Paaralang Elementarya ng San Miguel, Lungsod Iriga

Paaralang Elementarya ng San Miguel, Lungsod Iriga Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Paaralang Elementarya ng San Miguel, Lungsod Iriga, Elementary School, Waling-waling Street, Iriga City.

Since 1938, San Miguel ES, a complete elementary school, provides quality education to the people of San Miguel and adjacent barangays within the business center of Iriga City.

๐ŸŒฑ SA BAWAT PUNLANG ITINATANIM, MAY ARAL NA INIIWAN. ๐ŸŒณSeptember 23, 2026 | San Miguel Elementary SchoolNgayong pagdiriwan...
23/09/2026

๐ŸŒฑ SA BAWAT PUNLANG ITINATANIM, MAY ARAL NA INIIWAN. ๐ŸŒณ

September 23, 2026 | San Miguel Elementary School

Ngayong pagdiriwang ng World Teachersโ€™ Day, ang mga g**o ng San Miguel Elementary School (SMES) ay muling nagpakita na ang pagtuturo ay hindi lamang nasusukat sa mga araling naipapasa sa pisara.

Ngayong araw, ang aming mga kamay na karaniwang humahawak ng chalk, marker, at learning materials ay humawak naman ng mga punla at lupa.

Sa bawat punong itinanim, may mensaheng nais naming iwan: ang kinabukasan ay inaalagaan, hindi lamang hinihintay.

Ang punong itinanim ngayon ay maaaring hindi pa namin masilungan bukas. Ngunit balang araw, ang lilim nito ay maaaring maging pahingahan ng aming mga mag-aaralโ€”isang buhay na paalala na minsan, may mga g**ong nagtanim hindi lamang ng puno, kundi ng pag-asa, malasakit, at pananagutan para sa kalikasan.

G**o kami. Nagtuturo kami. Nag-aalaga kami. Nagtatanim kami para sa kinabukasan.

Happy World Teachersโ€™ Day!
Mula sa mga g**o ng SMESโ€”isang punla, isang aral, isang pamana.

๐Ÿ“ข ANUNSIYO: MGA NAGNANAIS MAGING ARAL TUTORโฐ Huling araw ng aplikasyon: bukas, 20 Agosto 2026!Kung nais mong maging baha...
19/08/2026

๐Ÿ“ข ANUNSIYO: MGA NAGNANAIS MAGING ARAL TUTOR

โฐ Huling araw ng aplikasyon: bukas, 20 Agosto 2026!

Kung nais mong maging bahagi ng programa at makatulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral, mag-apply na bago ang deadline.

๐Ÿ“ฃ INTERVIEW NG MGA APLIKANTE

๐Ÿ“… 24 Agosto 2026
โฐ 3:00 PM

Maging handa at dumalo sa itinakdang interview.

Magturo. Magbigay. Magbigay-halaga. ๐Ÿ’™๐Ÿ“š

Maraming salamat sa inyong interes at dedikasyon! ๐Ÿ™

A HEARTFELT THANK YOU, MRS. MARISSA DE LEON SANDFORT! ๐Ÿ’๐Ÿ’œTaos-pusong pasasalamat mula sa Paaralang Elementarya ng San Mig...
15/08/2026

A HEARTFELT THANK YOU, MRS. MARISSA DE LEON SANDFORT! ๐Ÿ’๐Ÿ’œ

Taos-pusong pasasalamat mula sa Paaralang Elementarya ng San Miguel (SMES) kay Mrs. Marissa De Leon Sandfort sa kanyang napakagandang handogโ€”ang libreng meryenda para sa lahat ng mag-aaral ng SMES kahapon, Agosto 14, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan. ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰

Ang simpleng pagbabahagi ng biyaya ay naging malaking saya para sa ating mga mag-aaral. Tunay na napakasarap isipin na sa isang espesyal na araw para sa inyo, pinili ninyong magbigay at magbahagi ng saya sa ating mga bata.

