Ang Lambak Gallanosa NHS - JHS

Ang Lambak Gallanosa NHS - JHS Opisyal na Pahayagang Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Gallanosaโœ’๏ธ๐Ÿ“ƒ

๐Œ๐ ๐š ๐ฆ๐š๐ -๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ข๐ญ๐š๐ง๐  ๐Ÿ๐Ÿ ๐ง๐  ๐๐Œ๐๐†, ๐ฉ๐ฎ๐ฆ๐š๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐”๐๐‚๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘Pumasa ang ilang mga mag-aaral mula sa Baitang 12 ng Pamban...
08/05/2023

๐Œ๐ ๐š ๐ฆ๐š๐ -๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ข๐ญ๐š๐ง๐  ๐Ÿ๐Ÿ ๐ง๐  ๐๐Œ๐๐†, ๐ฉ๐ฎ๐ฆ๐š๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐”๐๐‚๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘

Pumasa ang ilang mga mag-aaral mula sa Baitang 12 ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Gallanosa (PMPG) sa naganap na University of the Philippines College Admission (UPCA) 2023. Ito ay isang malaking karangalan dahil libu-libong aplikante ang sumusubok sa bawat taon upang makapasa sa nasabing pagsusulit. Naipakita dito ang kagalingan at katalinuhan ng mga mag-aaral ng PMPG.

Narito ang listahan ng ilang mga mag-aaral ng PMPG na pumasa sa UPCA 2023:
1. ๐€๐ฅ๐ฅ๐ฒ๐ฌ๐š ๐‰๐š๐ง๐ž ๐…๐จ๐ซ๐ญ๐ฎ๐ง๐จ, ๐”๐ ๐๐š๐ ๐ฎ๐ข๐จ
2. ๐’๐ก๐š๐ฒ๐ง๐ž ๐†๐ฅ๐ข๐ฉ๐จ, ๐”๐ ๐Œ๐ข๐ง๐๐š๐ง๐š๐จ
3. ๐‰๐จ๐ก๐ง ๐๐š๐ซ๐ญ๐ข๐œ๐ค ๐‹๐ข๐ง๐ณ๐จ, ๐”๐ ๐‹๐จ๐ฌ ๐๐š๐งฬƒ๐จ๐ฌ

Bukod pa rito, ipinagmamalaki rin ng paaralan ang mga mag-aaral na magtatapos sa taong 2022โ€“2023 sa kanilang maayos na paglalakbay sa paaralan. Ang inyong sipag at dedikasyon ay may magandang bunga, at nais namin kayong batiin sa matagumpay ninyong paglalakbay at hinihiling rin namin na maging matagumpay kayo sa hinaharap. ๐ŸŽ–๏ธ

Binabati namin kayo sa inyong mga tagumpay at ipinagmamalaki namin ang inyong mga narating. Patuloy na magpakatatag, magpatuloy sa inyong pag-aaral, at nawa'y maabot ninyo ang inyong mga pangarap para sa magandang kinabukasan. Mabuhay kayong lahat! ๐Ÿ’Ÿ๐Ÿ™Œ





Sa panulat ni:
Stephen Alindogan

Nag-anyo ng pahina:
Eunice Nyzza Gonzales

๐™‹๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ ๐Ÿ’๐“๐‡ ๐€๐๐Œ ๐‚๐€๐Œ๐: ๐‚๐Ž๐๐‚๐ˆ๐„๐‘๐“๐Ž ๐’๐€ ๐…๐€๐Œ๐๐„๐‚      Larawan nina:Maxine BunagStephen AlindoganLindsay Mae Diolata
06/05/2023

๐™‹๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ 
๐Ÿ’๐“๐‡ ๐€๐๐Œ ๐‚๐€๐Œ๐: ๐‚๐Ž๐๐‚๐ˆ๐„๐‘๐“๐Ž ๐’๐€ ๐…๐€๐Œ๐๐„๐‚








