Kalasag Kabataan

Kalasag Kabataan KALASAG

KA-bataan
LA- ban sa
S-ira kalikasan
A-lagad Ng
G-inintuang Lipunan

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ NATIONAL HEROES DAY | AUGUST 31   โ€œHindi lang sa kasaysayan matatagpuan ang bayani. Nasa bukid, sa dagat, at sa lansa...
31/08/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ NATIONAL HEROES DAY | AUGUST 31

โ€œHindi lang sa kasaysayan matatagpuan ang bayani. Nasa bukid, sa dagat, at sa lansangan din sila naroon. Ang Magsasaka, Mangingisda, at Manggagawa โ€” sila ang tunay na pundasyon ng ating bayan.โ€

Sa araw na ito, ipinagdiriwang natin hindi lamang ang mga bayaning nakasulat sa mga aklat ng kasaysayan, kundi pati na rin ang mga tahimik na bayani na bumubuo sa ating lipunan, ang mga magsasakang gumigising bago pa sumikat ang araw upang magtanim ng pag-asa at pagkain sa ating hapag-kainan; ang mga mangingisdang humaharap sa alon at kalaliman ng dagat upang makahakot ng biyaya para sa kanilang pamilya at sa ating bayan; at ang bawat manggagawang nagsisikap, nagpapawis, at nag-aalay ng lakas upang maitaguyod ang ating mga komunidad.

Ang kanilang kabayanihan ay hindi laging may parangal o medalya ito ay makikita sa bawat butil ng bigas na ating kinakain, sa bawat ani na ating tinatamasa, at sa bawat pagsisikap na kanilang ginagawa araw-araw nang walang reklamo at puno ng pag-asa. Sila ang pundasyon na nagpapatatag sa ating bansa, ang mga kamay na nagbubuo ng ating kinabukasan, at ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino , mapagkumbaba, masipag, at handang mag-alay ng sarili para sa kapwa at sa bayan.

Bilang mga kabataan ng SLSU Infanta sa ilalim ng KALASAG โ€” Kabataan, Laban sa Sira Kalikasan, Alagad ng Ginintuang Lipunan โ€” kami ay nagpupugay at nagpapasalamat sa inyong walang pagod na paglilingkod at sakripisyo. Ang inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon ay nagsisilbing inspirasyon sa amin na maging mabuting tagapangalaga ng ating kalikasan at mapagmalasakit na lingkod-bayan. Ang inyong kwento ay bahagi ng ating kasaysayan, at ang inyong kabayanihan ay mananatiling buhay sa puso ng bawat Pilipino.

Sa bawat magsasaka, mangingisda, at manggagawa โ€” kayo ang tunay na bayani ng ating panahon. Kayo ang lakas na nagpapatakbo sa ating bansa, at sa inyong mga kamay nakasalalay ang pag-asa ng mas magandang bukas. Ang inyong sakripisyo ay hindi malilimutan, at ang inyong ambag sa ating bayan ay laging kikilalanin at papahalagahan.

Maligayang Araw ng mga Bayani sa inyong lahat! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ



โ€” SLSU Infanta โ€ข KALASAG
Kabataan, Laban sa Sira Kalikasan, Alagad ng Ginintuang Lipunan

๐ŸŒŽ Green Heart, Digital Mind ๐Ÿ’š On August 19, 2026, officers and members of KALASAG - the official Environmental Advocates...
19/08/2026

๐ŸŒŽ Green Heart, Digital Mind ๐Ÿ’š

On August 19, 2026, officers and members of KALASAG - the official Environmental Advocates Organization โ€” actively participated in the E-YOUTH: Digital Literacy and Responsible Social Media Use Seminar.

This activity aimed to equip the youth with proper knowledge on navigating the digital space, practicing responsible online behavior, and utilizing social media as a powerful tool for advocacy and positive change.

We extend our gratitude and appreciation to our distinguished speakers:
โœจ Ms. Patricia Mae Vermudes
โœจ Ms. Cecelia C. Maloles

for sharing their valuable insights, guidance, and expertise on digital responsibility and media literacy.

As student leaders and environmental advocates, we recognize that responsibility extends beyond our physical actions, it applies to our digital footprint as well. May we carry these learnings and apply them in our online presence, ensuring that we use our voices and platforms to advocate not just for the environment, but for truth, respect, and responsibility in the digital world.