Lubos din kaming nagpapasalamat sa inyong mga kaibigan na tumulong upang maisakatuparan ang napakagandang handog na ito. Isang espesyal na pasasalamat kay Maโ€™am Jean G. Ortega, na naging mahalagang daan upang maging posible ang munting sorpresa at pagpapalang ito para sa ating mga mag-aaral. ๐Ÿ™๐ŸŒท

Maraming salamat po sa inyong kabutihan, pagmamahal sa mga bata, at pusong mapagbigay. Nawaโ€™y pagpalain pa kayo ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, masaganang biyaya, at marami pang masasayang kaarawan.

Happy Birthday, Mrs. Marissa De Leon Sandford! ๐ŸŽ‚๐ŸŽˆ
Ang inyong kaarawan ay naging isang araw ng pagbabahagi, pasasalamat, at saya para sa buong SMES family! ๐Ÿ’œ

Mula sa aming mga mag-aaral at buong SMES family, maraming-maraming salamat po! ๐ŸŒธ

๐Ÿ“ข PANAWAGAN PARA SA MGA NAGNANAIS MAGING ARAL TUTOR!* ๐Ÿ“šโœจAng Paaralang Elementarya ng San Miguel ay nananawagan sa mga kw...
10/08/2026

๐Ÿ“ข PANAWAGAN PARA SA MGA NAGNANAIS MAGING ARAL TUTOR!* ๐Ÿ“šโœจ

Ang Paaralang Elementarya ng San Miguel ay nananawagan sa mga kwalipikado at interesadong indibidwal na nais magbahagi ng kanilang oras, kaalaman, kasanayan, at malasakit upang matulungan ang ating mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang pagkatuto sa ilalim ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program.

๐Ÿ“– PAGBASA (READING)
๐Ÿ”ข MATEMATIKA (MATHEMATICS)

๐Ÿ’š SINO ANG MAAARING MAGING ARAL TUTOR?

Inaanyayahan ang mga retiradong g**o, lisensiyadong g**o (LET passer), para-teacher, pre-service teacher, college graduate na may mga yunit sa Edukasyon, at iba pang kwalipikadong indibidwal na may malasakit at hilig sa pagtuturo at pagtulong sa mga bata.

Ang iyong oras, kaalaman, at kakayahan ay maaaring maging malaking tulong upang ang ating mga mag-aaral ay matuto, makahabol, at higit pang umunlad.

๐Ÿ“Œ MAG-APPLY NA!

Ang mga interesadong aplikante ay maaaring magsumite ng kinakailangang dokumento sa Paaralang Elementarya ng San Miguel o makipag-ugnayan sa aming Opisyal na page.

๐Ÿ“ž 054-884-2062
๐Ÿ“ง [email protected]

๐ŸŒฑ TULONG MO, KINABUKASAN NILA!
๐Ÿค ARAL TAYO, BATA AY KASAMA MO!

Isang mainit na pagbati kay Gng. Rachel M. Padasas, GPTA President ng San Miguel Elementary School, sa iyong pagkahalal ...
08/08/2026

Isang mainit na pagbati kay Gng. Rachel M. Padasas, GPTA President ng San Miguel Elementary School, sa iyong pagkahalal bilang Public Information Officer (PIO) ng Division Federated PTA ng SDO Iriga City para sa SY 2026โ€“2027!

Ang iyong dedikasyon at husay sa pamumuno ay patuloy na magiging gabay sa pagtataguyod ng magandang ugnayan ng ating paaralan at ng buong dibisyon para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Muli, malugod na pagbati mula sa buong pamilya ng San Miguel Elementary School!

๐Ÿ“ทMa'am Ana Melba Maninang Bongon ๐Ÿ™

๐Ÿ† KINANG MIGUELINGEAN! โœจ๐Ÿ†Isang Karangalan para sa San Miguel Elementary School!Buong pagmamalaki at pasasalamat na ipina...
05/08/2026

๐Ÿ† KINANG MIGUELINGEAN! โœจ๐Ÿ†

Isang Karangalan para sa San Miguel Elementary School!