Larawan nina:
Maxine Bunag
Stephen Alindogan
Lindsay Mae Diolata

๐Ÿ’๐“๐‡ ๐€๐๐Œ ๐‚๐€๐Œ๐: ๐‚๐Ž๐๐‚๐ˆ๐„๐‘๐“๐Ž ๐’๐€ ๐…๐€๐Œ๐๐„๐‚Sigla at saya ang naramdaman ng mga mag-aaral mula sa Accountancy Business and  Managem...
06/05/2023

๐Ÿ’๐“๐‡ ๐€๐๐Œ ๐‚๐€๐Œ๐: ๐‚๐Ž๐๐‚๐ˆ๐„๐‘๐“๐Ž ๐’๐€ ๐…๐€๐Œ๐๐„๐‚

Sigla at saya ang naramdaman ng mga mag-aaral mula sa Accountancy Business and Management o ABM sa ginanap na "Concierto sa FAMBEC" na naganap sa loob ng gymnasium ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Gallanosa ngayong ika-3 ng Mayo, 2023. Mula 7:00 ng gabi hanggang 10:00 ng gabi, nagpakitang-gilas ang iba't ibang mga lokal na banda sa Irosin kasama ang dalawang banda ng paaralan. Ang mga bandang ito ay ang "Insert Band Name," "Corridors," "Center Folds," "Princess Thea," "Santino," "Boyztown," at "LGU Band" na nagpakita ng kanilang talento sa larangan ng musika.

Simula pa lang ng konserto ay hindi na mapigilang humiyaw at umindak ng mga manonood sa sobrang tuwa. Gamit ang mga selpon,
kanila itong ipinailaw upang mas lalong ipakita ang pagsuporta sa bawat banda na nag-perform. Naging masigla rin ang mga manonood sa pagtalon, pag-awit, at pag-indak sa bawat daloy ng tugtog. Hindi lang naipakita ng bawat banda ang kanilang husay sa pag tugtog at pagkanta ng musika bagkus ay nakapag hatid din sila ng saya, aliw at karanasan na hindi kailanman malilimutan ng mga nanood.

Bakas sa mukha ng mga manonood ang kasiyahang kanilang naramdaman na kailanman hindi matatawaran. Ito ay isang patunay na ang musika ay isa sa mga pinakamabisang paraan upang magbigay ng kasiyahan at magpakalma mula kalungkutang nararamdaman. Tunay nga na isang magandang karanasan ito para sa mga mag-aaral ng Accountancy Business and Management.

ABM Strand of Gallanosa NHS








Sa panulat nina:
John Merkly Gragas
John Jaron Merilo
Grazel Balisoro
Eddie Mendones

Sa pananaliksik nina:
Lindsay Diolata
Felicity Izellah Ete

Larawan nina:
Maxine Bunag
Stephen Alindogan
Lindsay Mae Diolata
Laurence Evasco

Nag-anyo ng pahina:
Eunice Nyzza Gonzales

๐™‹๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ ๐€๐๐Œ ๐๐‘๐Ž๐Œ ๐๐ˆ๐†๐‡๐“      Larawan ni:Lindsay Mae DiolataStephen AlindoganPrince Lawrence HablaMaxine BunagNag-anyo ng pah...
05/05/2023

๐™‹๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ 
๐€๐๐Œ ๐๐‘๐Ž๐Œ ๐๐ˆ๐†๐‡๐“








Larawan ni:
Lindsay Mae Diolata
Stephen Alindogan
Prince Lawrence Habla
Maxine Bunag

Nag-anyo ng pahina:
Eunice Nyzza Gonzales

[๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜ 2]๐€๐๐Œ ๐๐‘๐Ž๐Œ ๐๐ˆ๐†๐‡๐“ABM Strand of Gallanosa NHS      Larawan nina:Lindsay Mae DiolataLaurence EvascoNag-anyo ng pahina...
05/05/2023

[๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜ 2]
๐€๐๐Œ ๐๐‘๐Ž๐Œ ๐๐ˆ๐†๐‡๐“

ABM Strand of Gallanosa NHS








Larawan nina:
Lindsay Mae Diolata
Laurence Evasco

Nag-anyo ng pahina:
Eunice Nyzza Gonzales

[๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜ 1]๐€๐๐Œ ๐๐‘๐Ž๐Œ ๐๐ˆ๐†๐‡๐“Suot ng mga natatanging kasuotan, ang gabi ngayon ay walang katulad. Masayang ipinagdiwang ang ABM...
05/05/2023

[๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜ 1]
๐€๐๐Œ ๐๐‘๐Ž๐Œ ๐๐ˆ๐†๐‡๐“

Suot ng mga natatanging kasuotan, ang gabi ngayon ay walang katulad. Masayang ipinagdiwang ang ABM Night, gabi ng Mayo 4, 2023, sa pagpapatuloy ng ikalawang araw ng 4th ABM Camp sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Gallanosa. Unang nagpaunlak sa gabi ng kasiyahan si Ginoong Romer Santiago na sinundan ng isang personal na mensahe ni Ginang Marivic A. Aรฑonuevo. Dumagdag naman sa aliw ng gabi ang pagpapakitang-gilas ng mga piling dumalo sa pagkanta na inihandog nina Marcus Dacillo at Angelica Balayo, dagdag pa rito ang pagpapakitang galing ng ilan pang piling mag-aaral ng ABM 1, Baitang 12. Lalo pang nabigyang aliw ang pagdiriwang nang nagtalaga ng nakakatuwang palaro sa programa. Bago matapos ang gabi ay inihalal ang mga tinaguriang Reyna at Hari ng ABM Prom Night na sina Kiven Amante at Irish Vidar, at ang Bituin ng Gabi na si Binibining Aleeyah Pancho.

ABM Strand of Gallanosa NHS







Sa panulat nina:
Christine Joy Dino
Lhian An Ravel Del Rosario

Sa pananaliksik ni:
Prince Lawrence Habla
Lindsay Diolata
Lhian An Raven Del Rosario

Larawan nina:
Lindsay Mae Diolata
Laurence Evasco

Nag-anyo ng pahina:
Eunice Nyzza Gonzales

๐™‹๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ ๐’๐„๐€๐‘๐‚๐‡ ๐…๐Ž๐‘ ๐Œ๐‘. & ๐Œ๐’. ๐€๐๐Œ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘      Larawan nina:Lawrence HablaEunice Nyzza GonzalesLaurence EvascoStephen Alindogan
05/05/2023

๐™‹๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ 
๐’๐„๐€๐‘๐‚๐‡ ๐…๐Ž๐‘ ๐Œ๐‘. & ๐Œ๐’. ๐€๐๐Œ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘








Larawan nina:
Lawrence Habla
Eunice Nyzza Gonzales
Laurence Evasco
Stephen Alindogan

๐Ÿ’๐“๐‡ ๐€๐๐Œ ๐‚๐€๐Œ๐: ๐Œ๐‘. & ๐Œ๐’. ๐€๐๐Œ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘Ika-3 ng Mayo taong 2023 ay ginanap sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Gallanosa ang pi...
05/05/2023

๐Ÿ’๐“๐‡ ๐€๐๐Œ ๐‚๐€๐Œ๐: ๐Œ๐‘. & ๐Œ๐’. ๐€๐๐Œ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘

Ika-3 ng Mayo taong 2023 ay ginanap sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Gallanosa ang pinakahihintay ng lahat, kung sino nga ba ang tatanghaling mag-uuwi ng korona at magdadala ng titulong Mr. & Ms. ABM 2023. Ang lahat ng paghahanda para sa programang ito ay pinangunahan ng mga g**o at mag-aaral ng ABM o Accountancy Business Management na gawing masaya at hindi malilimutang kaganapan ang taong ito para sa ABM Strand. Nagsimula ang search sa oras na alas 2 ng hapon at nagtapos ng alas 6 ng hapon.

Ang mga mag-aaral rin ng ABM Strand ay nagbahagi ng kani-kanilang talento para magbigay ng aliw sa mga manonood tulad ng pagkanta at pagsayaw. Ang mga hurado na siyang huhusga sa angking galing at ganda na taglay ng bawat isa na pinakita ng mga kandidato at kandidata ay sina Ginoong Jonathan G.Balderama Teacher III (Bachelor in Secondary Education Major in Mathematics), Binibining Joy Gallego (Graduate of Bachelor of Secondary Education Major in MAPEH), Ginang Jerida Lita (Master Teacher I in MAPEH and SPS Coordinator), Ginang Jamie Ann T. Dollentas (Graduate of Bachelor of Science in Nursing) at si Ginoong Arvin R. Fortes.

