03/04/2026
Minsan, kailangan mong huminto hindi dahil nawawala ka, kundi para mas makilala mo ang sarili mo.
Hindi lahat ng paghinto ay kawalan ng direksyon.
Hindi lahat ng pagkatalo ay kabawasan ng pagkatao.
Ang bawat hakbang pabalik ay bahagi ng mas malalim na proseso ng pag-usad.
At oo, may pressure pero bahagi lang din ‘yan ng paghubog sa’yo.
At kung pakiramdam mo naliligaw ka dahil sa pagtingin sa tagumpay ng iba, tandaan mo magkakaiba ang oras at landas ng bawat isa.
Ang nakikita mo sa kanila ay resulta, hindi ang buong proseso.
Hindi ka nahuhuli. Nasa sarili mong timeline ka.
Maniwala at mag tiwala, huminto upang huminga at saka magpatuloy. 🍃