Buong pagmamalaki at pasasalamat na ipinagdiriwang ng Paaralang Elementarya ng San Miguel ang pagkilala ng DepEd Iriga City at LGU Iriga City bilang โ€œPaaralang Lahat Bumabasa (Zero Non-Reader)โ€ kaugnay ng matagumpay na pagpapatupad ng Programang IRIGA Plus (Intensive Remedial Instruction for Greater Achievement), PT 2025โ€“2026.

Ang parangal na ito ay bunga ng pagtutulungan, dedikasyon, at walang sawang pagsisikap ng ating mga g**o, mag-aaral, magulang, at mga katuwang ng paaralan upang matiyak na bawat batang Miguelingean ay natututo at marunong bumasa.

๐ŸŒŸ Kabilang ang mga G**ong-Tagapayo ng Ikatlong Baitang sa tumanggap ng parangal:
๐Ÿ‘ Karla Vanessa S. Manaog
๐Ÿ‘ Jackielene V. Portea
๐Ÿ‘ Jean C. Malonda

Nakibahagi rin sa makabuluhang okasyong ito ang ating mga katuwang sa paaralan:
๐Ÿ’š Rachel M. Padasas โ€“ Pangulo, GPTA
๐Ÿ’š Brgy. Kwd. Kgg. Jinky Urduja Carumba โ€“ Committee on Education Chair

Maraming salamat sa ating Punongg**o II, Sir Pedro N. Morada, sa pamumuno at paggabay, at sa lahat ng g**o, magulang, mag-aaral, at stakeholders na patuloy na nakikiisa sa ating adhikain para sa literasiya.

Ang pagkilalang ito ay hindi lamang batay sa mga ulat o dokumento. Ang balidasyon nito ay isinagawa sa pamamagitan ng aktwal na pagpapabasa sa lahat ng mag-aaral ng Ikatlong Baitang noong nakaraang taon, na nagpatunay na ang bawat isa ay may kakayahang bumasa at walang mag-aaral na naitala bilang non-reader.

Ito ang tunay na KINANG MIGUELINGEANโ€”isang tagumpay na nasaksihan, nasuri, at higit sa lahat, naging bunga ng sama-samang pagkilos para sa bawat batang mambabasa.

Taos-pusong pasasalamat sa Pamunuan ng DepEd-Iriga City sa pamumuno ni SDS Maria-Magnolia F. Brioso at sa Pamahalaang Lungsod ng Iriga sa pamumuno ni Hon. Mayor Rex C. Oliva sa parangal na ito.




ISANG MASIGLANG PAGSISIMULA NG LINGGO KASAMA ANG ATING MGA KAPULISAN! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‘ฎโ€โ™‚๏ธโ€‹Taos-pusong nagpapasalamat ang Paaralang El...
27/07/2026

ISANG MASIGLANG PAGSISIMULA NG LINGGO KASAMA ANG ATING MGA KAPULISAN! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‘ฎโ€โ™‚๏ธ

โ€‹Taos-pusong nagpapasalamat ang Paaralang Elementarya ng San Miguel sa Iriga City Police Station sa kanilang pagdalo at pakikiisa sa ating ginanap na Monday Flag Raising Ceremony ngayong Hulyo 27, 2026.

โ€‹Ang ganitong ugnayan ay nagpapatibay sa ating layunin na hubugin ang ating mga mag-aaral sa pagiging makabayan, may disiplina, at responsable sa lipunan.
โ€‹Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at serbisyo sa ating paaralan at komunidad!

PNP-IRIGA PARTICIPATES IN MONDAY FLAG RAISING CEREMONY AT SAN MIGUEL ELEMENTARY SCHOOL

At about 7:00 AM on July 27, 2026, personnel of the Iriga City Police Station led by PCMS Salvador B. Ampongan Jr., PCAD PNCO, under the supervision of PLTCOL Jeric Don P. Sadia, Acting Chief of Police, participated in the Monday Flag Raising Ceremony held at San Miguel Elementary School, Barangay San Miguel, Iriga City.