Buong pusong pinatunayan ng ating mga kalahok na sila ang karapat-dapat para sa titulo sa pamamagitan ng pag papamalas ng kani-kanilang husay at galing upang makamit ang koronang labis na inaasam. Isa lamang ito sa patunay na kahit marami tayong kaharaping mga problema at hamon sa buhay ay nararapat lamang na buong tapang mo itong harapin at gampanan upang makamit mo ang tagumpay sa buhay. ๐Ÿ’ช

Narito ang mga listahan ng nagwagi:

โ€ข People's Choice Award
Ms.No. 8 - Precious Desa Gracilla
Mr. No. 2 - Ivan Equipado

โ€ข Best in Ramp
Ms. No.12 - Ryza Mae Buan
Mr. No.3 - Czedric Galban

โ€ข Mr and Ms Congeniality
Ms. No.11- Janele Diesta
Mr. No.6 - Ni**od B. Gealone

โ€ข Best in Production
Ms. No. 8 - Precious Desa Gracilla
Mr. No.14 - Admer P. Astillero

โ€ข Best in Uniform
Ms. No.8 - Precious Desa Gracilla
Mr. No.3 - John Czedric E. Galban

โ€ข Best in Casual Attire
Ms. No.8 - Precious Desa Gracilla
Mr. No.7 - Mark Leo Dela Torre

โ€ข Best in Business Attire
Ms. No. 8 - Precious Desa Gracilla
Mr. No.10 - Alfredo Gabito Foster

โ€ข 2nd Runner Up
Ms. No. 5 - Lailhea Villano
Mr. No. 10 - Alfreado Foster Jr.

โ€ข 1st Runner Up
Ms. No.12 - Ryza Mae Buan
Mr. No.12 - Marcus Zelig B. Dacillo

โ€ข Mr. and Ms. ABM 2023 ๐Ÿ†
Mr. ABM No.3 - John Czedric E. Galban
Ms. ABM No.9 - Ma. Jannariz Maestre

Mainit na pagbati sa ating magigiting na mga kandidato't kandidata. Nawa'y hindi kayo magsawa na magbahagi ng inyong mga talento at kakayahan๐Ÿ’š๐ŸŽ‰.

ABM Strand of Gallanosa NHS








Sa panulat nina:
John Rey Golloso
Eddie Mendones Jr.

Sa pananaliksik ni:
Lhian An Raven Del Rosario

Larawan ni:
Lindsay Mae Diolata
Eunice Nyzza Gonzales
Stephen Alindogan
Prince Lawrence Habla
Laurence Evasco
Maxine Bunag

๐Ÿ’๐“๐‡ ๐€๐๐Œ ๐‚๐€๐Œ๐: ๐๐š๐ฅ๐ข๐ ๐ฌ๐š๐ก๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐’๐ฅ๐จ๐ ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ๐Ÿ–๏ธ๐Ÿ“œ"๐‘จ๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’–๐’‰๐’‚๐’š ๐’‚๐’š ๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’๐’‚๐’๐’Š๐’๐’Š๐’Œ๐’‰๐’‚ ๐’Ž๐’–๐’๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐‘บ๐’Š๐’๐’Š๐’๐’ˆ, ๐’๐’ˆ๐’–๐’๐’Š๐’• ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’Š๐’๐’Š๐’...
05/05/2023

๐Ÿ’๐“๐‡ ๐€๐๐Œ ๐‚๐€๐Œ๐: ๐๐š๐ฅ๐ข๐ ๐ฌ๐š๐ก๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐’๐ฅ๐จ๐ ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ๐Ÿ–๏ธ๐Ÿ“œ