As environmental advocates, we believe responsibility starts with us, both on the ground and online. ๐ŸŒ๐Ÿ’ป
Thank you for the meaningful insights!

๐ŸŒˆ This Pride Month, we celebrate love, courage, diversity, and the freedom to be yourself. Let us build a world where ev...
01/06/2026

๐ŸŒˆ This Pride Month, we celebrate love, courage, diversity, and the freedom to be yourself. Let us build a world where everyone is respected, accepted, and valued.

Ang pagpapakita ng kalugudan sa ating mga LGBTQIA+ at mainit na pagtanggap ay pagpapakita ng pagmamahal sa ating kapwa. Hindi sila iba, sining sila ng ating kultura. They made everything extra special, their creativity contribute more. And their presence makes our world more wonderful.

Love knows no gender, no boundaries, and no limits. Together, let's promote equality, acceptance, and respect for all. Happy Pride Month!


PANGALAGAAN!! PROTEKTAHAN!! INGATAN!! MAHALIN!! At LINISIN!! Ang pangisdaan ay nagbibigay ng napakaraming hanap buhay, n...
31/05/2026

PANGALAGAAN!! PROTEKTAHAN!! INGATAN!! MAHALIN!! At LINISIN!!

Ang pangisdaan ay nagbibigay ng napakaraming hanap buhay, nagagawa nitong bigyan ng kabuhayan ang mga mangingisda ngunit dapat nga bang abusohin??

PANGALAGAAN at laging PROTEKTAHAN! Ang araw ng mga mangingisda ay dapat laging gunitain upang ipakita ang taos pusong pagpupugay at mas bigyang diin ang mga karapatan na dapat nasa kanila at binibigyang TINIG!! KARAPATAN ay labis na mahalaga Upang mas PAG INGATAN at panatilihin ang kagandahan ng ating karagatan at mas maging mayaman ang lamang dagat.

Ingat ang dapat ingatan!! Panagutin ang dapat panagutin!!




๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐๐†๐ˆ๐๐†๐ˆ๐’๐ƒ๐€!

Sa Araw ng Mangingisda, hindi lang natin ipinagdiriwang ang kanilang kabuhayanโ€”ipinapanawagan din natin ang tunay na pagprotekta sa ating karagatan, pangisdaan, at kalikasan.
โ€Ž
โ€ŽWakasan ang kagutuman. Isalba ang pangisdaan. Panagutin ang mga dapat managot.
โ€Ž
โ€ŽNananatiling mahalaga ang gampanin ng mga kabataan sa laban na ito. Tayo ang boses ng susunod na henerasyonโ€”tungkulin nating magsalita, makiisa, magmulat, at kumilos para sa karapatan ng mga mangingisda at sa kinabukasan ng ating bayan. Sa bawat post, bawat paninindigan, at bawat pagkilos, may ambag tayo sa pagbabago.
โ€Ž
โ€ŽPara sa mga mangingisda. Para sa kabuhayan. Para sa kalikasan. Para sa kinabukasan.

Ang KALASAG ay buong pagmamalaking nagpapatunay na kami ay naging mahalagang bahagi ng mga pagsisikap na baguhin  ang Ba...
26/05/2026

Ang KALASAG ay buong pagmamalaking nagpapatunay na kami ay naging mahalagang bahagi ng mga pagsisikap na baguhin ang Batas RA 11203( RICE TARIFFICATIONLAW ). Sa pamamagitan ng paglahok sa mga pagdinig, pagbabahagi ng mga katotohanan, at pagmungkahi upang maitama ang mga kakulangan ng kasalukuyang batas.

Ang kabataang may bukas na isip at malinaw na pananaw ay ang tunay na pag-asa ng ating bayan. Bilang mga mag-aaral at kasapi ng KALASAG, hindi kami nagbubulag-bulagan sa katotohanan. Ang RA 11203 o Rice Tariffication Law ay nagdulot ng matitinding hirap sa ating mga magsasaka, bumagsak ang presyo ng kanilang ani habang nananatiling mahal ang bigas sa pamilihan, at kulang ang suportang ibinibigay sa kanila.
Kung ang kabataan ay may alam at may paninindigan, tiyak na magiging maliwanag at maunlad ang hinaharap ng Pilipinas!

