18/12/2025
๐๐ข๐ซ ๐๐จ๐ง๐๐ฅ๐ ๐. ๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ๐๐๐ฅ, Teacher III of the TechVoc Department, is one of SDO Isabela's 2025 ๐๐๐ ๐๐ฐ๐๐ซ๐๐๐ (๐๐๐ซ๐ฒ ๐๐ง๐ง๐จ๐ฏ๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ ๐๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง) for his ๐๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐จ ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐๐๐๐ก ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ. Congratulations and thanks you for "giving SMVIHS honor and glory in the division level!"
18/12/2025
๐๐๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐ข๐ค-๐ญ๐๐ง๐๐ฐ: ๐๐๐ซ๐ค๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐จ๐ง
โ๏ธ ๐๐๐๐ฆ๐๐ ๐๐๐๐ก๐๐
Higit sa isang araw na ang lumipas, ilang taon ang nagdaan, hanggang sa umabot na sa kasalukuyan. Napakaraming nagbago hindi lamang ng kaunlaran ngunit gayundin ang daan-daang estudyante na nakikipagsapalaran sa pag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasan.
Bahagya akong napatingin sa kalendaryo - taong 1971. Nagsimula ang lahat sa isang kaisipan, isang opinyon na magbabago sa takbo ng buhay ng bawat mag-aaral gayundin ng bansang kinalakhan. Gabundok na buhangin, toneladang semento, nagkalat na pala, bakal at yero maging ang mga kamay ng mga manggagawa na nababalutan ng alikabok, tagaktak ang pawis at pagod na iniaalay sa bawat gawain na balang araw ay tatanghalin na isa sa paaralaan sa bayan ng San Mateo, isang sulok sa bansang Pilipinas na magbibigay karangalan at magbabandera ng kagalang-galang na watawat.
Taong 1971. Naitatag ang isang paaralan na tinawag na San Mateo Vocational and Industrial High School (SMVIHS). Sa tuwing naririnig ng mga indibidwal ang ngalan na ito ay isang normal na ekspresiyon ang replika ng kanilang mga mukha, ngunit sa di mabatid na dahilan ay natatangi ito sa anumang usapan. Sa ibaโt ibang larangan, mapa-isports o akademya ay hindi maikakailang minsan na nating nasungkit ang hindi mabilang na titulo โ medalya, sertipiko, tropeyo, gayundin ang matataas na grado, mga karangalan na hindi matutumbasan ng kahit anong halaga o sentimo. Hindi mabilang na karangalan na iniuuwi ng mga mag-aaral at sa kabuuan ay ang paaralan na nagbibigay dahilan upang sabihing ang isang SMVIHSian ay namumukod-tangi.
Kabuuang isampuโt tatlo ang bilang ng naging punong-guro (principal) na namahala rito: sina Hermito Esperanzate , Constantino Angoluan, Reynaldo Ducusin, Antero Baridan, Francisco Addun, Samuel Lazam, Rodelio Pinugu, Rachel Llana , Ulysses Daquioag, Roel Domingo, Marisol Dumon, Lordino Antonio, at ang kasalukuyan na si G. Dennies Lintao. Sila ang natatanging iskultor na nag-ukit ng ibaโt ibang marka sa panahon, ang kanilang personalidad at pagkakakilanlan ay repleksiyon ng kaunlaran na ipinamamalas ng paaralan.
Mahal kong SMVIHS, sa paglipas ng panahon ay nasilayan ng aking mga mata ang iyong kaunlaran, malayo na ang iyong narating ngunit malayo pa ang nakalatag na landas na iyong lalakbayin โ tungo sa higit pang kaunlaran na ninanais ng mga mag-aaral maging ng kaguruan.
Sadyang napakabilis ng panahon sapagkat ang pahina ng kalendaryo ay nasa taon nang dalawang libo dalawampu't lima (2025). Ito rin ang taon kung kailan ipinagdiriwang ang Ikalimampu't apat (54) na Benefactor's Day ng paaralang SMVIHS โ limampu't apat na taon na nagsilbing tahanan ng karunungan at mga pangarap na ninanais na makamtan.
Ikaw ay hindi lamang lugar kung saan 54 taon nang humuhubog ng kaisipan; bagkus ikaw rin ay tahanan ng mga pangarap at isa sa mahalagang rason upang makamit ang inaasam na kinabukasan.
Kulang ang isang libro upang aking ipahayag ang libu-libong mga sandaling iyong pinagdaanan โ mga pangyayari at pagkakataon na naging marka sa pusong naging talaan. Hindi ngayon magtatapos ang kuwento dahil ang bawat araw na darating at lilipas ay isang pahina na bubuo sa bawat kabanata ng aming buong pagkatao.
18/12/2025
09/12/2025
๐บ๐ด๐ฝ๐ฐ๐ฏ๐บ ๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ ๐ฎโ๐ฎ๐บ ๐๐ฑ๐ฒ๐น๐ถ๐ฎ ๐. ๐๐ฎ๐
๐ฎ, ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐
๐๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐.
๐ฏ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐บ๐ด๐ฝ๐ฐ๐ฏ๐บ ๐๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐พ๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐
๐, ๐๐๐
๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐.
๐น๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐ด๐โ๐๐ ๐ฌ๐
๐๐๐๐ ๐จ. ๐ฉ๐๐๐. ๐๐๐๐ ๐บ๐ด๐ฝ๐ฐ๐ฏ๐บ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐.
05/12/2025
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
National Highway, San Andres, San Mateo
Isabela
3318