"๐‘จ๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’–๐’‰๐’‚๐’š ๐’‚๐’š ๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’๐’‚๐’๐’Š๐’๐’Š๐’Œ๐’‰๐’‚ ๐’Ž๐’–๐’๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐‘บ๐’Š๐’๐’Š๐’๐’ˆ, ๐’๐’ˆ๐’–๐’๐’Š๐’• ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’Š๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚๐’‚๐’ ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’Œ๐’‚๐’ƒ๐’–๐’๐’–๐’‰๐’‚๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’Ž๐’–๐’Ž๐’–๐’‰๐’‚๐’š"๐Ÿ‚

Bahagi ng ika-4 na pagdiriwang ng ABM CAMP ang paligsahan sa paggawa ng Poster at Slogan na may temang "๐‘๐ž๐ฏ๐ข๐ญ๐š๐ฅ๐ข๐ณ๐ข๐ง๐  ๐“๐ก๐ž ๐‹๐ž๐š๐๐ž๐š๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐š๐ง๐ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐’๐ค๐ข๐ฅ๐ฅ๐ฌ", na kung saan ito ay aktibong nilahukan ng mga kinatawan ng bawat pangkat. Ganap na alas-10:00 ng umaga nagsimula ang paligsahan na isinagawa sa silid-aklatan ng paaralan at nagtapos sa oras na alas-12:00 ng hapon. Ipinakita ng mga mag-aaral na sa paraan ng paggawa ng sining ay naipapakita nila at naibabahagi ang kani-kanilang mga adbokasiya, layunin, at adhikain. Ito ay nagpapatunay at nagpapatotoo na ang pagguhit at pagsusulat ay maaaring pumukaw sa puso't isipan ng ilang tao.

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐˜†:
โžชG. Justin Macabata (Baitang11, ABM1)
โžชBb. Mariel Aniban (PIO, Baitang12, ABM1)

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—น๐—ผ๐—ด๐—ฎ๐—ป:
โžชNatalie Santiago - Bombassets
โžชAleeyah Pancho - SLAYabilities
โžชHeide Mae Nares - Team Pacioli
โžชAngelica C. Balayo - Team In-tax-icated
โžชMark Maravilla - Tax Titan
โžชBianca Labay - Team Loss and Fund
โžชJohn Loyd Roxas - Team Debtors
โžชKyla Banalnal - Team Ledger lions

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ผ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ:
โžชPrincess Ann Lozada - Team Mobile Legders
โžชRico G. Bataller - Team Balance Blazer
โžชMary Joy P. Franche - Team Legend-ndaryns
โžชIvy Porcada - SLAYabilities








Sa panulat nina:
Travis F. Nicol
Krizelle Polo

Sa pananaliksik ni:
Krizelle Polo
Travis F. Nicol
Kate Almasco

Sa pagsasaayos ni:
Raven Del Rosario

Larawan nina:
Maxine Bunag
Milk Krissy Bombita

Nag-anyo ng pahina:
Laurence Evasco

๐Ÿ’๐“๐‡ ๐€๐๐Œ ๐‚๐€๐Œ๐: ๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐†๐ƒ๐ˆ๐‘๐ˆ๐–๐€๐๐† ๐’๐€ ๐๐Œ๐๐†.Myerkules, Mayo 3, 2023 ay opisyal na sinimulan ang ikaapat na ABM Camp sa Pambansa...
04/05/2023

๐Ÿ’๐“๐‡ ๐€๐๐Œ ๐‚๐€๐Œ๐: ๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐†๐ƒ๐ˆ๐‘๐ˆ๐–๐€๐๐† ๐’๐€ ๐๐Œ๐๐†.

Myerkules, Mayo 3, 2023 ay opisyal na sinimulan ang ikaapat na ABM Camp sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Gallanosa, ganap na alas 7 ng umaga. Ito ay may temang "Revitalizing the Leadership and Management Skills". Sa araw na ito ay sinimulan ang parada, ganap na 7:30 ng umaga. Kasama sa mga nanguna ay ang mga mag-aaral ng ABM o Accountancy Business and Management, pati na ang mga g**o ng ABM at ang Drum and Lyre Corporation. Kasama rin sina Gng. Marivic A. Aรฑonuevo, (Kawaksing Punong G**o ll ng Senior High School),
G. Alex Rodriguez (Punong G**o lll) at Judy Estillero (Tagapayo) na nagbigay paunang mensahe sa pagsisimula ng programa.