The activity forms part of the stationโ€™s continuing commitment to strengthen its partnership with educational institutions and promote a culture of patriotism, discipline, and community engagement among learners and school personnel.


๐Ÿ“ข ANUNSIYOMagandang araw!Inaanyayahan ang mga nais magparehistro o kumuha ng kanilang National ID na samantalahin ang pa...
09/07/2026

๐Ÿ“ข ANUNSIYO

Magandang araw!

Inaanyayahan ang mga nais magparehistro o kumuha ng kanilang National ID na samantalahin ang pagbisita ng Philippine Statistics Authority (PSA) โ€“ PhilSys (Philippine Identification System) sa Paaralang Elementarya ng San Miguel, Lungsod Iriga bilang bahagi ng BRIGADA ESKWELA.

๐Ÿ“… Petsa: Sabado, 11 Hulyo 2026
๐Ÿ•˜ Oras: 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon
๐Ÿ“ Lugar: Paaralang Elementarya ng San Miguel, Lungsod Iriga

Hinihikayat ang mga magpaparehistro at kukuha ng National ID na dalhin ang mga kinakailangang dokumento para sa mas mabilis at maayos na proseso ng pagpaparehistro.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Ang National ID ay mahalagang pagkakakilanlan na magagamit sa iba't ibang transaksiyon sa pamahalaan at pribadong sektor.

Maraming salamat at inaasahan ang inyong pakikiisa!

๐ŸŽ‰๐Ÿ‘ ISANG TAOS-PUSONG PAGBATI! ๐Ÿ‘๐ŸŽ‰Ang buong komunidad ng Paaralang Elementarya ng San Miguel ay lubos na nagagalak at ipin...
11/06/2026

๐ŸŽ‰๐Ÿ‘ ISANG TAOS-PUSONG PAGBATI! ๐Ÿ‘๐ŸŽ‰

Ang buong komunidad ng Paaralang Elementarya ng San Miguel ay lubos na nagagalak at ipinagmamalaki ang dating mag-aaral at alumnus na si Kyle Ezekiel M. Payot sa kanyang kahanga-hangang tagumpay bilang 2nd Ranked Passer sa University of Saint Anthony Junior High School Doรฑa Felisa Scholarship Examination!

Ang iyong sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-aaral ay tunay na nagsilbing susi sa natamong karangalang ito. Nawaโ€™y magsilbi kang inspirasyon sa kasalukuyan at mga susunod pang mag-aaral ng SMES na mangarap nang mataas at magsikap upang maabot ang kanilang mga mithiin.

Ipinagmamalaki ka ng iyong mga g**o, pamilya, at ng buong pamayanang Miguelingean. Nawaโ€™y patuloy kang gabayan ng Poong Maykapal sa iyong paglalakbay tungo sa mas marami pang tagumpay.

๐ŸŒŸ Congratulations, Kyle Ezekiel M. Payot! ๐ŸŒŸ

Ang Doรฑa Felisa Scholarship ay isang prestihiyosong scholarship na inaasam ng maraming mag-aaral sa buong Rinconada Area. Taun-taon, daang mga mag-aaral na papasok sa Junior High School ang sumusubok na makamit ang scholarship na ito, kaya naman ang pagiging ikalawang pinakamataas na pumasa ay isang natatanging karangalang tunay na karapat-dapat ipagdiwang at ipagmalaki.

Patuloy na magningning at magsilbing inspirasyon sa iba. Ang iyong tagumpay ay tagumpay rin ng buong komunidad ng San Miguel Elementary School.

Pasasalamat at pagpupuri sa Poong Maykapal sa karangalang ito.

๐Ÿ’™๐Ÿ’› Maging MIGUELingean!



Address

Waling-waling Street
Iriga City
4431

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Paaralang Elementarya ng San Miguel, Lungsod Iriga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Paaralang Elementarya ng San Miguel, Lungsod Iriga:

Shortcuts

Share