19/01/2023
Kilala ang Albay dahil sa mga maganda nitong tanawin at dahil na rin sa perpektong hugis kono na bulkan, ang bulkang Mayon. Ngunit, hingil sa kaalaman ng nakararami ito ay may tinatagong mapait na nakaraan.
Taong 1897 nang pumutok ang bulkang Mayon, dahil na din sa takot ay nagsilipat ang mga taga Santo Domingo Libog, Albay sa Irosin Sorsogon, barangay Sto. Domingo na mas kilala din sa tawag na “Lamboon”.
Napadpad sila sa Irosin dahil sa nais na makaligtas at makaiwas sa pagputok ng bulkang Mayon. Isa sa maganda tungkol sa mga taga Sto. Domingo ay ang kanilang pananalita.
Magmula noong lumipat sila sa Irosin ay hanggang ngayon ay hindi pa din nagbabago ang kanilang pananalita. Ito daw ay bilang pagrespeto sa kung saan sila nagmula. At magpapatuloy ito sa kagustuhang mapasa ito sa mga susunod pang mga henerasyon.
-Chika Wika 💬
[ ] [ ]
[ ] [ ]
Cttro to the photo