Nagsaya ang mga estudyante at nagbigay ng kanya-kanyang yell mula sa iba't-ibang pangkat na binuo. Dito ay naipakita nila ang kanilang kahusayan sa pagsayaw at pagkanta. Kita naman ang tuwa sa mga ibang estudyante na sinabayan ng kanilang masigabong palakpakan.

Layunin ng programang ito na mas subukin pa at patatagin ang kakayanan ng mga mag aaral sa ABM bilang isang responsableng pinuno. Sa paraan na ito, mas napapaunlad nila ang kanilang mga kakayahan at abilidad na kalaunan ay magbibigay sakanila ng katagumpayan sa hinaharap.

ABM Strand of Gallanosa NHS






Sa panulat ni:
Shaina Mae Gigante
Jane Shaira Mae Bellen
Prince Lawrence Habla

Larawan nina:
Milk Krissy Bombita
Maxine Bunag
Apple Shane Lorilla
Margaret Rose Bandojo
Prince Lawrence Habla

Sa pananaliksik nina:
Prince Lawrence Habla
Lhian An Raven Del Rosario

Nag-anyo ng pahina:
Eunice Nyzza Gonzales

๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ: ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ ๐š ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š.Ang Labor Day o Araw ng Paggawa ay isang taunang holiday n...
01/05/2023

๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ: ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ ๐š ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š.

Ang Labor Day o Araw ng Paggawa ay isang taunang holiday na ipinagdiriwang sa buong mundo na nagresulta mula sa kilusang unyon ng manggagawa upang ipagdiwang ang mga tagumpay sa ekonomiya at panlipunan. Ito'y karaniwang ipinagdiriwang ng mga bansa kasama na ang Pilipinas tuwing ika-1 ng Mayo at kilala ito bilang Araw ng Mayo at Pandaigdigang araw ng mga manggagawa.

Ito'y araw ng pagbibibigay pugay at pagmamalaki ang mga nagawang tulong at tagumpay ng mga manggagawa sa loob at labas ng bansa. Napakahalaga ng araw na ito dahil isa itong pagpapahalaga sa sakripisyo at hirap na nagawa at ginagawa nila hanggang sa kasalukuyan lalo na sa pagpapanatili ng ating pambansang ekonomiya na maayos, maunlad at kapaki-pakinabang. Sila ay ating parangalan sa kanilang mga ginagawa para sa ating bansa, sapagkat kung walang manggagawa wala tayong magagawa, kung walang magagawa wala tayong mapapala sa ating bansa.

Muli, lubos namin kayong ipinagmamalaki at pinapasalamatan aming mga MANGGAGAWANG masisipag, matatag at disiplinado. Sana'y ipagpatuloy niyo pa ang magandang serbisyo saating bansa maging sa buong daigdig. Ang inyong tiyaga at kontribusyon sa paggawa ay hindi kailanman kayang pantayan ng anumang materyal na bagay sapagkat ang inyong dedikasyon sa trabaho ay hindi matatawaran. โ˜บ๏ธ๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ’ช๐Ÿป






Sa panulat ni:
Eddie Mendones Jr.

Nag-anyo ng pahina:
Eunice Nyzza Gonzales

[๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜ ๐Ÿญ๐Ÿฌ]๐˜๐„๐’-๐Ž ๐ƒ๐ˆ๐’๐“๐‘๐ˆ๐‚๐“ ๐’๐”๐Œ๐Œ๐„๐‘ ๐‚๐€๐Œ๐: ๐€๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐จ๐ง๐  ๐’๐ฎ๐ฆ๐ฆ๐ž๐ซ ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ.Matapos ang dalawang araw na aktibidad ...
30/04/2023

[๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜ ๐Ÿญ๐Ÿฌ]
๐˜๐„๐’-๐Ž ๐ƒ๐ˆ๐’๐“๐‘๐ˆ๐‚๐“ ๐’๐”๐Œ๐Œ๐„๐‘ ๐‚๐€๐Œ๐: ๐€๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐จ๐ง๐  ๐’๐ฎ๐ฆ๐ฆ๐ž๐ซ ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ.

