04/09/2026
INTRAMURALS 2026 HANDA NA BA ANG LAHAT?
Opisyal nang nagbukas ang ZAHS INTRAMURALS 2026! π
Isang makulay na pagdiriwang ng palakasan, pagkakaisa, disiplina, talento at tunay na sportmanship ang nasaksihan sa pagbubukas ng pinakahihintay na paligsahan.
Ngayong araw, nagkaroon ng isang programang opisyal na nagpasimula ng ZAHS INTRAMURALS 2026. Ipinakita ng bawat mag-aaral sa Growling Green, Blazing Red, Mighty Yellow, Fiery Blue, Roaring Orange, at Volting Violet ang husay sa pag-hataw, sigla at malalakas na cheer bilang tanda ng pagkakaisa ng Zeferinians na handang-handa na sa paligsahan.
Pagkatapos nito, magsisimula na ang iba't ibang larong pampalakasan tulad ng Weight Lifting, Gymnastics at Table Tennis na sa loob ng paaralan gaganapin.
Matutunghayan din kung sino na ang susunod na puputungan ng korona at tatanghalin bilang
MR. & MS. ZAHS INTRAMURALS 2026!
Kaya ihanda na ang mga boses, lakas, at pusong palaban. Ipakita ang husay hindi lamang sa sayaw, pageant at laro, kundi pati na rin sa pagiging mabuting kasama, na may pagkakaisa, respeto at pagmamalaki ng isang tunay na ZEFERINIANS.
Sa bawat sigaw ng mga tagasuporta, sa bawat pawis na ibubuhos ng mga atleta, at sa bawat laban na haharapin, isang bagay lang ang malinawβBASTA ZEFERINIANS, MAGALING βYAN!
ZAHS INTRAMURALS 2026 β Sama-sama sa Laban, Sama-sama sa Tagumpay! ππ₯