Ang aming hangarin ay magkaroon ng isang batas na tunay na naglilingkod at nagbibigay-kapangyarihan sa mga magsasakang Pilipino ang tunay na pundasyon ng ating bansa. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŒพ

MATAGUMPAY na nailunsad ng Southern Tagalog for Environmental Development and Protection of Sierra Madre Inc. ang Summer...
23/05/2026

MATAGUMPAY na nailunsad ng Southern Tagalog for Environmental Development and Protection of Sierra Madre Inc. ang Summer Educational Camp on Climate Change and Defending Sierra Madre (SECCAD) 2026 sa loob ng 3 araw!

Kaisa ang KALASAG, ang mga kabataan ay nagkaroon ng makabuluhang aral at mumulat sa kanilang kalinangan patungkol sa klima ng lipunan. Kalagayan ng ating kalikasan ay dapat na mas pag tuunan ng pansin at bigyang buhay ang boses ng bawat mamamayan.

Ang kabataang mulat ay makapagbibigay ng malaking ambag sa mas mabilis na pag unlad ng ating lipunan, higit na magkakaroon ng kaaayusan. Disiplina para sa kalikasan, disiplina para sa bayan, disiplina para sa kabataan at disiplina para sa mundong nilikha ng ating AMA๐Ÿ’š.





To all mothers around the world๐Ÿ’š๐Ÿฉท     Happy Motherโ€™s Day! Today is a celebration of the unconditional love, sacrifices, ...
10/05/2026

To all mothers around the world๐Ÿ’š๐Ÿฉท

Happy Motherโ€™s Day! Today is a celebration of the unconditional love, sacrifices, strength, and dedication that mothers give each and every day. Mothers are the heart of every family, offering comfort during difficult times, encouragement during challenges, and endless support through every stage of life. Their patience, care, and selfless devotion inspire everyone around them and create a lasting impact that words can never fully express.

May this special day serve as a reminder of how valued and appreciated all mothers truly are. Whether they are biological mothers, single mothers, grandmothers, foster mothers, or mother figures who continue to guide and nurture others with love, they all deserve recognition and gratitude. Thank you to all moms for the countless sacrifices, quiet strength, and unconditional love that make the world warmer, kinder, and brighter every day. ๐Ÿ’๐Ÿค

Ngayong Mayo 1, ating kilalanin at pasalamatan ang sipag, tiyaga, at dedikasyon ng bawat manggagawang Pilipinoโ€”mga magsa...
30/04/2026

Ngayong Mayo 1, ating kilalanin at pasalamatan ang sipag, tiyaga, at dedikasyon ng bawat manggagawang Pilipinoโ€”mga magsasaka, mangingisda, g**o, healthcare workers, pulis, sundalo, at lahat ng patuloy na nagsusumikap para sa pamilya at bayan. Maraming salamat sa inyong sakripisyo at walang sawang paglilingkod.

Kayo ang tunay na bayani ng araw-araw. Saludo kami sa inyong sakripisyo at walang sawang paglilingkod. โค๏ธ๐Ÿ’™๐Ÿ’›
Mabuhay ang manggagawang Pilipino!

Isang matagumpay na araw na puno ng pag-asa at pagkakaisa ๐ŸŒฑ๐ŸŒ Sa simpleng pagtatanim ng puno, nagkaroon tayo ng malaking ...
23/04/2026

Isang matagumpay na araw na puno ng pag-asa at pagkakaisa ๐ŸŒฑ๐ŸŒ Sa simpleng pagtatanim ng puno, nagkaroon tayo ng malaking ambag sa kalikasan at sa kinabukasan ng susunod na henerasyon. Hindi lang ito basta gawainโ€”ito ay simbolo ng ating pagmamalasakit, disiplina, at responsibilidad bilang tagapangalaga ng ating kapaligiran. Sa bawat punlang ating itinanim, may kasamang pangarap na mas malinis na hangin, mas luntiang paligid, at mas ligtas na mundo para sa lahat.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, naglaan ng oras, at nagpakita ng dedikasyon upang maging matagumpay ang aktibidad na ito. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang nasusukat sa dami ng punong naitanim, kundi sa dami ng pusong handang kumilos para sa kalikasan. Nawaโ€™y patuloy nating alagaan at palaguin ang mga punong ito, tulad ng pag-aalaga natin sa ating komunidad at sa ating kinabukasan.

Magtanim ngayon, umani ng pag-asa bukas. ๐ŸŒณ๐Ÿ’š โ€

Address

Tonggohin Infanta Quezon
Infanta
4336

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kalasag Kabataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category