Matapos ang dalawang araw na aktibidad sa ginanap na Pandistritong Summer Camp, nagkaroon ng pangwakas na programa. Kalakip nito ang pagkilala at pagbibigay karangalan sa bawat kasaping nakiisa at nakilahok.

Sinimulan ang pangwakas na programa sa pangunguna ng Yes-O koordineytor ng Patag Integrated School na si G. Roel Anthony Gracilla at Yes-O koordineytor ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Gallanosa na si G. John Bryan Evasco sa isang mensaheng pasasalamat. Sinundan naman ito ng pagbibigay karangalan sa mga nagwaging kalahok sa iba't ibang aktibidad na isinagawa kahapon lamang. Samantala, huling nagbigay naman ng mensahe ang punong g**o ng Departamento ng Agham na si Gng. Rowena De Leon.

Isang masigabong palakpakan sa mga nagwagi at sa buong pusong mga nakilahok sa Yes-O District Summer Camp 2023. Tiyak na mananatili sa isipan ng mga sumali ang masasayang karanasan na hindi kailanman malilimutan. Sana'y marami kayong natutunan at maging mabuti kayong ehemplo sa maraming tao lalo na sa kabataan hinggil sa pangangalaga at pagpapahalaga ng ating kalikasan. Sapagkat nag-iisa lamang ito at wala nang kapalit kung lubos na mapabayaan.Hindi ito tulad ng anumang bagay sa mundo o materyal na bagay na madaling palitan. Muli, kayo ay mainit naming binabati at lubos na nagpapasalamat sa pakikilahok๐Ÿค—๐Ÿ’š๐Ÿ’.

๐—ก๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ถ:

๐๐š๐ ๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ
โžชUnang Gantimpala- Mark G. Hispano
โžชPangalawang Gantimpala- John Ricky B. Baeza
โžชPangatlong Gantimpala- Elaica G. Gobres,

๐๐š๐ ๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐ˆ๐ฌ๐ฅ๐จ๐ ๐š๐ง
โžชUnang Gantimpala- Abegail S. Gabito
โžชPangalawang Gantimpala- Mallory Alijah L. Balingbing
โžชPangatlong Gantimpala- Mark F. Maravilla

๐„๐๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐จ๐ญ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฉ๐ข๐ฒ๐š
โžชUnang Gantimpala- Rian Rainne Gamba
โžชPangalawang Gantimpala- Zendee Elicana
โžชPangatlong Gantimpala- Francia Jossel Balete

๐๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐  ๐’๐š๐ง๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ
โžชUnang Gantimpala- Huan Migue Uyyangco
โžชPangalawang Gantimpala- Cyrene Ann Castillo
โžชPangatlong Gantimpala- Jahsara Olavere

๐“๐ฎ๐ ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ฐ๐ข๐ญ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐ž๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง
โžชUnang Gantimpala- Gallanosa National High School
โžชPangalawang Gantimpala- Patag Integrated School

๐’๐ฉ๐ž๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐ (๐ต๐‘’๐‘ ๐‘ก ๐‘–๐‘› ๐‘‡๐‘’๐‘Ž๐‘š ๐ต๐‘ข๐‘–๐‘™๐‘‘๐‘–๐‘›๐‘” ๐ด๐‘๐‘ก๐‘–๐‘ฃ๐‘–๐‘ก๐‘ฆ)
โžชUnang Gantimpala- ๐–ฒ๐–ด๐–ก๐–ข๐– ๐–ฌ๐–ฏ 4
โžชPangalawang Gantimpala- ๐–ฒ๐–ด๐–ก๐–ข๐– ๐–ฌ๐–ฏ 5
โžชPangatlong Gantimpala- ๐–ฒ๐–ด๐–ก๐–ข๐– ๐–ฌ๐–ฏ 2






Sa panulat ni:
Christine Joy Dino
Carlo Carilla
Krizelle Polo

Larawan ni:
Lindsay Diolata
Roxanne Diolata

Nag-anyo ng pahina:
Laurence Evasco

Address

Irosin
4707

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Lambak Gallanosa NHS - JHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share