01/04/2026
๐๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐ ๐๐ฉ ๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ ๐๐๐๐โ๐๐๐๐
Ang taunang pagtatapos ay sumisimbolo sa pagkilala sa bawat munting tagumpay na nakamit. Ipinagdiriwang nito ang pagsisikap, tiyaga, at dedikasyon ng bawat mag-aaral sa kanilang paglalakbay.
Sa inyong paglilipat ng antas, ipagpatuloy ninyo ang pag-iigihin ang inyong pag-aaral at pagsusumikap upang maabot ang mas mataas pang mga pangarap. Mangarap nang malaki, maniwala sa sariling kakayahan, at huwag matakot harapin ang mga hamon sa susunod na yugto ng inyong paglalakbay.
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa aming superbisor ng Programang Edukasyon sa Araling Panlipunan, Dr. Florenia C. Toralde; sa punong-g**o ng Paaralang Elementarya ng San Pedro, G. Anthony C. Vista; sa SPTA President, Elda M. Barquin; sa SGC President, Beverly B. Nacario; at sa inspirasyong ibinahagi ni G. Jun Mark O. Biag.
Lubos din ang aming pasasalamat sa mga g**o, mag-aaral, mga magulang, at mga stakeholder na naging katuwang sa matagumpay at makabuluhang pagsasakatuparan ng Moving Up Ceremony.